2

164 75 66
                                    

BUMUMABA ako sa sasakyan kong pula, hindi ko nalang sabihin sa inyo kung ano ang pangalan ng kotse ko, baka mainggit pa kayo kaya iwas chismis muna na tayo. Nakatayo ako ngayon habang tinitingnan ako ng mga tao rito sa parking lot. Akala siguro nila artista ang nakikita nila rito, napamaang pa sila habang tinitigan ako. Hindi ko ipinagkait na maganda ako. Kung nahahanginan man kayo sa akin, wala akong pakialam, pakihanap na lang.

Inayos ko muna ang aking suot na black simple v-neck t-shirt at high waisted na jeans at pati na rin ang jacket ko na kadalasan isinusuot ng mga taga Korea o 'di kaya mga Chinese.

Ang tataas ng mga building dito pero mas mataas pa ang pride ko kung sakali. Kinuha ko muna ang eye glasses which is color black. Simula noong nangyari iyon ay mahilig na ako sa black. But my true favorite color was pink and yellow pero nagbago. Masyadong girly hindi na bagay sa kung ano ang meron ako ngayon. So nice if I choose black.

Tumapak na ako sa floor ng building na matagal ko ng gustong balikan noon pa kaso nga lang, wala pa akong lakas na harapin ang nandito sa hangal na building na ito.

Dumeretso na ako kung saan ang elevator dito. May escalator naman pero hindi ko iyon bet masyadong may makakapansin sa akin at maging center ng lahat, baka may mapapatay akong isa sa mga tumitig sa akin. Hindi sa OA ako, galit lang talaga ako sa mundo. I hope you will understand.

Tumunog na ang elevator, senyales na nakarating kana sa palapag kung saan mo pinindot ang kaninang numero.

"May I have your name Ma'am?" I think she's the secretary.

Hindi na ako nagsalita instead ipinakita ko nalang sa kan'ya ang I.D kong pam-business. Marami kasi akong I.D na mga legal. Ngumiti sa akin ang secretary pagkatapos niyang tingnan ang I.D ko. Sabi niya na kanina pa raw ako hinihintay ng boss niya. Well, I'm lucky today.

Walang pag-alinlangan na nilabayan ko ang babae at dumeretso sa office ng boss niya. Hindi na ako kumatok, deretsong binuksan ko ang pinto. As I expected, naroon ang Mayor na nakipaglampungan sa isang higad na babae. Tumingala siya sa akin at biglang nabitawan ang babae. Mula pa man noon ay gan'yan na siya tsk, kinakahiya pa? Moron!

"Ohh, I'm sorry, your secretary didn't informed me about this scene, Mayor." Diniin ko pa ang salitang Mayor para naman matauhan siya na tagapaglingkod siya ng bayan hindi tagapaglampungan ng iba't-ibang babae.

Sinenyasan niya ang babae na lumabas muna at sinenyasan ng, later baby. So ibig sabihin, may balak pa niyang tapusin ang naudlot nilang kaligayahan? Nakakatawa namang isipin na isang Mayor ay uhaw sa mga babae, kasi ang alam ko may asawa ito, tsk.

"Ms. Machitie, you're here, sorry sa nakita mo, alam mo naman na pakapangyarihan tayo, kaya maraming lumalapit na magagandang babae," pagmamayabang niya.

Kaya marami kang tinatapakan kasi makapangyarihan ka, ulol!

Nakasiguro ako na lahat ng babaeng nagamit nito ay sumasakabilang buhay na.

Paano ba kasi iba't-ibang korona ang gustong matikman ng titi niya. Nandidiri ako sa sariling naiisip ko. Shit.

"So you mean... ako ang lumapit sayo? Ang alam ko pumunta ako rito kasi para lang sa business... hindi para sa t*ti mo Mayor Simon," prangka kong sabi. Sa sinabi ko ay parang gusto niya akong suntukin, siguro sa palagay niya ay binunyag ko ang sekreto niya.

Kahit isa lang akong babae, marunong din akong mamprangka ng mga taong karapatdapat like SIMON SANTOS. Ang ganda at makadiyos na sana ang pangalan, iyon nga lang ang ugali naman... malasatanas.

"Ahhh, hehe hindi naman Ms. Machitie ikinagagalak ko talagang makita ka, kasi sa email lang ang kaya mo," sabi niya at pekeng tumawa na akala mo ay tumatae na hindi mailalabas.

Vegeance (Fearless Woman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon