Chapter 13

24 5 0
                                    

Chapter 13

"Hindi pa rin kayo nag-uusap ni Viel?" tanong ni Joshua habang kumakain kami sa may canteen. Hindi namin kasabay si Cara kasi may date na naman siya. Ang alam ko ay kinukulit pa rin siya ni Theo. Nakaka-guilty tuloy dahil kahit hindi sabihin sa akin ni Cara, alam kong umiiwas siya dahil sa akin. Mas pinili niya ang friendship namin at feelings ko kaysa sa sarili niya. Hanggang ngayon ay nagdududa pa rin siya sa relasyon namin ni Viel e. Pilit niya akong hinuhuli kahit wala naman akong itinatago. Genuine ako sa pagbibigay ng chance kay Viel at totoong mahal ko na siya. It took me a while to accept that kasi what's the point kung itatangi ko? Gusto rin naman ako ni Viel... dati. Nagdududa na ako ngayon e.

"Okay naman siya noong hindi pa kami e. Noong sinagot ko na siya parang nawala na. I don't know. Hindi ko na rin masyadong iniisip."

Aminado naman ako na mali ako na hindi ko siya kinausap bago mag new year pero may reason naman ako at ipinaliwanag ko na 'yon. Saang parte ba ang hindi niya maintindihan? May sakit ang Mama ko. Stage 4 na and she's dying. Kailangan ako ng mga kapatid ko.

He's my first boyfriend. Hindi ko alam kung alin ang tama or mali sa relasyon namin. Nangangapa pa ako sa mga dapat gawin. Hindi ko alam kung tama na hindi ko siya pinapansin ngayon. Pero kasi naman e! Hindi rin siya nagpaparamdam.

"Ang gulo naman ng relasyon niyo." Hindi ko na kinontra ang sinabi ng kaibigan ko. Totoo naman kasi.

"Bahala siya. Basta ako, may mas importante akong inaasikaso at mas dapat paglaan ng oras ko kaysa magmukmok dahil lang sa hindi siya nagpaparamdam."

I still love him though. I just don't have time na maghabol sa kaniya or magmakaawa na bigyan ako ng oras kasi alam kong nagkukulang din ako na bigyan siya noon.

Pagkatapos ng klase ay kaagad akong dumiretsyo sa bahay. Hindi na bumalik ang mga kasambahay namin simula nang umalis sila noong nakaraan for some reason. Walang nabanggit si Lolo Fidel at Tito Fil tungkol doon. But because of that mas nadagdagan tuloy ang trabaho ko sa bahay.

"How are you, Ma?"

"I'm fine. Don't worry about me." Sagot niya mula sa kabilang linya ng tawag. Bakas sa boses niya ang panghihina kaya hindi ko maiwasang pangiliran ng luha. "Kayo ang iniisip ko d'yan. Si Viviane?"

"Maaga ko pong pinatulog si Viviane. Dale is in his room. Kumain na rin po kami ng dinner. Viviane requested a fried chicken so I cooked some. But you know that Dale don't like to eat without vegetables because he's super health conscious that's why I cooked his favorite Sinigang." Sunod-sunod ang patak ng luha ko habang nagku-kwento sa Mama ko but I didn't let myself stutter.

"Are you tired?" I want to say yes when she asked that but I didn't.

"I love cooking, Ma. You know that." Peke akong tumawa sa kabila ng patuloy na pagpatak ng mga luha ko. "Hindi ako napapagod. Hindi naman din po mahirap alagaan ang mga kapatid ko. So don't worry about them. They're fine."

Naputol na rin naman ang usapan namin ni Mama nang may dumating na nurse. Dahil kasama ko si Viviane sa kwarto ko, nagpunta muna ako sa banyo para ro'n umiyak. Ayokong magising si Viviane sa iyak ko.

"Hello, Kuya Jackson?" I really don't know what to do that's why I decided to call Kuya Jackson.

"Bakit napatawag ka? May problema ba?"

"Kuya I badly need your help. Puwede bang sa 'yo muna si Viviane? Hindi ko kasi siya masusundo e. Si Dale naman may meeting. Please Kuya."

"Pasensya na. Wala ako sa Tuy ngayon e. Kasama ako ni Sir Albert sa Zambales."

"Okay kuya, thank you pa rin. Ingat kayo d'yan."

My research groupmates are already mad at me. Palagi kasi akong wala sa mga meetings at hindi pa ako masyadong nakakatulong sa kanila kasi sobrang busy ko. This is my last chance dahil mukhang tatanggalin na talaga nila ako. Ayoko naman bumagsak. Major subject pa naman 'yon. I really don't know kung sinong hihingian ko ng tulong. Busy rin si Joshua at Cara. I can't contact Annavel.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now