25

21 1 0
                                    

Am I happy?

Of course not! I'm exhausted 'bout Simon Santos! Really? How can he escaped from the stiff railings in jail?

He escaped!

"Come down Hon," said by Handrick. I don't know how to come down.

Nandito na kami sa secret house ko. This is no longer secret house because some people already seen this house. Narito rin ang mga kasamahan na pulis ni Handrick, including Ms. Javier.

Ang tagal kong hinintay na mamatay siya sa kulungan pero iyon lang 'yon? Makakatakas siya?

"Handrick—" I halted the own of the voice.

"Sir Handrick, Ms. Javier. Not just Handrick though he has a position," I uttered.

Huminto ako sa paglalakad dahil kung makatawag naman ng Handrick ang babaeng 'to ay parang walang ranggo ang magiging asawa ko.

I saw her swallowed her own saliva and avoid my gaze after I halted her words.

"S-sir Handrick, may nagpapatakas po sa kaniya—"

"Check the CCTV then," I halted Ms. Javier again.

Nilagyan ng CCTV ang pinagkukulungan ng ex-mayor. Wala ba silang plano na icheck 'yon?

Hinawakan ni Handrick ang papulsahan ko at nakikiusap ang kaniyang mga mata na papatapusin ko muna magsalita si Ms. Javier. Kinuha ko ang kamay ni Handrick na hawak-hawak ang papulsahan ko at umupo na lang sa couch.

Ang akala ko hindi na iyon makakatakas. May nagpapatakas sa kaniya? May hinalaan ako pero hindi ko muna ibubunyag. Maraming connection ang ex-mayor, baka malay natin may nagpapanggap na pulis. Speaking of police, number one suspect.

Nagpapaliwag si Ms. Javier sa impormasyon na nakuha niya. Palipat-lipat ang kaniyang tingin sa amin ni Handrick habang nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit natatawa ang isipan ko sa bawat pagsasalita niya. Masama kasi akong nakatingin sa kaniya na para bang hinubaran ko ng uniform ang katawan niya.

Hindi ko ipinagkait na maganda si Ms. Javier. Hindi ko rin maiiwasan na magselos sa kaniya. Aanhin ko naman ang selos kung ikakasal na kami ni Handrick? This time, wala ng bawian.

Si Handrick lang ang nagtatanong kay Ms. Javier at hindi ko mapigilang mapa-tse sa isipan ko. Paano ba kasi? Kapag magtatanong si Handrick ay kinikilig. Hindi ko man makita sa mukha niya ang kilig pero naroon naman sa mata makikitang kumikinang ito sa bawat salita ni Handrick. Napag-alaman kong may paghanga siya sa fiance ko.

Nagpaalam ako sa kanila at pumunta ako sa aking kwarto. Bahala sila sa ibaba mag-usap. Bahala na ang pulis na babaeng iyon na sa bawat magtatanong si Handrick ay kumikinang ang kaniyang mga mata. May tiwala naman ako kay Handrick. Kung totoong mahal niya ako ay hindi niya magawang pumatol sa babaeng iyon.

When I reached my room, I grabbed my phone at my pocket. I clicked the contacts list and I clicked Ria's name. I typed what I need to her and send after.

Nang bumaba na ako ay nakita ko si Handrick na may kausap na kapwa niya pulis. Hinahanap ng aking mata ang nag-iisang pulis na babaeng pumunta rito ay hindi ko mahagilap. Nagtanong ako sa isa sa mga kasamahan ni Handrick at ang sabi ay nauna na raw itong umalis dahil may asikasuhin pang ibang bagay?

Really? Hayst Ms. Javier, you're such a woeful. Bakit ba kasi ang tagal mong pinormahan si Handrick? 'Yan tuloy, hindi mo na siya mababawi pa sa akin. Napangiti na lang ako sa aking sariling naisip.

Kinagabihan ay nakatitig lang ako sa mga bituin na nagniningning sa langit. Ang akala ko ay roon na matatapos ang laban ko. Kahit kailan ay hindi ko iniisip na makakatakas si Simon na siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito kung bakit hindi ko nasisilayan ang mga mukha ng mga magulang ko ngayon.

Napatingin ako sa aking laptop na nasa harap ko lang. Kumunot ang noo ko ng makatanggap ako ng email.

'I'm back to reclaim what's mine, Ms. Machite'

Basa ko at tiningnan ko ang nag-email, napakunot ang aking noo ng makita ko ang pangalan. It was, Ex-mayor.

Napangiwi ako dahil sa aking mga nakikita. Si Simon nga ba ang nag-email sa akin? O ginamit lang ang email ni Simon para masabi niya ito sa akin? Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin mismo sa harap ko?

Napabuntong-hininga na lang ako at pinower off ko ang aking laptop. Muli kong tiningnan ang bituin sa kalangitan. Nakaramdam ako ng lamig kaya niyakap ko ang aking sarili.

Ano kaya ang plano ng ex-mayor? O, ano kaya ang plano nang nasa likod nito? Ilalagay ko na ba sa aking kamay ang hustisya? Paano naman ang nasa likod nito na alam kong makakaharap ko siya? Sa totoo lang naawa ako sa kalagayan niya.

Hindi pa naman nagsend sa akin si Ria sa inutos ko sa kaniya pero alam ko na. Kailangan ko lang ng matibay na ebidensya.

Napalingon ako sa aking gilid ng maramdaman ko ang isang kumot na naroon na sa balikat ko at pilit akong kinukumutan. Nakita ko ang mukha ni Handrick na ngayon ay nakangiti sa akin.

"Hey, ang lalim ng iniisip natin ah," sabi ni Handrick at nakipagsiksikan sa inuupuan ko.

"Ano sa tingin mo, ilalagay ko na ba ang hustisya sa aking mga kamay gayo'ng nakatas ang nagpapahirap sa akin?" tanong ko kay Handrick dahilan para sumeryuso ang kaniyang mukha.

Tumingin siya sa aking mga mata at hinawakan ang aking kamay.

"Ang lamig ng kamay mo, parang patay," sabi sa akin ni Handrick sa halip na sasagutin niya ang tanong ko.

Pinanliitan ko siya ng mata dahilan para matawa siya. Iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin at doon inilipat sa kalangitan. Tumingin na rin ako sa kalangitan habang isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya.

Isang katahimikan ang bumabalot sa amin. Hindi na ako nagtanong dahil hindi niya naman sinagot ang tanong ko.

"Hon, alam nating pareho na mali ang ilagay ang hustisya sa ating mga kamay. Huwag kang mag-alala dahil gagawin namin ang lahat ni SPO3 Javier para lang maibalik sa kulungan muli ang nagpapahirap sa'yo." sabi ni Handrick habang hinahaplos-haplos ang aking kamay gamit ang thumb nito.


"SPO3 Javier, huh?" I uttered.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti na ewan dahil narinig ko naman ulit ang SPO3 Javier. Nakakasigurado akong matagal nang pahanon may gusto ang babaeng iyon kay Handrick. Dahil loyal ang lolo niya ay ngayon lang nagkalovelife nang dumating ako.

Ibinaling ni Handrick ang tingin niya sa akin at ramdam ko ang hininga niya dahil ang lapit lang namin. Ngumiti siya sa akin at kinurot ang ilong ko kaya pinanliitan ko siya ng mata.

"Ang cute mong magselos parang aso," sabi niya.

Huh! Kapal talaga ng mukha nang lalaking ito! Bumitaw ako sa kamay niya at kinurot ang kaniyang tagiliran kaya napa-aww ito.

"Sino sa atin ngayon ang aso? Napa-aww ka nga o'," sabi ko sa kaniya at kinurot ulit ang tagiliran niya kaya napa-aww ulit. Napareho kaming napatawa dahil sa kakornehan namin.






Vegeance (Fearless Woman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon