CHAPTER 8

3.3K 51 0
                                    

EDWARD

Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko dahil parang isang sampal sa mukha ko ang sinabi ni Sir Simoun.

Na hindi ko kayang ipaglaban si Samantha dahil kay Patty at sa ama nitong umaali-aligid sa buhay ko.

Mahal na mahal ko si Samantha at wala akong hindi gagawin para sa kanya, at kahit harapin ko pa ngayon ang isa sa mga makapangyarihang tao sa mundo ng negosyo ay hindi ako matatakot. Lalo sa anak nito ka kahit kailan ay hindi ko naman napagtuunan ng pansin dahil iisa lang ang babaeng gusto kong makasama, at iyon ay si Samantha, siya lang walang iba.

"Nandyan ba si Mr. Nuevo?" Bungad kong tanong sa secretary nito na namumukhaan naman ako dahil ilang beses na rin naman akong nakarating sa opisina nito dahil sa ilang beses na rin niya akong pinapatawag para tanungin ang status ng relasyon namin ng anak nito na wala naman talaga sa simula pa lang.

"Yes Mr. Luciano nasa loob po siya. Wait po tawagan ko lang siya saglit para sabihin na nandito kayo." Napatango na lang dito at ilang segundo nga ay kausap na nito si Mr. Nuevo.

"Okay po sir, sige po papasukin ko na po siya." Sunod nitong binaba ang telepono mula sa pagkakadikit nito sa kabilang tainga nito.

"Pumasok na raw po kayo sir." Magiliw na sabi nito sa akin kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa pinto ng opisina nito. Pagpasok ko ay agad na bumungad sa akin ang mabango, malaki at magarbong opisina nito.

"Edward, ikaw pala...maupo ka." Nakangiting bati nito sa akin, animo maamong tupa pero ang totoo ay nasa loob ang sama ng ugali nito.

Naupo ako sa kaharap na upuan nito, kasalukuyan itong nakaupo sa malaking kulay itim na swivel nito. Malaki itong lalake at medyo moreno ang kulay ng balat, bilugan ang tiyan nito na halatang walang alaga sa katawan at kalusugan nito. Ang mukha nito ay repleksyon ng isang taong makapangyarihan sa lipunan na hindi basta-basta maaring kalabanin oh hindian.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa isa sa pinakamagaling na piloto ng Montalvo Airlines?" sarkastiko nitong turan sa akin. Naamoy ko agad ang gusto nitong ipunto.

"Mr. Nuevo, gusto sana kitang makausap tungkol sa anak ninyo na si Patty." Biglang nagningning ang mga mata nito ng marinig nitong banggitin ko ang pangalan ng anak nito.

"What about my lovely daughter?" Umayos ito ng upo at inilagay ang mga braso nito sa armrest ng upuan nito at saka tumingin ng diretso sa akin.

"Alam nyong mag-ama na ayokong maging bahagi ng pamilya ninyo sa umpisa pa lang. At nandito ako sir para humingi ng tulong sayo na pakiusapan si Patty na tigilan na ako dahil wala siyang maasahan sa akin. May ibang babae akong mahal." Biglang umasim ang mukha nito pagkatapos kong sabihin ang mga bagay na iyon saka ito tumawa ng malakas at pinaikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito.

"Masyado naman atang mataas ang tingin mo sa sarili mo Luciano? Baka hindi mo nakikilala ang nasa harapan mo ngayon?" Sarkastiko nitong tanong sa akin. Ako naman ang parang nangasim ang timpla at biglang umusbong ang inis sa dibdib ko. Ipapamukha naman nito sa akin kung sino ito at ano ang kaya nitong gawin.

"Kilala ko kayo Mr.Nuevo kaya kahit kailan ay hindi ko nakita ang sarili ko maging parte ng pamilya ninyo." Muli itong tumawa sa sinabi ko.

"Napapatawa mo ata ako sa mga sinasabi mo ngayon Luciano? Let me remind you. Isa ka lang na hamak na empleyado at wala kang maipagmamalaki sa akin at sa aking anak, tandaan mo yan. At kung hindi lang dahil sa pagkagusto sayo ng anak ko? Wala akong pakielam sayo Luciano." Lumabas din ang totoo sa bibig nito. Na kaya nito ginugulo ang buhay ko ay dahil sa anak nito, sa kahibangan nito sa akin.

Nalaman ko na palagi pa lang pumupunta si Patty sa bahay namin para suyuin ang mga magulang at isa kong kapatid. Binilinan ko ang mga magulang ko na huwag tatanggap ng kahit na ano mula sa mag-amang Nuevo dahil maaring pagsimulan ito ng gulo pero hindi ako sinunod ng pamilya ko. At iyon ang isa sa mga nagpapadagdag ng alalahanin ko na baka mahirapan akong kumbinsihin ang mga magulang ko na si Patty ay hindi ko gusto, na kahit kailan ay hindi mangyayari.

SIMOUN MONTALVO ( Irresistible Body Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon