-------꧁ꕥ꧂-------
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 6 - Welcome Party Preparation.
SHAI'S POV.
So ayun nandito nanaman ako!!
At ayun nga hindi ko na nakausap pa si Chandra dahil sa dimuho kong tita na nagngangalang Sapphire.
Ewan ko ba basta paggising ko kaninang umaga nandito na sya tapos hanggang ngayong alas 4 na ng hapon ay hindi pa rin umaalis!!
"Aalis na sya bukas." Sabi nya habang tinutukoy si Chandra.
"Bakit parang biglaan naman ata?" Takang tanong ni mommy.... bagay na kanina ko pa rin gustong itanong.
"Yun kasi ang utos ng pinakang head ng school. Gusto nilang makilala nang mas maaga ang mga bagong estudyante lalo na't malapit nang magsimula ang klase." Pagpapaliwanag nya.
"Tsaka may pawelcome rin atang magaganap para sa mga bagong estudyante bukas. At sigurado akong magugustuhan yun ng mga bagong estudyante." Sabi nya at saka nag evil smile.
Nakakunot noo lang ako habang nakatingin sa kanya at naramdaman nya ata yun kaya lumingon sya sa gawi ko.
"May gusto ka bang itanong?" Kalmadong tanong nya sakin kaya huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Anong klaseng school ba yan? Bakit kailangan tago? I mean ilang beses na akong dumaan sa Ballrian Street pero walang kahit na ano dun maliban sa puno in short magubat." Mataray na sabi ko at ngumisi naman sya.
'Creepy mo talaga. Tsk.' Mahinang bulong ko sa aking sarili.
"Hindi naman kasi lahat ng school specially mga University ay kailangan lantad o kita ng lahat ng tao. Maraming bagay ang dapat sarilihin lalo na kung maaari itong ikasawasak o ikatakot ng lahat. Hindi ba?" Makahulugan nya akong tiningnan habang sinasabi yun. Pakiramdam ko may gusto syang iparating sakin pero kahit na anong gawin nya hindi ako maniniwala sa isang katulad nya. Never!
"Tss." Tanging nabigkas ko na lang at saka umalis sa harapan nila.
Ayokong kumulo nanaman ang dugo ko sa walang kwenta kong tiyahin.
Lumabas ako ng Village pero bigla rin akong tinawag ni kuya Leo.
"Miss Shaina!" Tawag nya sa akin nung malapit na ako sa gate kaya tumigil muna ako saglit at binuksan ang bintana ng kotse ko.
"Magandang umaga po!" Magalak na bati nya kaya nginitian ko sya.
"Magandang umaga rin po kuya Leo. Bakit mo nga po pala ako tinawag?" Tanong ko sa kanya at napakamot ng sya ng ulo.
"Eh kasi po galing po rito si Miss Chandra, hinahanap nya po kayo kaso sabi ko ayaw magpapasok nung tita mo eh." Pagpapaliwanag nya kaya naman agad akong nagpasalamat at pumunta kila Chan pero wala sya roon kaya napagdisisyonan ko na lamang na pumunta sa S.M para makapamili ng mga gamit na pwede kong ipadala sa kanya.
YOU ARE READING
Midnight University (ON-GOING)
VampireWhat do you think will happen if you're studying in the school that is rule(d) by strange creature ? (A/N: I rarely update this story due to personal reasons but- This story is not onhold anymore, I'll continue writing it na so, kajjaaa!)