-------꧁ꕥ꧂-------
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 8
CHANDRA'S POV
"What are you doing here?!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa tinig na iyon.
Halos malaglag ako sa pagkakahiga dahil sa lakas at taray ng boses ng babae. Nang magmulat ang aking mata ay naaninag ko agad ang isang babaeng nakatayo sa aking harapan.
Tumayo ako at tiningnan yung oras sa aking relo.
6 AM.
'Punyeta. Ang aga aga ang talak nito.'
Hindi ko sya pinansin at naglakad na ako papunta sa lababo para maghilamos at magtootbrush.
"I'm asking you!" Sigaw nyang muli pero wala pa ako sa mood para makipagsigawan sa kanya.
Nang makalabas ako ay muli syang nagsalita habang taimtim na nakatingin sa akin. Mukha syang mangangain ng tao pero wala akong pake.
Ala una ako nakatulog tapos gigisingin nya ako. Punyeta hindi naman makatarungan yun.
"I said! What are you doing here?!" Iratado na nyang tanong.
"Pake mo ba?! Eh dorm ko rin 'to eh!" Sigaw ko pabalik sa kanya pero mabilis nya akong tinulak papunta sa pader.
"A-aray! A-ano ba?! B-Bitawan mo nga ako!!" Sigaw ko sa kanya pero para akong palubog ng palubog sa pader.
"Hindi mo ba ako kilala? Kapag nagtatanong ako ng maayos, sumagot ka ng maayos!" Sabi nya pero wala pa rin akong pake.
Ang tanging gusto ko lang ay bitawan nya ako!
"Bibitawan mo ko o bibigwasan kita?" Kalmadong sabi ko sa kanya pero hindi pa rin sya nagpapatinag.
Ngayon lang ako magagalit sa tanang buhay ko pagnagkataon.
"At sa tingin mo natatakot ako sayo?" Tanong nya at saka tumawa na parang wala rong pake.
"Oo dahil pag hindi mo ako binitawan...." pangbibitin ko sa kanya pero hindi parin sya nabitaw!!
"What?" Tanong nya habang nakataas ang kilay at pilit pa rin akong tinutulak sa pader.
"Pupugutan kita ng ulo at susunugin kita sa nagbabagang apoy!!" Pananakot ko at laking gulat ko na lang ng bigla nya akong binitawan at mabilis na nawala sa aking paningin.
Dahil dun muli ko nanamang naalala yung mga nangyari kagabi.
Hindi pa rin nasasagot yung mga tanong ko.
'Bakit ba para silang si Flash kapag nawawala?!'
'Nasa Earth pa ba ako?!' Agad kong nilibot ang aking paligid para tingnan kung nasa Earth pa ako. Baka kasi alien na pala lahat ng kasama ko.
At isa pang katanungan na gustong gusto kong masagot.
'Bakit kailangang turukan muna ako ng pampatulog para makapunta dito?'
"Waaaah!! Baka nasa ibang planeta na talaga ako!!! Baka kaya bano sila sa mga damit na suot naming mga baguhan. Baka ngayon lang sila nakakita ng ganun!!" Wala sa sariling sabi ko habang napapatakip sa aking bibig na para bang gulat na gulat at hindi makapaniwala.
"Tss." Napalingon ako dahil sa pamilyar na boses na yun.
"Ikaw nanaman?!" Sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
Midnight University (ON-GOING)
VampireWhat do you think will happen if you're studying in the school that is rule(d) by strange creature ? (A/N: I rarely update this story due to personal reasons but- This story is not onhold anymore, I'll continue writing it na so, kajjaaa!)