CHAPTER 7: Deal

1.9K 52 12
                                    

"Uhm miss, are you done with my laptop?" ginambala ng isipan ko ang boses ng isang lalaki. Sumulyap ako sa kanya. Halatang iritado na siya dahil maaaring mag-iisang oras ko ng ginagamit ang hiniram kong laptop niya. Kasalukuyan akong nasa beach nang makita ko siyang nakaupo sa buhanginan. Sinamantala ko na ang pagkakataong iyon.

"I'm really sorry, but I need a few more minutes," nakikiusap kong sabi.

"Five minutes and that's it. I'm also trying to work here, you know," bahagya na siyang galit.

Mabilis akong tumango,"Yes, I promise. Five minutes." Mabilis ko ng tinapos ang message na ginagawa ko para kay Katsumi at mabilis ko na ring sinend. Ginamit ko ang natitirang minuto para higit na maghanap pa ng ibang balita sa kung ano ang mga kaganapan sa Zanarkand.

Kanina pa ako naghahanap ng mga bagong balita mula doon. Ngunit halos wala namang pinagbago. Ang hari pa rin ang nakatalaga. Ang duke ay ganoon din. At patuloy pa rin ang maliliit na pag-aalsa ng mga tao laban sa kaharian. Ang alam pa rin nila ay patay na ang prinsipe at ako bilang panalo sa paligsahan ay mas piniling mangibang-bansa.

Ngunit ang patuloy kong hinahanap ay ang impormasyon kung nasaan sina Katsumi at Sofia. Walang balita na sila'y umalis ng Zanarkand at wala ring balita na sila ay dumating. I also need to find them...

"Hey, miss! Time's up! I need that now!" bahagya akong nagulat sa sigaw ng lalaki kaya mabilis na akong pumunta sa history ng browser at in-erase lahat ng activities. Agad ko ng binigay sa kanya sabay hingi ng paumanhin, "I'm sorry."

"Buy your own bloody laptop!" iritado pa rin niyang sabi sabay marahas na abot sa gadget.

Tama naman siya. Kinakailangan ko ng magkaroon ng sariling kagamitan. Magtatatlong-araw na rin akong hindi bumabalik sa "dorm". At wala na akong balak bumalik pa doon. Sa kasalukuyan ay ginawa ko munang tulugan ang mga buhanginan sa tabing-dagat. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagpapalit ng kasuotan. I know that's gross, but I'm never going back to that place and wear clothes that I know aren't mine.

Sa loob ng tatlong araw ay wala akong ibang ginawa kundi mag-isip ng mga plano at paano isasakatuparan ang mga 'yon. Una sa lahat, I need money. Lots of it.

________________

Kanina ko pa nilalakad ang isang kalye at naghahanap ng mga bakery na pwede kong pagnakawan. May iba kasi na sa labas lang naka-display ang ilan sa mga French bread. Minsan ay madali lang humugot sa mga 'yon. Ginagawa ko na lamang inuman ng tubig ang isang drinking fountain. I know it's pathetic. Too pathetic. I had never thought that this will happen to me. Maging sa pagiging mahirap ko sa Aysgarth ay hindi ko man lang ginawa ito. And besides, I thought I already had my happy ending...

"I'm gonna kill you!" Boses ng isang lalaki ang gumambala sa pag-iisip ko. Nagmumula ang boses mula sa masikip na eskinita. Napahinto ako at marahang sumilip doon. Tatlong lalaki ang nakahawak sa isang duguang lalaki. Siguro ay ilang taon lamang ang tanda niya sa akin. Ang isa naman ay nakatayo patalikod mula sa akin. Base sa kanyang tindig ay tila may edad na siya. Napatingin ako sa kamay niya. Isang baril na may silencer ang hawak niya.

"No, please! I could give you that money in two days!"

Natawa naman ang may hawak ng baril,"You won't fool me this time, Geeko! It's time to dig a bullet into your sorry-ass brain now..."

Pilit nagpupumiglas ang duguang lalaki,"Nooo! Please!!! I've got a daughter! She needs me! Please no!!!" Garalgal na ang boses niya.

"Well! You should've thought of that when you borrowed 2 million dollars and decided to run away!"

"Please! In two days, I could pay you... I promise!"

"How?!! How the f*ck can you pay me?!!"

"I have... I have someone I know..." halatang nagbubuo lang ang duguang lalaki.

A Fairytale's MishapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon