Chapter 12

23 5 0
                                    

Chapter 12

Two days ng umuulan. Ang lakas ng hangin sa labas kaya mas pinili na lang namin na manatili sa bahay. Wala kaming sariling generator kaya wala pa Rin kaming supply ng kuryente dahil sa bagyo. Wala kaming ibang kasama sa bahay kasi umuwi ang mga kasambahay namin dahil nga pasko. Ang hirap tuloy. Malapit dito ang sentro ng bagyo kaya may mga nagtumbahan na rin na puno at poste sa daan.

Sama-sama na kaming natutulog sa iisang kwarto. Inilipat ko ang foam ng kama ko sa kwarto ni Dale kasi mas maluwag ang space niya. Sa baba kaming lahat nakahiga dahil hindi kami kasya sa taas. Halos wala akong tulog para lang mapaypayan si Dale at Viviane dahil pawisin silang pareho. Idagdag pang lowbat ang cellphone ko noong December 24 pa. Hindi ko tuloy alam kung nabasa na ni Viel ang sulat ko para sa kaniya. Baka ako palang ang nakakaalam na kami na. Hindi ko naman mahiram ang phone ni Dale para tawagan si Viel dahil baka ma-lowbat din. Baka biglang tumawag si Lolo at Tito Fil.

Mabuti na lang may mga stock pa kami ng pagkain kaya hindi na namin kailangang lumabas para bumili. Ngayon, ramdam na ramdam ko ang hirap ng pagiging panganay. Hindi ko mapigilang mapaluha minsan.

"Ate, nilalagnat si Viviane." Sabi ni Dale habang nagluluto ako ng umagahan. Medyo mahina na ang ulan sa labas pero wala pa ring kuryente.

"Sige susunod ako, tatapusin ko lang ang niluluto ko. Huwag mong iwan si Viviane sa taas."

Sumunod naman din kaagad ako pagkatapos kong magluto. Tinulungan ako ni Dale na magpunas sa bunso namin. Mataas nga ang lagnat niya. Mabuti na lang alam namin ni Dale ang gagawin. Wala naman kasi kaming sapat na pera ngayon para dalhin siya sa hospital. Hindi pa nagpapadala si Tito Fil. Hindi sapat ang napamaskuhan nilang dalawa at ayoko rin naman na gastusin 'yon dahil pera nilang dalawa 'yon. Kaya pa naman siguro ng gamot.

"Ako na muna ang bahala sa baba, ikaw ang magbantay kay Viviane. Matulog ka na rin muna alam kong puyat ka." Tumango na lang ako kay Dale at pinanood siyang lumabas ng pinto dala ang mga ginamit namin sa pagpupunas kay Viviane pati ang gamot. I'm really thankful na tinutulungan niya ako kahit na bata pa lang din siya. Napabuntong-hininga na lang ako. Ang bilis ng mga pangyayari para sa akin. Naguguluhan pa rin ako kung bakit kailangan naming humantong sa ganitong sitwasyon.

"Mama..." napatinggin ako kay Viviane. Nakapikit pa rin siya. Mukhang nanaginip. Ganito talaga ito kapag nagkakasakit e. Si Mama talaga ang hinahanap.

Kaagad akong tumabi sa kaniya. I just hugged her. Hanggang sa makatulog na rin ako.

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Pagkamulat ko ay si Viel ang bumungad sa akin. May ginagawa siya sa cellphone niya habang nilalaro ang buhok ko. Nang mapansin na nakatitig ako sa kaniya ay kaagad niyang binitawan ang cellphone niya at niyakap ako.

"I miss you," I hugged him back. Hindi ko alam kung bakit umiyak na lang ako bigla. Siguro dahil sa pagod? Ewan. "I thought you ghosted me after telling that I'm already your boyfriend but your brother told me how busy and tired you are for taking care of them. So, I understand."

"Sorry umiiyak ako," nakayakap pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na umiyak.

"You don't have to say sorry. Iyak ka lang, it's normal." Pagkasabi niya noon mas lalo akong napaiyak. I'm happy na nandito siya. I'm really happy that I have someone like him. "I'm so proud of you, Mary."

Buong araw si Viel sa bahay. Dinala niya ang regalo niya sa aming tatlo. Dale was obviously happy dahil may bago na naman siyang libro. Si Viviane naman may bagong damit. Habang ako naman, binigyan ni Viel ng isang necklace na ipinagawa niya pa talaga sa ibang bansa. Bukod sa mga regalo ay siya ang nag-asikaso sa aming tatlo buong maghapon. Paulit-ulit din niyang ibinibida kay Dale na binigyan ko siya ng bracelet na suot niya ngayon hanggang sa marindi na si Dale at pumasok sa kwarto niya. Si Viviane ay tuwang-tuwang makipaglaro kay Viel. Mabuti at bumaba na ang lagnat niya. Gusto pa nga sana niyang mag-stay dahil ayaw rin siyang paalisin ni Viviane pero hindi naman pwede. Mabuti na lang nagkaroon na rin ng kuryente at tumigil na ang ulan kaya noong gabi ay mahimbing ang tulog naming magkakapatid. Hindi ko na kinailangan magpaypay.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now