Chapter 28

173 13 0
                                    

-------꧁ꕥ꧂-------

𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 28


GIHHAN'S POV.





"Paano mo nakilala 'yong George?" sinira ko ang katahimiking pumapalibot sa amin ni Maxine, kahapon pa kasi s'yang parang ang lalim ng iniisip.





Nakabalik na kaming lahat sa University. Hindi rin namin na a approached pa si Chandra because Mr. Raze always calling her, pinatatawag daw ni Mianary.




Si Seith naman, nasa kwarto n'ya lang at hindi pa lumalabas, he has a lot of problems na gusto na niyang maresulba. At ang pag-iisa ata ang naisip n'yang paraan.





"Hey, Max." Pagtawag kong muli sa kaniya.





"H-Ha? May sinasabi ka?" halatang wala s'yang naintindihan sa tanong ko kanina.





"Well... I'm just asking you kung paano mo nakilala 'yong George."





"Ahhh." Tumango-tango pa s'ya na tila ba ngayon n'ya lang naintindihan 'yong sinasabi ko.






"He's one of those newbies who enter this University, kasabayan ni Chandra." Sagot n'ya, hindi na ako magtataka kung bakit familiar s'ya sa akin.





"But how? I mean, hindi mo naman ugaling makisalamuha sa iba lalo na't hindi sa amin. You never approached someone unless we told you to approached them, just like what you did to Chan." Hindi n'ya ugaling kumausap ng ibang narito sa University.





Kung hindi pa nga namin sinabi sa kaniyang kawayan n'ya si Chandra no'ng unang beses silang magkita ay hindi n'ya pa gagawin.





"Hmm, remember the first time when Dark Ministry kidnapped Chandra?" Tiningnan ko s'ya, nakaupo kami pareho sa may sala. Masyadong tahimik dahil wala pa rin si Chandra ngayon. She's always with Mr. Raze. Hindi rin s'ya nagsasabi ng mga pinag-uusapan nila.




"Busy kayong lahat that time, halos lahat ng studyante nagpupuntahan sa gubat kasi nagbabakasakali silang nando'n din si Chandra. Ayaw man nilang tumulong kasi galit sila sa mga newbies na gaya ni Chandra but they can't do anything but help us to find her." Habang nakatingin ako sa kaniya, kita ko ang lalim ng iniisip n'ya.




"And then, kahit hindi ako sigurado... Pumunta pa rin ako mag-isa sa gubat and then I saw him."



"You mean, George?" Tumango siya bilang pagsagot.




"He's the one who told Chandra na ipinahahanap siya ni Mr. Raze but little didn't she know, it's a trap. Hindi talaga si Mr. Raze ang nagpapunta sa kaniya sa vacant roon na malapit sa Gym. Magkasama pa kami ni Chandra bago siya makuha, hindi naman na ako sumunod kasi alam kong walang makakapasok na taga kabilang Ministry dito sa loob, bagay na matagal kong pinaniwalaan, hindi naman pala totoo." Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siyang matapos ang sinasabi niya.




"Nakita ko siya sa gubat, kasama n'ya si Edward. I thought he's already dead because that's what I saw. Pinatay s'ya ni Edward sabi pa sa kaniya ni Edward, bakit daw ibinigay si Chandra sa Dark Minister. Magagalit daw ang nasa itaas. And then, he killed Edward." Tumawa s'ya bahagya na ikinatawa ko.





"Ang tanga ko dahil naniwala ako agad sa mga sinabi ni Edward, that was planned. Nakaplano lahat simula pa lang, since George told Chan na hinahanap s'ya hanggang sa makita ko si Chandra. They used me. Ginamit nila ako para gisingin ang natutulog na ability ni Chandra. She really want to killed those men who's wearing black coats. Nalapitan n'ya lahat maliban kila Red." Pagtatapos niya.





Midnight University (ON-GOING)Where stories live. Discover now