Chapter 15

208 25 0
                                    


A/N: Hiiiiiii!!! Namiss n'yo ba si me? Pasensya na at ngayon lang ulit ako nakapag-ud. Writer's block eh, yah know.

-------꧁ꕥ꧂-------

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 15

CHANDRA'S POV.

"Hindi ka dapat nakikinig sa kaniya." Gusto ko nang takpan ang aking tainga dahil sa lakas ng boses ni Maxine habang panay ang sermon sa akin.

"Hindi natin alam kung anong gusto nilang mangyari, I can't read their mind. Maging si Gihhan ay hindi ko alam kung anong plano n'ya." Tumingin s'ya sa akin at saka hinawakan ang aking balikat. "Hindi ka dapat sumusunod sa kanila."

"Pero inutusa---"

" But it doesn't mean that you have to follow their orders. Mas mapapahamak ka kapag sunod ka ng sunod." Pagpuputol n'ya sa sasabihin ko.

Naabutan kasi nila ako kanina na kausap si Mr. Raze habang hawak-hawak ko 'yong pulang likido.


--- F L A S H B A C K.

"Drink it."

"Pero, sir! Masangsang nga!" Pagmamaktol ko habang nakatitig ako roon sa hawak kong inumin na kulay pulang likido. Tsaka bakit ba lagi nila akong pinipilit uminom ng ganito?! Hindi naman nila ako kagaya na halos gawing tubig na inumin ang ganito eh.

"You need it, Chandra. If you didn't drink it you'll be in danger." Pabulong na sabi n'ya pero sapat na iyon para magkarinigan kami, napatingin ako sa aking paligid at nakita ko ang iba na nakamasid lang sa amin.

"Para saan po ba kasi ito? Bakit kailangan kong inumin?" Hindi ko talaga alam kung bakit ba gustong gusto nilang magpainom ng mga ganito. Lalo na 'yong sa welcome party, pilit nila 'yong ginagawa.

"Alam mo kung anong uri ng mga naandito, 'yan kang ang nag-iisang para matapatan mo ang mga kakayanan nila, namin. That's why I'm giving it to you. It's for you and for your own safety." Tinitigan ko ng maigi 'yong hawak ko at lumunok ng limang beses ng sarili kong laway bago ko inilapit sa aking bibig.

"Ooopss! My bad." Halos manlaki ang mata ko ng biglang may sumagi sa basong hawak-hawak ko dahilan para mahulog at mabasag iyon. Agad na kulat ang laman noon sa sahig dahilan para mapalingon rin ang iba.

Tiningnan ko ang babaeng nagsalita at doon ko lang nakilala kung sino iyon.  "Maxine." Katabi n'ya rin sila Seith at Gihhan na seryosong nakatingin sa akin at kay Mr. Raze. 'Wth is happening?!'

"Max, ihatid mo na si Chandra sa kanila." Kalmado pero maawtoridad na utos ni Gihhan, si Seith naman tahimik lang, as usual.

"Let's go." Sabi ni Maxine sabay hila sa  aking kamay, wala naman akong ibang nagawa kundi magpati-anod na lamang sa kaniya. Sinulyapan ko muna sila Gihhan na seryosong kausap si Mr. Raze. Kung titiningnan ay masyadong malalim ang pinagpupulungan ng tatlo, pinaalis rin muna ni Seith ang ibang studyante na naroon kanina lang.

--- E N D  O F  F L A S H B A C K.


"Hoy!" Napakurap-kurap muna ako bago tuluyang nabalik sa ulirat. 

Midnight University (ON-GOING)Where stories live. Discover now