Chapter 14

81 6 0
                                    

With so much force, binawi ko ang kamay ko kay Placido nang nakalabas na kami. He's breathing heavily and he looked like he's ready to murder someone, never mind the consequences. His jaw clenched at my move. Hinayaan niya akong makawala sa kaniya pero nang humakbang ako pabalik sa loob ay hinawakan niya ulit ako, mas lalong nagalit.

I gasped.

"Why don't you explain every single thing, Placido Lleu?"

"You won't understand, Lyss."

I sneered. "Then make me understand! Why the hell did you punch Sorin? I'm sure it's you who punched him. Sino pa ba, huh? Sabihin mo kung bakit. Kaibigan ko rin 'yong tao, Placido."

Umiling siya at hinila ako paalis. Napairap ako at nanatili sa tinatayuan. Hindi naman kasi niya ako buong puwersang hinihila kaya tumigil siya nang napagtantong hindi ako aalis. Tinignan niya ako at bumuntong-hininga.

"Lyss, I don't want you to end your damn friendship with Sorin, so fucking please..." he pleaded. Mukha siyang namomroblema na galit.

"No," I replied. "Sigurado akong kung anong rason iyon, hindi ito magiging sanhi ng pagtatapos ng pagkakaibigan namin. Sorin's a good guy."

He chuckled. "Really, huh?"

Namilog ang mga mata ko at pinagdikit ang mga labi. With the chuckle, it sounds sarcastic!

"Alam mo, kung ayaw mong sabihin, e 'di 'wag! Maybe you're afraid to tell me everything because it's you who started the fight, not Sorin! You brutish coward!" akusa ko dito at inagaw ulit sa kaniya ang kamay ko. When he let go of me, agad akong nagmarsa palayo.

Bumalik ako sa coffee shop at inayos ang mga gamit. Iniwan ko ang mga tirang pagkain sa mesa at nagpasalamat sa taong nagbantay. Paglabas ko ay nag-aantay si Placido sa labas. He's not alone, though.

"Hatid na kita—"

Nananuya ang tawang lumabas sa bibig ko na nagpatigil sa kaniya sa pagsasalita. His jaw tightened. The corner of my mouth quirked up.

"I don't know how to thank you for that, Lavarias, but well... I have my own feet. As you can see, if you're not blind. I can walk alone," sabi ko. I nodded at some friends before walking away.

Ulol. Kung ayaw mong sabihin, magdusa ka.

Nakauwi akong hindi na nilapitan pa ulit ni Placido. He's walking meters away from me. Sumunod siya pero hindi na lumapit. I gave him a knowing look before entering our house.

When I saw my phone, I thought I should call Sorin to ask him if he's fine or treated by now but I wouldn't ask him what really happened. Si Placido ang gusto kong magpaliwanag dahil siya naman ang nanakit. But I thought, it was not the time to call Sorin, especially because of what happened earlier. Baka mapunan lang ang pasa niya.

Sorin Mallari was seriously bulkier than Placido, maybe because of the age. Pero nakakalitong may sugat siya tapos wala yata si Placido. Didn't he know how to punch? Bahag din ba ang buntot niya?

I groaned and grabbed my towel to wash myself. Pagkatapos magligo at magbihis sa simpleng oversized shirt at pull-on shorts, pumunta akong garden ni Lola sa bakuran lamang ng bahay para maibaling sa ibang bagay ang pag-iisip ko.

"Hi, Ate ko!"

Eirian waved her hand. May hawak siyang lapis at may dinodrawing yata.

"You looked stressed. It made you look older than your age," she added.

Umirap ako at hindi siya pinansin. Pinulot ko ang nakakalat na broom stick sa bermuda at nagwalis. Ramdam yata ng hangin ang galit ko kaya inihip nito ng malakas ang mga dry leaves ng punong nakatanim sa bakuran ng bahay namin. Maraming nahulog kaya may lilinisin na ako.

Broken To Make WishesWhere stories live. Discover now