6

103 49 24
                                    


Warning: R-18, read at your own risk!

Alas dos na ng umaga pero hindi pa ako nakatulog. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata pero hindi parin ako makatulog.

Pesting lalaki! Aksidenteng halik lang iyon Sandra at bakit hindi ka makatulog? Nababaliw kana ba Sandra?

Bumangon na lamang ako at pumunta sa fridge. Kumuha ako ng tequila at nagsalin sa baso. Napapaisip ako, hindi naman iyon ang first kiss ko e. Pero bakit ganito maka-react 'tong puso ko? Kasalanan mo itong lalaki ka!

Pagkatapos kong nakaubos ng limang basong may laman na tequila ay bumalik na ako sa aking kwarto at sisikaping makatulog. Successful naman kasi inaantok na ako.

Nagising ako nang marinig ko ang doorbell ng condo ko. Napaindak pa akong bumangon dahil inaantok pa ako. Sino naman kasi itong nag-do-doorbell? Panira ng tulog!

Tiningnan ko muna ang wall clock dito sa kwarto. Hindi na ako nagulat kung anong oras na, late na kaya akong natulog kagabi. Ala-una na ng hapon akong nagising!

Nagsuot na ako ng tsinalas at lumabas ng kwarto. Hindi ko na tiningnan ang pipe whole sa halip ay binuksan ko na ito.

"At sino ang nagsabing sirain mo ang tulog ko! Alam mo-" Natigilan ako sa pagsigaw.

Anong ginagawa niya rito sa condo ko? Hindi niya ako pinatulog kagabi tapos ngayon sinira pa niya ang tulog ko? Buwisit na lalaking pulis!

"Good afternoon," bati niya, walang hiyang nilabayan ako at pumasok sa condo ko.

Walang hiyang pulis na ito!

"At sino ang nagsabi na pinapapasok kita?" Sigaw ko sa kaniya kaya napatakip siya sa kanyang tainga. OA lang?!

Sabi nga nila, inisin mo na ang lahat huwag lang ang bagong gising!

"Easy honey," suway niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Kinabahan na naman ako ng iwan. Buwisit talaga ang lalaking ito!

"At kailan pa naging honey ang pangalan ko?" sigaw ko na naman.

Nangbibigla e' puta tinawag pa naman akong honey! Honey on his face! Litse panira ng tulog!

Bigla siyang tumawa habang tumingin sa tiyan ko. Bigla kong naramdaman na tumunog ang tiyan ko. Natuklasan ko rin ang suot ko na naka-big t-shirt lang pala ako at naka-panty shorts. Sinuri niya ako nang tingin at ngumisi ng nakakaluka. Damn him!

"Hindi ka lang pala pulis, mayakis ka rin pala!" sigaw ko sa kaniya at nilagpasan siya dahil sa kahihiyan na nagawa ko. Tawa lang ang narinig ko sa kaniya bago ko sinira ang pinto.

Nagpalit lang ako ng pants at nagmugmog. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nag-spray ng mamahalin kong pabago at tsaka ako lumapit kung saan ko iyon na-spray.

Lumabas na ako at natagpuan ko na nakapangdelikwatrong nakaupo sa couch ang buwisit-ta ko! May hawak siyang folder pero hindi ko iyon pinansin. Nagkatagpo ang tingin namin kaya inirapan ko lang siya at nilagpasan.

Binuksan ko ang fridge at kumuha ng pork chops, balak ko na iyon na lamang ang uulamin ko. Naglagay muna ako ng bigas sa rice cooker at hinugasan ang bigas, pagtapos ay ini-on ko na ito.

Naiilang ako sa bawat galaw ko dahil nakatingin siya sa akin. Kumuha na ako ng mantika at inilagay sa kawali, pinainit ko muna ito. Inilagay ko na ang pork chops pero natalsikan ako ng mantika, ito ang kinatatakutan ko e'!. Napasigaw na lang ako ng 'shit!' dahil sa mantikang sinaktan ang kamay ko. Narinig kong may tumawa kaya kinain na naman ako ng hiya! Litsing lalaki bakit nandito kasi iyan?!

Vegeance (Fearless Woman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon