"Kumalma ka nga! Parang hindi mo pa kilala sina Lolo kung maka-akto ka d'yan. You're not going to ask them for my hand in marriage, Placido! You're just going to ask permission if it's okay na ligawan mo ako!"
Placido frowned at me. Inayos niya ang kaniyang stripes na tee shirt. He's pairing it with his ripped jeans and white sneakers. Dahil kulot ang buhok nito ay kahit anong suklay niya para hindi magmukhang magulo ay magulo pa rin. Nagsuot pa ng relo.
"The next time I'll ask something from your family, it's going to be your hand, Lyss," he said while spraying his manly perfume.
I chuckled.
"Pwede ko namang putulin ang kamay ko para sa 'yo. Hindi na kailangan ng permiso."
Natigil siya sa paglalagay ng perfume dahil sa sinabi ko. Tumawa ako at lumapit sa kaniya. Tumingkayad ako para maabot ang buhok niya at inayos ito. It's getting longer. Nagtaas siya ng isang kilay sa ginagawa ko.
"Akala ko talaga ay hindi ka manghihingi ng permiso sa pamilya ko. And instead of flowers, you brought me a love letter. Really? I didn't know you're into that courtship, Architect."
Ngumisi siya at itinabi ang perfume niya. Hinawakan niya ang baywang ko para suportahan ang pagtingkayad.
"You're into traditional courtship, Miss."
I pouted.
"So... ginagawa mo lang ito because I'm into traditional courtship? Is that it, Architect?"
"Is not it, Miss. This is how I court you."
Umayos ako ng tayo at tinaasan siya ng isang kilay. Humigpit ang hawak niya sa baywang ko at mas inilapit pa ako sa kaniya. Inatake ng panlalaki niyang pabango ang ilong ko... and it's hypnotizing me.
"Ganito mo rin ba niligawan iyong mga ex mo?" hindi ko napigilang maitanong.
"I said you, Lyss," aniya at hinalikan ang noo ko. "I never courted any other girls except you. Ikaw ang unang babaeng nililigawan ko... at siguradong papakasalan."
"Shut up. You're saying it like it's a promise."
Ngumisi siya.
"It's a promise. I'm going to change your surname, someday. From Fontanilla to Lavarias."
Wala sa sarili akong tumango-tango. Eirlys Sitara Lavarias sounds beyond beautiful...
Pagkarating namin sa bahay ay nakaupo na sina Lolo sa usual seats nila tuwing kumakain, nag-aantay. Nagulat pa ako nang nakita si Dara doon. I was told by Lola that Mama would go home this Saturday for whatever reason kaya kay Lola at Lolo pa muna manghihingi ng permiso si Placido. Like I wouldn't let him court me if my grandparents wouldn't let him.
"Upo," malamig na saad ni Lolo.
My forehead creased when Placido calmly sat next to my usual seat like he didn't tell me earlier about how my Lolo looked mad with everything. Nilapag niya ang dalang pagkain sa mesa. Inagaw ko naman sa kaniya ang bulaklak na binili para kay Lola dahil ayaw ni Lolo na may kung anu-anong katabi ang pagkain.
Sa kaliwa ko ay si Placido. Sa kanang dulo nakaupo si Lolo. Sa harap ko naman ay si Lola at sa tabi niya ang nakangising Dayanara. Sa kabilang dulo naman tahimik na nakaupo si Eirian. Plates and foods were placed in the table pero wala pang gumalaw no'n.
"Nililigawan mo ang apo ko?" panimula ni Lolo.
"Opo," sagot ni Placido at ngumiti. "Kung ayos lang po iyon sa inyo."
I bit my lower lip when I felt someone kicking my foot. Nag-angat ako ng tingin kay Dara dahil sigurado akong siya iyon. Sa ngisi niya pa lang ay alam ko na. Saka, hindi naman pala-sipa ang ibang kasama namin.

YOU ARE READING
Broken To Make Wishes
RomanceFor someone who knew how to play with words, love was meaningless when loyalty was gone and trust was broken. Eirlys Sitara Fontanilla's fondness of words made her overthink of things that wouldn't even happen. Her life was far from perfection but...