CHAPTER 28: The Lecture

20.9K 289 151
                                    

Pagkagising pa lang niya kinabukasan, naramdaman na niyang hindi maganda ang gising niya. There’s a dull but throbbing pain on her head.  Mabigat ang ulo niya. And overall, she knows she’s not well. Again, blame it on the alcohol. She didn’t drink much but she never tasted any type of liquor until last night. So that might be the reason.

After she had a shower ay namili na lang siya ng komportableng damit. Isang pink sweater with hoodie, her fave tight jeans and some old converse. Ang brownish blonde na buhok ay tinali na lang ng basa. She’s too lazy to put on make-up. Besides, lecture lang ngayon. It means no prince.

Somehow, she’s relieved na hindi niya muna ito makikita. After last night, hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. She was a bit drunk and there were some things na dapat hindi na niya nasabi dito. Pakiramdam niya lalo lang nadadagdagan ang mga problema niya.

Sa dami ng issues and problems, isa ang nangingibabaw… She just cannot believe na naiilang siya sa best friend niya. Kung may isang bagay man na sobrang nakakakilala sa kanya, si DJ ‘yun. He’s been with her every step of the way mula ng bata pa sila. Pero hindi na siya komportable ‘pag nasa malapit lang ito…

It’s maybe because simpleng tao lang ang DJ na nakilala niya. DJ was sweet and warm. He’s always kind and gentleman. Lagi siyang pinagbibigyan, lagi siya ang nasusunod. Prince Daniel is somewhat the opposite. He’s always cool, very straightforward, very confident, demanding, stubborn, at may pagkabastos. Mayabang pa… Although mayabang na talaga dati pa si DJ, parang mas mayabang pa ito ngayon.

Yeah, maybe those are the reasons. Pero ano nga ba ang inaasahan niya? na dapat hindi nagbago ng pakikitungo sa kanya si DJ? After all the things she had done to him. After all the hurt and betrayal, maybe, she really deserves to be treated differently…

Enough of this, she’s gonna be late. Bago lumabas ay nilagay niya sa ulo ang hoodie. Sa corridor ay naabutan niyang papalabas din si Lavinia. She’s all groomed wearing a yellow mini dress and make-up and her hair was blow dried with big curls. Naisip tuloy niya na sana pinatuyo man lang niya ang buhok… And as usual, kontrabida-look na naman ang itsura.

Lavinia: Alam mo, sana magkaroon ka naman ng konting hiya sa sarili mo…

Kathryn: Lavinia, ano na naman bang sinasabi mo? Nanahimik ako pero wala ka na lang ibang ginagawa kundi awayin ako.

Lavinia: The prince was humiliating you for the past few days. And I’m so happy about that dahil finally na-realize na niya how gold-digging bitch you are. But to my surprise, nagpa-extend siya ng time sa one-on-one date niyo kagabi. What are you up to again, huh?

Kathryn: Pakinggan mo nga ‘yang sarili mo. Hindi mo ba naririnig ‘yang sinasabi mo? You really sound so threatened. Natatakot ka noh?

Lavinia: Keep on dreaming, bitch! Hindi ako natatakot sa ‘yo!

Kathryn: Kung ganon, ano pang silbi ng usapan na ‘to? Besides, wala kang pakialam kung  napapalapit na naman sa ‘kin ang prinsipe, it only means effective ang plano ko. At siguro dapat gumawa ka rin ng paraan para mapalapit siya sa ‘yo…

Lavinia: Pwede ba! Close kami, okay?!

Kathryn: Talaga?! Ay hindi halata eh!

Lavinia: Close kami… ‘coz I have his number!

Susumbat pa sana siya. Pero agad na siya nitong tinalikuran… But is it really true? Does she really have his number? Kung totoo man, bakit naman binigay ni DJ? Textmate sila, ganon?

___________________________

Her day is completely ruined. Mas higit na sumasakit ang ulo niya sa sinabi ni Lavinia. Kanina pa nasa harapan ang lecturer nilang si Mam Leila. Pero walang pumapasok sa utak niya. Nakatunganga lang siya habang nakatitig sa nilalarong ballpen na hawak.

A Fairytale's MishapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon