Chapter 02

183 4 3
                                    

The arm on my shoulder felt so heavy. Parang may karga akong isang sakong bigas sa bigat nito. Hindi tuloy ako makalayo dahil halos hindi ko maalis ang braso sa balikat ko.

I didn't know what's with this guy pero nang natapos kaming kumain ay bigla niya akong hinila palapit sa kaniya at nilagay ang braso niya sa balikat ko. I complained but he didn't listen! I asked what his problem was but he didn't answer! Gulo niya!

"Alam mo. Mukha kang bakla," bulong ko pagkatapos ay umirap. Kanina pa siya umiiwas sa mga lalaki. Matalim din ang tingin niya sa mga ito.

"How can you say so?"

Umirap ulit ako.

"Because... you're avoiding boys like you are afraid you will fall for them."

Mahina siyang humalakhak at mas inilapit pa ako sa kaniya.

"If I'm a gay, Lyss, hindi dapat ako umiiwas sa mga lalaki."

"Well, just so you know... some gays avoid boys because they want to prove somebody that they're a man and not someone who likes men. Kasi takot silang husgahan ng mga tao. Kasi takot silang hindi tanggapin ng mga tao sa paligid."

"Uh-huh." Tumango-tango siya na parang naiintindihan ako. "May kilala ka bang bakla?"

"Oh, bakit? Mamamakla ka?"

He laughed at my remark and pinched my cheek. Iniwas ko ang mukha ko sa kaniya dahil mamumula na naman ito kaka-pisil niya. Pasalamat siya't gusto ko siya!

Pagkarating namin sa classroom ay halos walang tao sa loob. Hindi umabot sa sampo ang mga estudyante sa loob. Even though it's almost seven, the school was usually quiet. Dahil siguro first day ng klase.

"Taray. Magkasama na naman," si K, a friend.

I pouted and got my bag from Placido. Nilapag ko ito sa mesa ko at umupo. Katabi ko si Miles, kaibigan ko rin. I was about to get my cell phone inside my bag when Dara, my cousin, stopped my hand. Tumingala ako at pinagsingkitan siya ng mga mata.

"No cell phone policy. Maglaro tayo kasi inip na inip na ako!" aniya at hinarap ang mga kaibigan.

Ngumiwi ako at sumabay na lang. They formed a small circle. Lahat sila ay mukhang gusto pang matulog, ayaw pa yatang may pasok na. Kulang pa yata ang ilang buwang bakasyon. Well, kulang din sa akin but what's the use of complaining?

K and Phil had almost the same features. Matangkad, at mukhang masungit. Morena silang dalawa, unlike Dara and me. May pagkapayat. Their hair, including Dara, were wavy and short. Kulay-kape ang kay K at Phil habang itim naman ang kay Dara. The two of them were almost always in the guidance office dahil laging nasasangkot sa mga away babae. Minsan ay nasasama si Dara.

Meanwhile, Haynes, Miles, and Noble were perfectly different. Haynes and Miles were both tall while Noble was a petite man, but taller than me. Haynes and Noble both looked soft while Miles looked rough. Moreno si Haynes at Miles habang may pagkaputi naman si Noble. Ang pinakamaingay sa aming grupo ay si Haynes. Laging tulog naman si Miles. At si Noble ay libro ang pinakamalapit na kaibigan.

And then there's Placido...

I never heard someone saying that Placido was unattractive. Even my friends said that he's hypnotically handsome.

Ang kaniyang medyo kulot na buhok ay kulay-kape. It's gorgeously hot and messy, that I wanted so bad to ruffle it. His onyx eyes were always bewitching to me. I was always lost in their labyrinths. Just like mine, his brows were thick and dark but they appeared to be ferocious on his. His lips, on the other hand, looked so soft. His biceps were noticeable, halatang babad sa gym. And he's, sort of, moreno.

Broken To Make WishesWhere stories live. Discover now