Charlotte
"Congratulations, Charlotte!!!"
Nakakabinging tili ni Dana. Parang sya pa ang tuwang tuwa na tumatalon pa talaga. Jusko. Nakakahiya! Nakatingin na kasi ang ibang tao sa amin.
"Ssh! Tumahimik ka nga!" Hinawakan ko na sya sa balikat para matigil sya sa paglilikot. "Dana!"
"I'm just happy! Finally, Charlotte!"
Nakakatuwa. Kasi bukod sa pamilya ko, ay mayroong isang tao na masaya sa nagong step ng buhay ko. Ang makapag aral ng kolehiyo. Dati pangarap ko lang makapag asawa ng mayaman para maka ahon sa hirap. Pero simula ng makilala ko si Dana, tinuruan nya akong humiling at mangarap sa ibang paraan.
Kahit kailan ay hindi ko naisip na mag-aral ng kolehiyo. Pero binigyan ako ni Dana ng pagkakataon.
Na kung gusto mong matupad ang pangarap mo, gawin mo ito ng tama at walang shortcut.
"Thank you.." Sincere na sabi ko sa kanya. Naiiyak ako. Kasi makakapag aral na ako. "Maraming salamat."
"Eeh! Wag kang iiyak! Dapat happy lang tayo okay?! Shiny!"
"Baliw ka!"
"Dahil nakapasa ka sa entrance exam, ililibre kita ng kahit ano sa Sweet You." Alok nito. Eh sya naman lagi ang nanlilibre sa akin eh.
"Sige. Ang mamahal ng mga benta nila kaya susulitin ko hehe."
"Let's go!" Hyper na bata to. Sumunod ako sa kanya papasok sa magarang itim na kotse. Ibang klase talaga kapag sa magandang kompanya ka nagtatrabaho, Tingnan mo at may kotse na nagagamit si Dana. May driver pa. At hindi lang ito basta kotse. Mas maganda pa ito sa kotse ng mayor namin eh.
Tahimik lang naman kami sa byahe. Napagod siguro sa paglilikot itong bata haha. Pagdating namin ay napansin ko agad ang napaka gandang pulang sasakyan. Ito ba ang tinatawag nilang sports car? Parang dalawang tao lang ang kasya dito ah. Naku hindi to pwede pang pamilya. Ang ganda! Kumikinang pa!
"She's here." Narinig kong sabi ni Dana at nauna na itong bumaba kaya sumunod ako. Nagmamadali kasi itong pumasok. Malakas na binuksan pa ang pinto. Kaya napatingin sa amin ang mga tao sa counter. "Heaven!" Malakas na tawag nito kay Heaven na parang malaki ang problema ngayon, pero nang makita si Dana ay parang nakahanap ito ng kakampi. "Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Dana.
"O-of course." Parang napilitan pang sagot ji Heaven. Tumingin ito sakin. "Akala ko ba pupunta kayo ng school?" Tanong nya.
"Galing na kami dun. Dumiretso lang kami dito just to see you. I miss you kaya." Nakangiting pang sabi ni Dana.
Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya. Akala ko pa naman kaya kami pumunta dito para magcelebrate. Para lang pala makita si Heaven. Nakaramdam ako ng kakaibang kirot at lungkot.
Ngayon ko lang napansin ang napakagandang babae na masama ang tingin kay Dana. Matangkad ito at sexy. Hot. Itim ang buhok nito na hanggang balikat. Sobrang puti at sure akong malambot ang balat nito. Napakagandang mga mata, matangos na ilong at nakaka akit na mga labi. May hawig ito kay Winter. Sobrang ganda! Kahit siguro pagsama samahin ang itsura ng mga kaibigan ni Dana ay hindi papantay sa ganda ng babeeng ito.
"May gusto ba kayong kainin?" Tanong ni Heaven.
Ngayon lang bumaling sakin si Dana. "What do you want, Charlotte?"
"Kahit ano." Sagot ko. "Mauna na akong maupo ha. Hintayin nalabg kita." Nagmamadali akong humanap ng pwesto. Feeling ko kasi maiiyak ako sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Stars For Wishes (GxG)
Romance(COMPLETED) "I can give you everything, I can take you to the most beautiful islands, I can make your dreams and ambitions come true with just a lift of a hand. Choose me Charlotte, and I promise, I will take you to the ends of the earth.." -Dana Sp...