CHAPTER 12: You And I

20.6K 231 45
                                    

Habang nasa loob ng klase ay hindi niya maiwasan ang mapatingin sa labas ng bintana. Naiinip na siya sa itinuturo ng lecturer. Matagal na kasi niyang naaral ang topic nito at kahit tanungin pa siya ay siguradong masasagot niya…

Kanina pa talaga lumilipad ang isip niya... Ilang buwan na lang pala malapit na siyang magtapos ng highschool… Matutupad na rin ang matagal niyang pinakahihintay… Kahit papano makakaluwag na rin siya…

Ang sistema kasi ng pag-aaral sa Zanarkand ay kakaiba kung ikukumpara sa ibang bansa. 18years old ang kadalasang edad na nagtatapos ang mga highschool. Pagkatapos ay optional na lang ang pagpasok sa kolehiyo… dahil marami na rin ang naghihintay na magagandang trabaho para sa mga highschool graduates na mayroon ding matataas na sahod…

Wala na rin naman talaga siyang balak pumasok pa sa kolehiyo. Sigurado naman siyang may magandang trabaho para sa kanya lalo na at consistent valedictorian siya. Pero ang isa pang iniisip niya ay ang paligsahan. Alam niyang malapit nang mamili ang palasyo…

At kapag napili nga siya sa lima, magandang pagkakataon para sa kanya ‘yon. Kahit hindi pa siya mapili ng prinsipe, magiging impressive sa credentials niya na napabilang siya sa lima. It will definitely open many doors for her… Pero hindi… Hindi dapat ganun ang isipin niya… Dapat siya ang mapili ng prinsipe… Pero una sa lahat, dapat mapabilang siya sa lima…

Matapos ang klase ay nagmamadali na siyang lumabas ng paaralan… Natanawan niya sa ‘di kalayuan ang kaibigan… Mukhang kanina pa ito naghihintay. Pero ang higit na umagaw sa atensyon niya ay ang sinasakyan nitong motor… Nagmamadali na siyang lumapit dito…

Kathryn: Ano?! ‘Yan na ba ‘yung motor mo?

Ngumiti ito…

DJ: Oo…Bagong labas lang kanina…

Matagal na rin itong nagbabalak na bumili ng motor mula sa mga perang kinikita nito.

Kathryn: Ayos ah! Parang ang sarap binyagan!

DJ: Mamaya na lang… May kelangan pa kaming tapusin sa daycare center eh…

Sa ilang taong lumipas, pinatunayan nito sa ibang mga tao na may pakinabang din ito. Sa tuwing may mga bagong projects or improvements sa kanilang bayan ay lagi itong nagboboluntaryong tumulong… Somehow, that earned him respect from everyone… Wala ng tumutukso o nangungutya dito… They are all praises for him…

Kathryn: Ganun ba?... Pero dapat mamayang alas-singko sunduin mo ako sa bahay ah… May sasalihan kasi akong beauty contest sa Sarkent…

DJ: Beauty contest na naman?!

Kathryn: Oo nga sabi eh! Malaki-laki ang premyo ngayon kaya dapat talagang makasali ako!

Nasa ganoon silang pag-uusap nang may mga dumaang babaeng kaklase…

Hello, DJ!

Sabay-sabay pang sabi ng mga ito. At base sa tono ay mukhang mga nagpapa-cute. Hindi lang din naman ‘yon ang unang pagkakataon. Kahit ganoon ang itsura ng kaibigan ay tila nga malakas ang dating nito sa mga kababaihan…

DJ: Hello… Hello, Diane!…

Halatang nagpapa-cute din ito sa mga iyon… Nang makalayo na ang mga kaklase ay saka niya ito binatukan…

DJ: Aray!

Kathryn: Ah, ganon ha?! Diane pala ha?... Pano mo nalaman pangalan nun ha?!

A Fairytale's MishapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon