Blood was one of the things I hated the most. I hated blood. I hated its metallic taste and smell. I didn't feel dizzy nor faint. It's not something scary, like I was somewhat a vampire or such. They didn't even exist. It's not a phobia.
At siguro, ang nangyaring away ay isa sa rason kaya umiiwas si Placido sa mga lalaki at sinasama ako sa pag-iwas niya? Na baka maisip ng babaeng girlfriend ng lalaki na nilalandi ko ang boyfriend niya?
Excuse me, I was not malandi!
Umikot ang mga mata ko nang mas lumakas ang iyak ni Bloom. Mag-artista ka na lang kaya?
Kanina pa kami nakaupo sa harap ng guidance counselor. Ang prefect na tumigil sa away kanina ay nanatili roon para pagsabihan ang mga estudyanteng nakakita na walang ginawa. Sa tabi ng guidance counselor nakatayo ang class president namin. Si Ma'am Lim naman, na nagpauwi sa amin ng maaga, ay nakaupo ng tahimik sa sariling upuan niya. We're only waiting for our homeroom teacher.
Sa harap ko ay si Bloom na umiiyak. Sa tabi ni Bloom nakaupo si Jasper na pinapatahan ang girlfriend niya. Sa likod nilang dalawa nakatayo ang dalawang witness sa nangyari. Next to me was Dara na kanina pa nananalangin na sana hindi ipatawag ang parents namin. I was with her in her prayer. Sa likod naman naming dalawa nakatayo sina Placido at Haynes. Ang unfair nga kasi 'di kasama 'yong iba naming kaibigan na nandoon din sa away.
When the door opened, I straightened. Miss Elena, our homeroom teacher, looked disappointed. Lumapit siya at umupo sa nakalaang upuan para sa kaniya. She cleared her throat and apologized to the guidance counselor for what happened.
"Okay. Before we proceed to your punishment, can somebody tell me what really happened?" panimula ng guidance counselor.
Mahinang nagmura si Dara nang ipinakita ni Bloom ang mga kalmot niya na sigurado akong galing sa kaniya lahat. I was kind of worried because Dara had... long nails.
"Eirlys was flirting with my boyfriend! I saw them, Ma'am!" she yelled. Namumula ang mukha niya sa galit at kakaiyak.
"Huwag ka ngang bintangera, ingrata ka! Boba ka ba? Mas mukha ka pang malandi kay Eirlys Sitara!"
"Miss Vista..." babala ng guidance counselor.
Dara rolled her eyes before shutting her mouth. I stifled a laugh dahil hindi ngayon oras para tumawa, lalo na't mukhang galit talaga ang guidance counselor sa nalaman na rason ng pag-aaway.
"So, who's your boyfriend, Miss Young? Is it Mr. Lavarias?"
My eyes widened.
For the love of God! Hindi ba malinaw sa mga mata ng guidance counselor na si Jasper ang katabi ni Bloom at hindi si Placido? Future boyfriend ko si Lavarias, hindi boyfriend ni Bloom!
"Tangina. Papatol ka sa bobong 'yan, Sid?" baling ni Dara kay Placido. Humalakhak pa.
"Miss Vista, you're inside my office. I can clearly hear you and your dirty mouth. If you don't stop cursing, I might call your parents and talk to them about it."
Dara quietly snorted. Bumubulong-bulong siya na sobrang makaluma raw ng mga tao sa paligid niya. Natigil lang siya nang may kumatok sa pinto ng office at bumukas ito. Pumasok ang lalaking prefect at yumuko ng isang beses pagkatapos ay lumapit.
Napalingon ako kay Dara na kumalabit sa akin.
"Punyeta. May dumi ba ako sa mukha, Eirlys Sitara?" aniya habang pinapatingin sa akin ang mukha niya pero ang tingin niya ay nasa prefect.
I snickered. "May kalmot lang."
"Nakakahiya naman. Sa gulo ko pa talaga siya nakita ulit. Tapos... shit naman talaga! Ang pangit-pangit ko siguro ngayon kasi sabi mo may kalmot, 'no? Kakalbuhin ko talaga 'yang si Pamumulaklak. Yawa siya."
YOU ARE READING
Broken To Make Wishes
RomanceFor someone who knew how to play with words, love was meaningless when loyalty was gone and trust was broken. Eirlys Sitara Fontanilla's fondness of words made her overthink of things that wouldn't even happen. Her life was far from perfection but...