28

34 1 0
                                    

Serena ng mga pulis ang maririnig mo ngayon. Marami ang nakapalibot sa lugar kung saan ngayon nagtago si Simon.

Labag man sa kalooban ni SPO3 ang pagbunyag sa kung saan ngayon si Simon ay ginawa niya basta lang ba ay hindi siya matanggal sa trabaho dahil siya na lang ang bumubuhay sa  pamilya niya.

Dahil may natira pang awa ang puso ko ay pinagbigyan ko na lang siya. Nakikiusap siya sa akin na huwag sabihin kay Handrick dahil tiyak na magalit ito sa kaniya.

Sinabi niya lahat sa akin tungkol sa nga koneksyon ni Simon at pinutol na namin iyon. Ngayong wala na siyang koneksyon ay madali na namin siya mahuli muli.

Hindi ko kasama ang mga kabigan ko dahil may mga pulis naman, tsaka may sarili silang problemang hinaharap kaya ayaw kong dumagdag.

Hindi nagtagal ay nahuli na ng mga pulisya si Simon. Nanlaban pa ito pero hindi niya nakaya dahil maraming pulis ang nakapaligid sa kaniya. Mabuti na lang talaga at hindi ako ang nakahuli dahil sisiguraduhin ko talagang didiretso pa talaga siya sa hospital bago ang kulungan. At ngayon ay hinatulan siya ng Reclusion Perpetua o habang buhay na pagkakulong.

Lumipas ang ilang buwan at narito ako ngayon sa department engineering at may hinihintay.

"Sandra!" sigaw ng kung sino kaya napalingon ako rito. It was Javier.

"Bakit ang tagal mo?" naiirita kong tanong sa kaniya.

"Pinasa ko lang ang plate ko," sabi niya sa akin.

Yes, tama kayo. Nag-aaral siya sa kursong engineering. Pinaaral ko siya kapalit ng pagbunyag kay Simon dahil natatakot talaga siya na baka kung ibubunyag niya ay hindi na siya papaaralin ng engineering nito at palagi na lang siyang maging sunudsunuran.

Ngayon ko rin nalaman na wala talaga siyang gusto kay Handrick, parte lang daw iyon sa plano ni Simon kaya alam niyang paano ako magalit. Demonyo talaga ang Simon na iyon. Balita ko pa naman ay kinakausap ang sarili niya.

"Ano ba kasing klaseng gown ang gusto mo? Para masimulan na ng kapatid ko?" tanong niya sa akin.

"Ipapakita ko sa 'yo mamaya, chill ka lang."

Pumunta kami sa kapatid niya at naroon na pala ang mga kaibigan ko. Napapasukat sila ng dress para sa kasal ko. Oo, malapit na kaming ikakasal kay Handrick. Ang dali lang talaga ng panahon. 'Kita mo, nagbabasa nito ay malaki na ang eyebags kinabukasan. Diba ang dali lang ng panahon?

Pagkatapos naming sukatan at ipinakita ko ang gown sa kapatid ni Javier na gusto kong suotin sa araw ng kasal namin ay nag-aya ang mga kaibigan ko na uminom sa secret house namin kaya pinagbigyan ko na lang baka kasi magtampo sila sa akin dahil complicated ang mga relationship nila ngayon.

Ang unang na lasing ay si Med at kung anu-anong language ang mga sinasabi. Hindi ko na nga iyon naiintindihan.

"WOW! Ang ganda ng ate ko!" puri sa akin ni Cel na ngayon ay narito kami sa dressing room. "Ahm, pwedeng iwan niyo muna kami ng ate ko?" tanong ni Cel sa mga nag lagay ng make-up sa mukha ko.

Nang umalis na ang nagm-make-up sa akin ay agad siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Animo'y wala ng bukas.

"Ikakasal na ang kapatid ko, habang ako wala pa ring nobyo. Unfair diba?" sabi niya sa akin.

"Ano ka ba, huwag kang magmadali. It is better to wait than to regret when you find a boyfriend but he's not your last breath," sabi ko sa kaniya na hindi ko nga alam kung saan ko iyon nakuha. Basta pumasok lang iyon sa utak ko at lumabas sa aking bibig.

"Ate talaga! Wait! Baka hindi pupunta si Kuya Handrick ngayon sa mismo ng kasal niyo? Oh my gosh!" sabi niya sa akin.

"Subukan lang talaga niyang hindi pupunta, mapapatay ko talaga niya. 'Ta mo mamaya," tugon ko.

Halakhak ang maririnig sa dressing room ngayon dahil sa mga pinagsasabi namin ni Cel.

Hindi ko akalain na makakasama ko ulit ang aking kapatid na akala ko noon ay patay na siya. Hito siya ngayon sa harap ko at pinaunlanan ako ng what ifs tungkol sa magaganap na kasal namin ni Handrick.

Hindi ko rin akalain na maikakasal ako sa isang taong nagpaingay ng ugat ko noon. Na akala ko ay hadlang siya sa mga plano ko pero tinulungan pala niya ako. Ang lalaking walang ibang ginawa kundi pasayahin at madadala sa mga ngiti niya. Ang lalaking pinangarap niya ako simula noon.

Pagkatapos ng kasal namin ay pupunta kami sa Florida at doon gaganapin ang honeymoon namin.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa aking kapatid o ano dahil puro lingerie ang inihanda niyang mga gamit sa akin. Kaya noong umalis siya sa kwarto ko ay nagmamadali akong ibinalik iyon kung saan niya nakuha dahil hindi ko na kailangan ng gano'n.

Pati ang mga kaibigan ko ay ang ingay sa GC at binigyan pa nila ako ng tips kong ano dapat ang position ang gagamitin upang makabuo agad. Ang halay talaga ng mga bubunganga nito, parang 'di mga babae, lalo na 'tong si Med.

NAMANGHA ako sa view ngayon sa Florida, sobrang ganda rito ang ang linis tingnan. Hindi talaga ako nagsisi na ito ang pinili kong lugar para sa honeymoon namin dahil napakaworth it talaga. Agad kaming pumunta sa mga magagandang spot dito sa Florida at enjoy na enjoy ako.

"Hon, can you join me to the bathroom? Ahm... let's get bath together," he suggested with a shy on his face.

"Sure," I uttered.

Pagkarating na namin sa bathroom ay pinaharap niya ako at ginawaran niya ako ng halik sa noo. Itinaas niya ang aking kamay kaya malaya niyang nahubad ang aking t-shirt. Hinila niya ako sa ilalim ng umaagos na shower. Inabot niya ang shampoo na nasa gilid ko at nilagyan niya ang buhok ko. Parang ang bata ko naman sa lagay na ito pero ang sarap sa pakiramdam sa totoo lang.

Sa bawat pagsabon niya sa balat ko ay nakaramdam ako ng sensasyon. Tumingin siya sa aking mga mata at dahan-dahang lumapit ang mukha at labi niya sa labi ko. Kaya pala gusto niya akong sumabay maligo dahil may gagawin siyang kalukuhan. Tse!

When our lips collide, I feel the butterflies in my stomach and I feel more sensation. I knew why I felt like this.

When he about to enter my cave, I blocked him. He looked at me with a lust and love in his eyes.

"Ahm... Ahhh... I" I uttered. I don't know how to say it. I don't know how to tell him the truth.

"What Honey, mm?" He askt as he kissed my neck down to my chest while his hands touching my waist.

"Ahm, I... I'm two months pregnant," I uttered makes him surprise.

Vegeance (Fearless Woman Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon