Chapter 17

191 24 6
                                    

-------꧁ꕥ꧂-------

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 17: Her Awakened Released l

MAXINE'S POV.

"Nagkakagulo na ang mga nasa itaas, we need to find her!"

"Kahapon pa siya nawawala."

"Sinong nawawala?" Mabilis na pagsingit ko sa pag-uusap nila, tiningnan ako ni Gihhan na parang nagtataka.

"You didn't know?" Takang tanong niya na ikinakunot ng noo ko, nanatili namang walang imik si Seith na nakatingin sa akin.

'what the hell is happening?"

"Anong hindi ko alam? Sinong nawawala? Ba't nagkakagulo ang nasa itaas?" Gulong-gulo na ako, lumabas rin ako kanina para sana kausapin si Mr. Raze pero sinabi nilang may mahalaga itong inaasikaso.

"Chandra is missing." Napalingon ako sa nagsalita. Nakatayo na pala si Mr. Raze sa likuran namin.

"Paanong nawawala? Eh kasama ko pa siya kahapon. Nagpaalam pa nga s'ya na pupuntahan ka raw ni----"

"What?!" Halos mabingi ako sa sabay na sigaw nung tatlo.

"She didn't come to met me yesterday."

Para akong pinagbuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaba, pero anong balak ng may salarin ng pagkawala ni Chandra. Hindi siya ganoon ka espesyal. Wala siyang kakayanan 'yon ang alam ko. Sa loob ng isang buwang pananatili niya ritonay wala akong nakitang kakaiba pero masyadong humihigpit ang bagay at nagiging komplekado ang lahat pagdating sa kaniya.

"Nawawala siya simula kahapon. Seith, you need to find her." Tumango si Seith at akmang aalis na pero agad akong sumingit.

"Bakit si Seith lang? Bakit hindi kami kasama? Kaibigan rin kami ni Chandra at kanilangan rin namin tumulong." Gusto kong magmaktol, parang kapatid ko na si Chandra.

"Kaya ni Ms. Drov ang sarili niya at kaya rin ihandle ni Mr. Morgaville ang mga maaari niyang makaharap." Susunod sana ako kay Seith pero wala na siya, ni hindi ko na rin madetect kung saan siya lumusot.

"Anong kailangan nating gawin, Mr. Raze?" Tanong ko.

Si Gihhan ay kanina pa pauli-uli at tila hindi mapakali, napansin rin siguro siya ni Mr. Raze kaya nagsalita ito.

"Mr. Harrison, I will asign some task for you. Find the culprit." Mabilis na tumango si Gihhan at nagmamadaling umalis.

"Eh, ako? Anong gagawin ko?" Naiinip na ako, ayokong tumunganga at walang gawin.

"Stay seated. May kailangan kang malaman tungkol kay Ms. Drov."

"Kaya kaya ni Chandra ang sarili niya, kaya niyang patayin silang lahat."

"Sinungaling! Ni wala siyang kakayanan, paano ka nakakasigurado?! Paano kung mali 'yong nalalaman n'yo? " Ayokong maniwala sa lahat ng sinabi niya, hindi dapat ako magtiwala sa kahit na kanino pero may parte sa akin na nagsasabing paniwalaan ko siya.

"Alam kong may kinalaman kayo sa pagkawala niya. Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko, pagsisisihan niyong hindi niyo ako hinayaang tumulong sa paghahanap sa kaniya."  Mabilis kong nilisan si Mr. Raze agad na nagtungo sa lugar na pwede niyang karoonan.



"Chandra, asan kana ba?" Hindi ko talaga siya makita, ginamit ko na rin ang kakayanan kong makakita ng tagos sa bawat pader pero wala siya sa loob ng bawat silid na tinititigan ko.

Midnight University (ON-GOING)Where stories live. Discover now