Chapter 19

179 20 0
                                    

-------꧁ꕥ꧂-------

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 19: The Mark of Her Real Identity

MAXINE'S POV.

"Anong ginagawa n'yo sa kaniya?!"

"Magalit ka lang."

Nagising ako sa ingay at dahil na rin sa matilos na bagay na pilit lumulubog sa aking balat. Naramdaman ko ang pagkirot ng bagay na iyon pero mas pinilit kong pumikit. Mas lalala ang sitwasyon kapag nalaman nilang gising ako.

Alam ko na kung bakit kami nakatali sa lugar na ito. Ginagawa niya kaming bitag oara magalit si Chandra. Oara mapadali ang plano nila. Narinig ko ang usapan sa labas kanina habang nakapikit ako.

Gusto nilang kumpirmahin na kung siya talaga ang anak ng sinaunang bampira na naging dahilan ng pag-aaway ng Dark Minister at ng mga namumuno sa Midnight University.

At ang mga lalaking nakapalibot sa amin ay ang mga nakakataas sa Dark Minister. Ang pilit tumutusok at nang-gagalit kay Chandra ay ang pinakang pinuno nila.

Hindi ko napansin kung nasaan si Edward, siguro'y nakatali siya sa kung saan. Sinubukan kong huwag dumaing dahil sa sakit na nararamdaman ko.  Nasaan na ba kasi sila Seith?!

Maya-maya pa ay parang may kung ano akong napapansin kay Chandra.
Nagsisimula nang magalit 'yong mata niya, maya-maya ay tumayo siya na parang buong-buo ang lakas.

Wala rin akong ibang nakitang reaksyon sa mata niya kundi puro galit, punong puno ng galit pero para rong wala yung buhay. Sinugod niya lahat ng naroon, ang ilan ay ngumisi at ang ilan naman ay seryoso at nagkamasid habang hinihintay na sila naman ang sugurin niya.

"What's happening to her?" Parang walang awa niyang sinusugatan ang lahat pero naghihilom rin ang mga sugat na natatamo nila, hindi rin sila lumalaban at mukhang pinaghandaan talaga nila ang araw na ito.

Pilit kong tinagkal ang tali na nakapulupot sa aking paanat kamay para awatin si Chandra, at para rin tumakas na pero biglang may lalaking nagtutok ng kutsilyo sa leeg ko

"At saan ka pupunta?" His voice.....

Pinilit kong lumingon para harapin siya subalit sa tuwing gagalaw ang kahit anong parte ng katawan ko ay mas dumidiin ang pagtutok niya sa akin ng dulo no'n. Napatingin rin ako sa gawi ni Chandra na wala nang malay, napapalibutan na siya ng namumuno sa Dark Ministry. 

"Tsk. Napakabilis niyo talagang magtiwala." Naiinis ako kapag naririnig ang boses n'ya. Nagtiwala ako at nagpadala sa mga kwento niya pero mali ako... Akala ko iba siya sa kanila....

Isa siyang taksil, taksil ka!

"I'll kill you, Edward." Gigil na usal ko habang iniinda ang sakit. Inalis n'ya ang pagkakatutok ng kutsilyo sa aking leeg at nagtungo sa aking harapan.

Ngumis siya ng nakakaloko at may halong pang-aasar bago kumapit sa damit ni Kurby. 'Yong lalaking nagpawala ng malay sa akin kanina.

Tumingin sila sa akin at kay Chabdra na nakabulagta ngayon sa sahig.  " Babalikan natin sila sa susunod." Saad ng isa.

" Malapit na sila, kailangan na nating umalis." Pagkasabi niya noon, I mean, Edward. Pagkasabi niya no'n ay nagkapit-kapit silang lahat at may isang itim na bagay ang nakita ko bago sila sabay-sabay na naglaho.

Tumakbo ako palapit kay Chandra at agad ko ring nakita sa hindi kalayuan si Seith at  Gihhan na mabilis na tumatakbo patungo rito.



Midnight University (ON-GOING)Where stories live. Discover now