CHAPTER 18: Barbie

18.6K 189 11
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas… Kasalukuyan siyang nasa loob ng bahay ng kaibigan… At mukhang tinotohanan na nga nito ang sinabing paglayo… At hindi na talaga nagbalik pa… Iniwan pa ang lahat ng kagamitan… Ni isang gamit ay wala itong dinala… Baka may balak rin itong magbalik… Pilit man niyang itanggi, iyon pa rin ang hinihiling ng puso niya…

Nash: Ate! Ate!

Agad siyang lumabas… At tumingin sa ibaba…

Kathryn: Bakit?

Nash: Ano pang ginagawa mo jan, ate? Ilang minuto na lang darating na ‘yung susundo sa’yo… Sabi ni nanay, bumalik na raw kayo at nakakahiya daw paghintayin ang mga taga-palasyo…

Kathryn: Sige… Pababa na rin ako…

Muli niyang nilingon ang loob ng bahay… Saka ibinalik ang tingin sa kapatid…

Kathryn: Uhm… Nash, ikaw na munang bahala dito sa bahay ha….

Nash: ‘Wag kang mag-alala, ate. Parati ko ‘tong babantayan at lilinisan…

Kathryn: S-Salamat…

Nilinga niya ang tanawing nakikita… Sa may kalagitnaan ng Sarkent… Ang palasyo… Ito na ‘yon… Ito na ang matagal niyang pinakahihintay.…

_____________________________________

Kararating lang niya sa bahay nila ay sakto namang huminto ang isang magarang sasakyan… isang limousine ‘yon… May bumabang representative ng palasyo… Binigyan siya ng konting briefing… Pero matapos rin ang ilang sandali ay kailangan na nilang umalis…

Bahagyang naging emosyonal ang paghihiwalay nilang mag-ina at kapatid… Pero pinili niyang ‘wag ng umiyak… Sapat na ang ilang gabi niyang pagluha… Dapat ngayon ay maging masaya na siya…

Bago siya pumasok ng sasakyan ay pinagbuksan pa siya ng driver… Ikinangiti niya ‘yon… Ibang-iba talaga ang buhay ng isang mayaman… Maging ang loob ng sasakyan ay kakaiba talaga… Napakakomportable at amoy pa lang pang-mayaman na…

Hindi nagtagal ay nagsimula na nilang binabagtas ang daan papunta sa siyudad… Ayon sa briefing kanina, sa isang hotel daw muna sila magkikita-kitang mga kalahok… Magkakaroon daw ng fashion show ang prinsipe doon at ang after-party na idadaos ay para ipakilala na raw sila sa prinsipe at sa mga media…

She doesn’t know what to expect… Pero aaminin niyang kinakabahan talaga siya…

Ilang saglit pa ang lumipas at narating na nila ang Sarkent… Maya-maya lang ay huminto na sila sa isang tanyag na 5-star hotel… Napansin agad niya ang dami ng mga tao na nasa labas… Tila may mga hinihintay… Pinagbuksan siyang muli ng driver at pagkababa pa lang niya ay sunud-sunod na kislap na ng camera ang sumalubong sa kanya…

Labis niyang ikinagulat ‘yon… Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin…

Kathryn Chandria! Anong masasabi mo ngayong isa ka sa mga napiling lima para sa tournament?

May hawak na voice recorder ang reporter… Nasa akto na siyang sasagot nang may mga biglang humawak sa kanya… Mukhang mga boduguards ang mga ito at pilit siyang hinaharangan sa mga media habang inaalalayan siyang makapasok sa loob ng hotel…

Matapos ang napakahirap ng gitgitan ay nakapasok na rin siya sa wakas sa lobby. Napansin na niya doon ang mga apat na babaeng tahimik na nakaupo. Isa ang pamilyar sa kanila… Agad itong napangiti ng nang-uuyam ng makita siya…

Tumayo ito saka lumapit sa kanya…

Lavinia: The moment I’ve found out na kasali ka, I really burst out laughing…

A Fairytale's MishapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon