21

21 2 0
                                    

"Handrick! Tumigil ka nga! Nakikiliti na ako! Masasapak talaga kitang lalaki ka!" sigaw ko habang ang mga kamay ko ay tudo iwas sa mga kamay niyang kinikiliti ang tagiliran ko.

Nandito kami sa Condo ko. Wala ngayon ang kapatid kong si Cel dahil pumunta siya sa Sugbo dahil may kailangan siyang asikasuhin doon.

"SPO1 Handrick  Moore!" sigaw kong parang umuusok ang ilong ko. Pinigilan kong matawa dahil sa totoo lang ay may kiliti ako sa tagiliran at hindi ko gustong kilitiin ako.

Tumigil siya sa pagkikiliti sa tagiliran ko at tiningnan niya ang mga mata ko habang nakakangiti. What was that for?

Nakaramdam ako ng init sa aking katawan nang bigla niyang hinalikan ang labi ko na walang paalam. Pagkatapos, ay tiningnan niya ulit ang aking mga mata.

"What?" tanong ko sa kaniya na ipinapakita ko ang inis sa aking mukha kaysa ipakita ko ang aking kagustuhan na halikan ako ulit.

"Did you know what that I'm so lucky to have you?" He asked me with a serious face.

Hindi man maganda ang unang tagpo namin ni Handrick pero hindi ko akalain na magiging ganito kasaya kapag magkasama kaming dalawa. Ang akala ko ay hindi niya na ako mahal sa panahong alam na niya ang lahat. Pero sa una pa lang ay kumuha siya ng kursong pulis para lang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko.

"Mm," sagot ko sa tanong niya habang umiiling.

"Sandra, Honey. Ikaw ang una kong napupusoan at dahil diyan nangarap akong magiging nobya kita. Gusto kitang tulungan at damayan pero sa mga panahon na iyon ay lagi ka na lang tumatambay sa iyong kwarto at bihira ka lang lumabas, ayon kay Tita. Kaya, laking pasasalamat kong hindi malabo ang mata ni Cupido sa pagpana niya sa ating mga pusong nagkakaisa na." He said.

Napangiwi akong napangiti dahil sa sinabi niya.

Hindi ako nagsasalita kundi inabot ko ang batok niya at hinalikan ito ng mapusok. Gumanti rin siya ng halik sa akin. Akmang ipapasok ko sana ang aking kamay sa white V-neck T-shirt niya ay bigla niya akong pinigilan kaya napatingala ako sa kaniya.

"We have to go, I have something to show you." he said and he left up from my top.

HINDI ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Parang pinapalibutan ako ng mga paru-paro. Wala akong pakialam kung makikisali na rin ako sa mga corny'ng bagay pero iyon talaga ang naramdaman ko ngayon.

"Is that true?" I asked Handrick with a amusement smile. I can't figure out if it is a dream or a nightmare.

"Yes, it is. Pinatayo ko iyan, simula noong naging isang pulis na ako. Ang sabi ko sa aking sarili na, kapag makita na kita at makuha ko ang puso mo ay dadalhin kita rito at dito titira ng matiwasay." sabi niya habang tiningnan ako at ako naman ay nakatingin lang sa isang napakalaking bahay na hindi makapaniwala sa nakita ko.

Malaki man ang secret house ko pero napakalaki nitong pinatayo niya. Mas lalo akong naramdaman ng saya at pagkamangha nang makita ko ang nakaukit sa semento rito sa hardin at ang ganda ng pagkagawa at ang kulay nito.

'CASSANDRA and HANDRICK MOORE PARADISE'

Hindi pa siya nagdoubt na iukit ang pangalan niya kasama ako sa entrance ng napakalaking bahay dito sa hardin niya? Paano kung hindi kami ang nagkatuluyan? Sayang naman ang paggawa nito. Basi sa ganda ng pagkakulay at pagdesinyo ay nasa kalahating taon ito.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at humarap ako kay Handrick at niyakap siya ng mahigpit dahilan ng pagkagulat niya pero hindi ko ito pinansin.

"Hindi man ako perpektong babae at magiging asawa mo pero subra na ang ginawa mo sa akin Handrick. Pwede bang hiwalayan kita ngayon din?" tanong ko sa kaniya dahilan ng paglayo niya sa akin ng kaunti.

Kita ko sa mukha niya ang gulat sa mga sinasabi ko.

"What?! No!" sabi niya sa akin at kitang kita ko ang takot sa mga mata niya kahit nagtapang-tapangan ang kaniyang mukha.

"I'm just kidding," sabi ko sa kaniya at inirapan.

"Hon, hindi bagay sa'yo ang magbiro at ang umiirap." sabi niya at seryosong nakatingin sa akin.

Inirapan ko siyang muli at tinalikuran. Ang tanging narinig ko na lang ay ang malutong niyang mura. Pumasok ako sa loob ng napakalaking bahay na magiging bahay ko na rin. Manghang-mangha ako sa mga gamit dahil ang gaganda at mga Antique pa ito.

May mga sinasabi sa akin si Handrick tungkol sa mga nakadisplay'ng mga bagay pero masyadong hinihila ang aking atensyon sa mga malalaking portraits na nakadikit sa ding-ding.

Kitang kita ko ang aking mukhang naka-uniporme ako at nakapokered-face pa. Ito iyong nakita ko sa photo album niya.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Handrick na pumupulupot sa aking tiyan at ang kaniyang panga na nagpapahinga sa aking balikat.

"Did you like it?" He asked me.

"No, I don't like it. I love it the way I love you Handrick." I truthfully uttered.

Naramdaman kong napangiti si Handrick sa sinabi ko basi sa paggalaw ng kaniyang panga sa balikat ko. Naramdaman ko na lamang ang isang malambot na labi sa aking batok at nakikiliti ako.

Naramdaman ko rin ang kaniyang kamay na naglalakbay sa tiyan ko pero bago pa man niya marating ang dalawa kong maliit na bundok ay kumawala ako sa kaniya at tumakbo sa napakataas na hagdan.

"Gusto kong makita ang second floor!" sigaw ko sa kaniya nang makalayo na ako.

Hindi ko nga alam kong nablessingan na ba ito ng pari, may gana pa ata siyang magmilagro rito kaya mas mabuti kong lumayo ako sa kaniya. Aaliwin ko ang aking sarili sa magiging bahay namin ni Handrick.

"Wow!"

Napamangha ako ng makita ko ang isang napakalaking kwarto. Mas lalo akong namangha sa designs dito. Ang sa headboard ng kama ay mukha itong posas. Habang ang mga kumot at unan ay nakadesinyong may mga ibat-ibang uri ng armas at iba't ibang bagay gamit sa pakikipaglaban.

Ang astig!

Napatingin ako sa pinto ng makita ko si Handrick doon na nakatayo at sinuri ang aking mukha kung ano ang reaksyon ko pero nagpokered-face lang ako. Pero ang totoo, gusto ko ng ngumiti ng ngumiti dahil subra na ang ginawa ni Handrick para sa akin.

Magsasalita sana siya pero agad akong lumapit sa kaniya at sinunggaban siya ng halik. Agad niyang hinawakan ang bewang ko at hinalikan niya rin ako.

Napaatras ako dahil sa uri ng paghalik niya sa akin. Napaupo ako sa gilid ng kama ng itulak niya ako ng bahagya.

"Pwede ba nating binyagan ang bahay na ito?" tanong niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako pero itinulak niya ako pahiga kaya napahiga ako.

Hindi ko mapigilang mapaungol sa bawat halik niya sa mga sensitibo kong parte sa aking katawan.


Vegeance (Fearless Woman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon