CHAPTER 13: The Mishap

21.2K 208 48
                                    

Weeks have passed…..

Matapos ang insidente sa tabing-dagat ng gabing iyon ay parang walang nangyaring kakaiba sa kanila ni DJ. Ang buong akala niya ay magkakaroon sila ng ilangan. Pero nagkakamali siya. Pakiramdam pa nga niya, mas higit pa silang naging close sa isa’t-isa…

Pagkatapos ng klase niya sa hapon ay sinusundo siya nito gamit ang motor. Pero hindi muna siya inihahatid agad… dahil parati silang pumupunta sa Sarkent… Tumatambay lang muna sila sa tabing-dagat. At masayang nagkwekwentuhan habang kumakain… Kung minsan naman ay tahimik lang nilang pinapanood ang unti-unting paglubog ng araw…

Katulad na lamang ng kasalukuyan nilang ginagawa… Nakaupo sila sa buhanginan… Nakasuot pa siya ng uniporme. Pero tinanggal niya ang sapatos na suot… At pinapakiramdaman ng mga paa niya ang bahagyang mainit pang buhangin…

Napatingin siya sa kaibigan… Napansin niyang kanina pa ito walang imik at nakatingin lang sa papalubog na araw… Ginaya naman niya ito…

Kathryn: Nakakatuwang pagmasdan ang araw noh?

She’s just trying to break the silence…

DJ: Hindi rin… Nakakalungkot nga eh…

Kathryn: Huh?... Bakit naman?... Ang tagal na nating ginagawa ‘to… Tapos nalulungkot ka lang pala?...

Nakakunot niyang tanong dito. Pero hindi pa rin siya nililingon…

DJ: Hindi mo ba napapansin, Kath?... Sa bawat paglubog ng araw, isang araw na naman ang lumilipas…

Kathryn: Eh malamang ‘di ba? Anong gusto mo, ‘wag ng matapos ang isang araw ganon?

Bahagya pa siyang natawa sa sinabi…

DJ: Kung pwede lang… Kung pwede nga lang sana…

Kathryn: Hoy, DJ! Ano ba?! Parang iba ata mood mo ngayon ah? Okay ka lang ba?

Hindi nito pinansin ang sinabi niya…

DJ: Alam mo, Kath… Sa bawat paglipas ng araw, unti-unti ko lang nararamdaman… na malapit ka ng mawala sa akin…

Nawala na ang mga ngiti niya. Tila naiintindihan na niya ang ibig nitong sabihin… Kaya lumapit siya at sumandal sa balikat nito…

Kathryn: DJ...

DJ: Tama na, Kath… ‘Wag ka na lang munang magsalita… Mas masasaktan lang naman ako sa mga sasabihin mo eh…

Nalulungkot din siya sa sinasabi nito…

Napatingin siya sa kamay nitong malapit sa kanya… Hinawakan niya ‘yon… … At pinagdikit ang palad sa palad nito…. Marami rin siyang gustong sabihin dito…  Pero para ano pa?… Para saan pa?….

May bigla siyang naramdamang kirot sa dibdib habang patuloy niyang pinagmamasdan ang dalawa nilang kamay na magkadikit… At ang pangingilid ng luha ay pilit niyang pinipigilan….

DJ: Tara na siguro… Mamaya lang didilim na rin…

Humalik ito sa kanyang buhok at bahagya pang inamoy… Ang palad nilang magkadikit ay tuluyan na nitong hinawakan para mahila siya mula sa pagkakaupo…

Habang nag-aayos siya ng sarili ay muli itong nagsalita….

DJ: Kath… baka ito na muna ang huli nating pagpunta dito…

Nagtataka siyang napatingin dito…

Kathryn: B-Bakit naman?

Umiwas ito ng tingin…

A Fairytale's MishapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon