CHAPTER 21: He Hates Me?

18.7K 167 18
                                    

Nagtataka man siya sa inakto ng prinsipe kanina. Inisip na lang din niya na maaaring likas na affectionate talaga ito. Matapos pa kasi siyang yakapin ay ipinahatid pa nito ang kapatid sa isa sa mga sasakyan doon. Saka napansin din niyang parang wala namang ibig sabihin dito ang yakap na ‘yon…

Pagkatapos kasi ng insidente ay casual lang itong nagpaalam na babalik na sa race track. Pero bago ‘yon ay hinatid muna siya sa exclusive room… At nang makapasok na siya sa kwarto ay kita agad niya ang galit na galit na mukha ni Lavinia at Bianca…

Lavinia: You’re such a bitch! I don’t exactly know what you’re trying to do… But whatever it is… You’re cheating!!!

Kathryn: How can you exactly say that I’m cheating?!

Lavinia: May ginagawa kang paraan para makuha mo ang loob ng prinsipe! Ginagamit mo ang kahinaan niya!

Kathryn: And do you think that’s cheating?!

Pagod na pagod na siya sa pangbubully ng mga ito…

Lavinia: It is! You’re a cheater!!! You never even deserve to be here in the first place!!!

Bianca: Palibhasa kasi, malandi ka! Kaya effortless lang talaga ang mga pinaggagagawa mo!!

They can call her many names. Pero sumosobra na ang mga ito.  Sobra na nga siyang nasasaktan… Dadagdag pa ba ang mga ito?...

Kathryn: Subukan mo pang tawagin akong malandi! Subukan mo pa! Tingnan ko lang kung makalabas ka pa ditong buo ang mukha!

Bianca: Malandi!!!

Lalapitan na niya ito para sapakin… Pero agad hinawakan ni Sofia ang kamay niya…

Sofia: Kath, huminahon ka… Pag ginawa mo ‘yan, pwede kang ma-disqualify… ‘Yun lang ang gusto nilang mangyari sa’yo…

Sa sinabi nito ay para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. At saka niya pinilit magpakahinahon… Tama ito, gumagawa lang ang dalawa ng paraan para matanggal siya… At hindi niya ‘yon hahayaang mangyari…

Lavinia: Napaghahalata na talaga… Atat na atat ka ngang manalo…

Nakangiti ito na nang-uuyam…

Aria: Pero tama naman talaga si Kathryn… She’s not really cheating… Wala sa rule na bawal tayong lapitan o yakapin ng prinsipe. Sabi pa nga sa rule, kanya-kanyang technique kung papano manalo… Kaya kaysa laitin niyo siya, hindi ba mas tamang mag-isip na rin tayo ng sarili nating paraan?

Napatingin silang lahat dito… Kahit parati itong tahimik… Hindi pala ito mapanghusga…

____________________________

Kasalukuyan na silang nakasakay sa limo patungong palasyo. Dahil sa sinabi ni Aria ay tila nanahimik na ang dalawa sa pang-aaway sa kanya. At mukhang nag-iisip na nga ang mga ito ng paraan…

Siya naman ay gulung-gulo pa rin ang isipan… Nahahati ang concentration niya… Iniisip niya ang mga preparations para sa tournament habang nasa isip din ang balitang sinabi ng kapatid…  Gulung-gulo na siya… Ano ba ang dapat niyang gawin?...

Hindi rin nagtagal ay nakita na niyang papasok sila sa isang napakalaking gate. Base sa mga itinuturo sa kanilang paaralan, tunay daw na ginto ang pagkakagawa sa gate na ‘yon… Habang papasok ay nasilayan niyang muli ang napakaluwang na paligid ng palasyo…

Ilang beses na siyang nadadala ng ina dito noon. Pero iba na ngayon. Dahil alam niyang may mga privileges ng ibibigay sa kanila habang nakatira dito… Napatingin siya sa maluwang na hardin… Ganun na ganun pa rin ang itsura nito… Wala pa ring nababago…

A Fairytale's MishapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon