-------꧁ꕥ꧂-------
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 20: The Book of Secrets.
CHANDRA'S POV.
Napakaweird talaga ng mga nilalang sa paligid ko. Ano ba naman iyan. Nakatulog lang ako, paggising ko nakabantay na sakin si Gihhan, tapos noong matutulog pa lang ako si Seith naman nakabantay sa akin. Mukha tuloy akong preso, kahit lumabas ay hindi ko magawa kasi nga raw bawal.
Ano ba kasing nangyari? Haist. Basta alam ko nagising ako sa hindi pamilyar na lugar tapos nakita kong may sugat si Maxine. Tapos mukha namang magkaaway si Gihhan at Seith. Ang gulo ng mga tao.
Bumangon ako mula sa kama at lumapit sa study table ko. Binuksan ko 'yong drawer sa ilalim noon at kinuha ko 'yong itim na libro na kailangan pa i-decode para lang mabasa ang laman.
Sinabi rin pala ni Mr. Raze sa akin kanina na may hinahanap si Maxine na libro, 'yong kulay itim daw na kakaiba. Wala namang ibang kakaiba sa mga nakita kong libro sa hidden library nitong bahay kundi ito lang.
Naalala ko ibinigay sa akin 'to nung impaktong si Seith noong araw na nawalan ng malay si Maxine. Itago ko raw sabi niya at kung sakaling may maghanap, 'wag ko ibigay? Pero si Maxine naman 'yon kaya go. Hindi naman siguro siya magagalit sa akin 'no? Oo, tama.
Naglakad ako palabas ng silid at sumilip-silip muna. Baka mamaya biglang sumulpot 'yong bwisit na 'yon malagot pa ako.
Nang makarating ako sa tapat ng ref sa kusina ay mabilis kong pinress ang button upang mabuksan 'yong library, dami kasing kaek-ekan, pwede namang kurtina nalang...
Tanga, Chandra. Edi hindi na secret library 'yon, huwag bobo self napaghahalataan.
"Charianiah"
Charianiah? Sino 'yon? Parang narinig ko na 'yon? Kaso parang katunog lang? Ha? Ay ewan.
Naglakad ako palapit sa kaniya habang dala-dala ang librong iyon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin madecode ng maayos ang mga nakatala roon.
" Ito ba ang hinahanap mo?" Agad siyang naggawi ng tingin sa akin at nakangiting kinuha iyon.
"C-Chandra?" Nauutal na saad niya, kita ko rin ang gulat sa mukha n'ya na parang hindi inaasahan na narito ako, pero bakit?
"May problema ba?" Tanong ko pero umiling siya.
"W-Wala, nagulat lang ako na nandito ka. Dapat magpahinga ka mun--"
"Hindi na, ayos na ako.--- Teka, ano ba kasing meron sa libro na 'yan?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong dahil parang may itinatago sila sa akin eh.
" Inutusan lang ako ni Mr. Raze na kunin 'to." Inutusan? Teka, ang alam ko siya naghahanap niyan, 'yon ang sabi ni Mr. Raze. Sino ba ang nagsasabi ng totoo?
"Ah." Tanging 'yon na lang ang naisagot ko. Hindi ko na rin alam ang nangyayari. Noong una, hindi nila sinagot 'yong mga tanong ko tungkol sa pagkawala ng malay ko. Tapos 'yong pagbabantay sa akin sa pagtulog at hindi pagpapalabas sa akin, tapos ngayon 'yong librong ibinigay ko kay Maxine. Napakagulo.
Lumabas ako ng library at unti-unting nagsara iyon, pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay napansin ko ang lungkot at pag-aalala sa mata ni Maxine, but why? Kahit isang clue wala ako.
Bumalik ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Hindi ko na nakakausap si Shaina. Hindi ko na rin nakuha ang ilang gamit ko sa dati kong kwarto.
YOU ARE READING
Midnight University (ON-GOING)
VampirosWhat do you think will happen if you're studying in the school that is rule(d) by strange creature ? (A/N: I rarely update this story due to personal reasons but- This story is not onhold anymore, I'll continue writing it na so, kajjaaa!)