Chapter 12

85 6 0
                                    

Truth be told, Placido really came back to me and embraced me. Alam niya yatang ayaw ni Lolo na nasa iisang kwarto kami kung nanliligaw pa lang siya kaya sa bermuda ng garden ni Lola kami nanatili. He even offered to cook our food in our kitchen. Pinayagan siya ni Lola at selos na selos pa yata si Lolo na namangha si Lola kay Placido. Parang mga tanga.

"Hoy! May sagot ka na?" tanong ng katabi kong si Dara. Kanina pa siya nangangalabit. Hindi ko alam panong hindi nakikita ni Sir.

"Wait lang. Ang hirap nito," I breathed out.

"Tangina. Bagsak talaga tayong dalawa."

"Shut up, please. Kapag tayo nahuli ni Sir, hindi lang tayo bagsak. Bakit ka kasi nag-ABM, 'di ba? It's your fault in the end."

She playfully flipped her hair.

"Sabi kasi ni Garnett, plus saka minus lang daw. Ang gagong 'yon."

I chuckled. "Ba't ka naniniwala?"

"Mahal ko, e."

I bit my lower lip to stifle a laugh dahil baka marinig kami ni Sir. Hindi ko na sinagot si Dara dahil busy ako sa pagsasagot at pagcalculate sa calculator ko.

"Pakopya, ah?"

Umiling ako. "Don't disturb me. Kapag ako namali, walang saysay ang pagkopya mo. And, sana nagtanong ka sa iba pagpasok pa lang. Wala akong ginawa sa semestral break kung hindi ang matulog at kumain."

"Joke lang naman! Hindi ako mangongopya, 'no. Sayang 'yong brain ko kung hindi ko gagamitin. Duh," aniya at tumahimik na.

I thanked her for the silence.

Kakabalik lang ng klase tapos ang dami agad na problema. Dagdag mo pa 'yong accounting. Kung nag-HUMSS na lang ako. Someone told me kasi that ABM was easier and one of my dream profession was accounting kaya go agad ako sa ABM. Kung alam ko lang na this was what they called easy.

Pagod ako nang lumabas pagkatapos ng klase at naiwan yata ang utak ko sa loob ng classroom. Kakabalik lang namin after sembreak tapos sinalubong agad kami ng bilyon-bilyong activities.

"Sumakit ulo ko sa stats," reklamo ni Dara.

I pouted. "Mas masakit sa ulo 'yong general math. Saka accounting. Tapos katamad magbalance. I almost forgot my calculator sa pagmamadali earlier."

"Kapag nagkaanak ako, tuturuan ko kaagad ng accounting para 'di na mahirapan," she said and linked her arm with mine. "Okay lang na laging puyat, may halik namang nakaabang."

Napatingin sa amin ang ibang nasa hallway dahil napalakas ang pagkasabi ni Dara. I pinched my nose in embarrassment for my cousin. Tumawa lang siya at walang hiyang nag-flying kiss pa.

"Parang sira 'to," I muttered because she kept on sending kisses to every students we met. Not sure if Garnett would going to like it.

"Mukha lang akong kalmado pero nayayanig na utak ko sa papalapit na finals. Next sem, may work immersion na tayo. 'Yong research ko, walang sense."

"I think the school will have something like bazaar for a week. That will be our work immersion. Hindi katulad sa ibang school. Sa school lang yata tayo magbi-benta."

She rolled her eyes. "Boring naman."

Noong grade 11 ako, hindi masyadong mahirap ang first semester para sa 'kin pero sa second semester, minsan ay umiiyak ako lalo na kapag hindi pumapasa 'yong score ko sa examination. Ngayong grade 12 na ako, araw-araw yata akong puyat kakasolve tapos mali naman. What more sa second semester?

How to graduate without doing something ba?

Going to school was tiring but whenever I thought of my family and their sacrifices, I realized that I had no right to give up when they didn't. Kaya kahit tinatamad, kakayanin.

Broken To Make WishesWhere stories live. Discover now