CHAPTER 6: A Doll

20.6K 183 34
                                    

Kasalukuyan siyang tumatakbo habang pauwi mula sa klase. Hinahabol kasi siya ng ilan sa mga kaklase. Nangunguna na dito ang kaaway niyang si Lavinia…

Lavinia: Ahhh!!!! Tumatakbo siya!!! Palibhasa sinungaling kasi!!! Sinungaling na nga feeler pa!!!!

Kathryn! Feeler! Kathryn! Feeler!

Segunda naman ng mga kasamahan nito… Gusto sana niyang makipag-away… Pero mas labis kasi siyang nasasaktan sa pinagsasabi ng mga ito. Maya-maya lang ay hindi na niya mapigilan ang pag-iyak…

Lavinia: Naku! Umiiyak na siya! Lagot tayo nyan! Baka parusahan tayo ng prinsipe!

Nagtawanan naman ang iba…

Pero maya-maya lang ay nakita niya si DJ na biglang lumundag mula sa isang sanga ng puno… Nakaharang na ito sa kanilang lahat. Tila nabuhayan naman siya ng loob at nakakita ng kakampi kaya agad na siyang lumapit dito…

DJ: Ano na naman bang ginagawa niyo?! Bakit niyo pinapaiyak si Kath?!

Pumamewang naman si Lavinia dito habang nakataas ang isang kilay…

Lavinia: Sorry! But we don’t talk to strangers! Especially to monsters just like you!

Lumingon ito sa mga kasama…

Lavinia: Girls… I think we better go… Mahirap na baka kainin pa tayo ng halimaw na ‘yan…

Nang makaalis na ang mga ito ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak…

DJ: Bakit ba? Ano nanaman bang ginawa nila sa’yo?

Napansin niyang balewala lang dito ang panglalait na ginawa ng mga kaklase…

Kathryn: Eh kasi sila eh… Sinabi ko lang naman na kinindatan ako nung prinsipe nung nakaraang parada… Tapos sabi nila, sinungaling daw ako… Sabi nila ang galing ko raw magbuo ng kwento… Pero totoo naman eh! Totoo namang kinindatan ako ng prinsipe eh!…

Sinasabi niya iyon sa pagitan ng paghikbi…

DJ: Tahan na… ‘Wag ka ng umiyak… Ikaw rin naman kasi eh… Lagi mo na lang bukambibig ‘yang prinsipe… Hindi mo ba pwedeng kalimutan na lang siya?...

Pinupunasan na nito ang mga luha niya gamit ang kamay nito…

Kathryn: Ano ka ba? Syempre hindi ko siya pwedeng kalimutan noh! Kaya nga ako nag-aaral mabuti para mapili ako sa mga limang babae na susubok magpa-ibig sa prinsipe eh!…

Napahinto ito sa pagpapahid ng luha niya at tumingin sa kanyang mga mata…

DJ: Eh paano na ako?... Paano na ako, Kath? Paano na ‘pag napili kang prinsesa?

Napangiti na siya sa sinabi nito…

Kathryn: Syempre, bestfriend pa rin kita noh! At hindi lang ‘yon! Alam mo, pag prinsesa na ‘ko, magkakaroon na ako ng maraming-maraming pera!… At alam mo ba kung ano ang isa sa mga gagawin ko?

DJ: Ano?

Kathryn: Ipapaopera natin ‘yang mukha mo!.. Para mawala na ‘yang mga peklat mo! At para hindi ka na nila nilalait!

DJ: T-Talaga?!

Kathryn: Oo naman noh! Promise ko ‘yan!

Nakangiti na ito…

DJ: Salamat ah… Ang bait-bait mo naman…

Hinawakan na nito ang kamay niya saka siya inakay…

Kathryn: Teka… San tayo pupunta?

DJ: Sa bahay…

Kathryn: Sige! Tamang-tama maglaro tayo!

DJ: Anong gusto mong laro?

Kathryn: Mmmm… Bahay-bahayan!

DJ: Sige! Ako ang tatay ah!

Kathryn: Ayoko nga!

DJ: Bakit naman?!

Kathryn: Basta ayoko!...

Mapilit pa rin ito hanggang sa makarating na sila sa loob ng bahay nito… Pero bahagya siyang natigilan ng may makitang isang napakagandang manika na nakapatong sa upuan… Lumingon siya dito…

Kathryn: Ano ‘to?...

DJ: Manika…

Kathryn: Alam ko na manika siya… Pero kanina ‘to?

DJ: Sa’yo! Kanino pa ba?… Alangan namang para sa akin…

Kathryn: Binilhan mo ako ng manika?

DJ: Mura lang naman sa palengke ‘yan eh… Kaya binilhan na kita… para naman mapalitan mo na ‘yung mukhang basahan mong manika…

Natitigilan siyang muling napatingin sa laruan… Napakatagal na niyang inaasam na sana ay bilhan siya ng ina ng isang bagong manika…

Agad na niyang kinuha iyon at banayad na hinawakan… Napakaganda talaga… Pumipikit pa ito sa tuwing ihihiga… Nangingilid na ang mga mata niya dahil sa tuwa. Pero pinilit lang niya iyong pigilan… Muli siyang lumingon sa kaibigan…

Kathryn: S-Salamat, DJ…

DJ: Sus! Wala ‘yun… Kaw naman… Parang ngayon ka lang naman nakahawak ng ganyang laruan…

Hindi na niya masabi sa kaibigan na iyon lamang ang pagkakataon na nakahawak talaga siya ng isang tunay na manika…. ‘Yung hindi lamang tinahi-tahi mula sa mga retaso ng tela…

Kathryn: DJ… Ano ba ang dapat kong gawin… para makapagpasalamat man lang ako?

Nagkakamot na ito ng ulo…

DJ: Wala naman eh… Siguro… basta pumayag ka na lang na maging tatay ako sa laro natin ngayon… tapos ikaw ang nanay… Tapos… tapos ‘yan ang anak natin!…

Maluwang na ang kanyang pagkakangiti…

Kathryn: Sige… ‘Yun lang naman pala eh…

DJ: Yes! Ayos!!! Tara! Halika na, mahal ko… patulugin na natin si baby…

Sabi pa nito sa kanya at halatang tuwang-tuwa na…

Ang dalawang bata sa loob ng bahay na nasa sanga ay masaya nang naglalaro ng bahay-bahayan at ang batang si DJ ay tila mukhang ninanamnam naman ang pakiramdam ng pagiging isang asawa sa kaibigang si Kathryn…

________________________________

Next update tomorrow: Chapter 7:  5 Years Later…

 

A Fairytale's MishapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon