-------꧁ꕥ꧂-------
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 26
MAXINE'S POV.
Kanina ko pa napapansing balisa si Chandra simula no'ng bumalik siya na kasama si Gihhan.
"Anong ginawa mo sa kaniya?" Tila nagbabantang tanong ko kay Gihhan kaya kinunutan naman niya ako ng noo.
"What?" Nagtatakang tanong n'ya.
"I said, anong ginawa mo sa kaniya?" Muling tanong ko habang inginunguso ang nakapikit na si Chandra. Tahimik siyang nakasuksok doon sa isang gilid habang nakahawak at tila hinihilot ang sarili niyang sintido.
"Wala akong ginawa sa kaniya." Depensa ni Gihhan.
"Weh? Eh, ang laki kaya ng galit mo sa kaniya. Kahit pagbati hindi mo ginawa samin kanina tapos lumabas ka na kang basta ng hindi man lang nagsasabi." sinamaan n'ya ako ng tingin kaya sinamaan ko rin s'ya ng tingin.
"Kapag nalaman kong may pinagawa kang kung ako sa kaibigan ko, dudukutin ko 'yang mata mo." Banta ko sa kaniya kaya naman tumawa lang s'ya ng mahina.
"Kaibugan ko rin si Chandra, at wala akong masamang balak sa kaniya kahit pa tatay n'ya ang may kasalan sa pagkawala ng ama ko."
"Anong tatay n'ya? Akala ko ba hindi ka pa sigurado?" Hindi na s'ya nagsalita matapos 'yon. Umalis siya sa tabi ko at umupo sa tabi ni Chandra at doon din pumikit, humilig pa s'ya sa balikat ni Chandra kaya natawa ako.
"What are they doin'?" Tanong ni Seith na kababalik lang, may inasikaso raw kasi siya sa labas kaya naman nawala siya ng ilang oras.
"Ayan, pawala-wala ka eh. Nagkaayos na 'yong dala." Pagbabalita ko sa kaniya.
"Oh, really?" Tumingin siya roon sa dalawa at kunor noong bumaling ng tingin sakin. "Pero bakit ganoon ang pwesto nila?" Ramdam ko ang inis sa tono ng pananalita n'ya.
May kasalanan pa nga pala s'ya sakin no'ng napunta ako sa library. Oras na ata para gumati, "Nagkaayos na nga kasi sila, tapos nagkatuluyan na rin." Saad ko habang naglipigil ng tawa.
Napansin ko rin ang pagkuyumos ng kaniyang kamao habang hindi man lang inaalis ang tingin kay Gihhan na nakahilig sa balikat ni Chandra.
Nagsimula nang mandilim ang awra n'ya "Aalis muna ako, just call me if they are already done resting." Lumayas s'yang muli kaya naman hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.
'Tong mga 'to, nagpapakiramdaman pa eh. Hindi na lang umamin para isang bagsakan na. Kapag sila naunahan ng iba, ewan ko na lang.
"Hey, hindi ko gusto si Chandra. Ayokong mawalan ng ulo mamayang gabi." Nakapikit na saad ni Gihhan kaya mas lalo akong humagalpak ng tawa.
"Seeeith!! Iyong-iyo na! HAHAHAHAHAHA" Sigaw ko at muling humagalpak ng tawa, nawala bigla 'yong pagod ko.
"Btw, hindi na masama ang loob mo sa kaniya?" Saad niya habang nakapikit pa rin kaya naman umayos na ako ng upo at tumigil na sa paghagalpak.
"'Yong sa library ba?" seryosong tanong ko. Magpahanggang ngayon ay dadalawa pa lang kaming may alam ng tungkol doon. Hindi na ako nagkwento kay Chandra dahil may mga dala rin s'yang problema.
YOU ARE READING
Midnight University (ON-GOING)
VampirWhat do you think will happen if you're studying in the school that is rule(d) by strange creature ? (A/N: I rarely update this story due to personal reasons but- This story is not onhold anymore, I'll continue writing it na so, kajjaaa!)