Last Part

2.7K 128 6
                                    

Charlotte

"Charlotte!!!"

Napailing ako habang hinihintay na makalapit ang makulit at hyper na si Dana. Ang aking isip batang asawa. Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Biruin mo yun, apat na taon na kaming nagsasama pero ganyan pa rin siya? Patalon itong yumakap sa leeg ko at pinaghahalikan ako. Nakakahiya naku po. 

"Graduate ka na, mahal ko!" Daig pa nya sina nanay at tatay na nakangiti lang sa likod nito. "Yehey!"

"Dana!" Saway ko dito. "Manahimik ka muna, nakakahiya oh." Tinuro ko pa ang mga taong napapatingin sa amin. Ang iba nga ay natatawa na. "Baka isipin nila na abnormal ka."

"Hey, you're bad!" Sumimangot ito. "Inggit lang sila." Hinawakan ako nito sa kamay at hinila palapit kina tatay.

"Congratulations, anak." Yumakap sakin sina tatay at nanay. Simula ng ikasal kami ni Dana ay dito na sila nanirahan sa Maynila kasama si Charity. Yung dati kong bahay ang tinitirhan nila. Samantalang ako ay nakatira sa mala-palasyong mansyon nina Dana. 

Nung una ay talagang nanibago ako. Pano ba naman, san ka ba nakakita ng bahay na may elevator? Binili niya iyon noong ikasal kami. May dati daw silang bahay pero ibenta na niya yun at bumili ng bago. Ang sabi niya, ako daw ang reyna kaya dapat na sa palasyo ako tumira. Ay jusko naman, napakaraming kasambahay at bodyguards! Hindi reyna ang dating ko eh, parang preso. Char lang. 

"Pano ba yan ate? Pwede na kayong nag-anak!" Biro pa ni Charity na sinundot sa tagiliran si Dana. 

Ang usapan kasi namin ni Dana, pwede lang kaming mag-anak pagkatapos ko ng college. Pagtingin ko kay Dana ay may nakakalokong ngiti ito. Ang totoo niyan, siya ang nakaisip nun. Gusto daw niya kasing matupad ko muna ang mga pangarap ko. Kaso napaka OA at magastos siya. May yate na nga, bumili pa ng chopper. Anong gagawin namin dun? For emergency daw. Pero masaya ako sa kanya. Parang never pa kaming nag-away kahit isip bata siya.

Next month ay pupunta kami ng Japan para sa kasal nina Winter and Sky. Mabuti nga at hindi na nagtatampo si Dana kay Winter. Hindi kasi ito nakapunta noong ikinasal kami. Aba dapat hindi na talaga siya magtampo kasi pumayag naman si Winter na ibenta sa kanya ang hacienda. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa karangyaan nitong si Dana. Buti nalang palagi pa rin kaming may stocks na lucky me sa bahay at kumakain pa rin kami ng isaw. 

"Oo naman Charity. Sisimulan na namin gumawa mamaya-ouch! Charlotte!"

"Bunganga mo Dana." Saway ko. Aba kung diko pa siya pinigilan ay baka pati sex life namin ay ikwento pa niya. Tsk. "Tara na. Ilibre mo kami." Ako na mismo ang yumakap sa braso niya. 

"Ikaw naman, Charlotte. Ginawa mong bata si Dana. Syempre normal sa mag-asawa yun." Sabi ni nanay. 

"Oo nga po nanay." Ay nakahanap ng kakampi? Naglalakad na kami patungo sa sasakyan nito.

Nang makasakay kami ay tumahimik na ito. Buti nalang. Sabi ni Dana, pupunta daw kami sa hacienda mamaya after ng lunch. Sa yate nalang kami sasakay. Pwede naman sa chopper, kaso ayoko naman at baka mahimatay ako sa nerbyos ano. Nang makarating sa restaurant ay may nakahanda ng mga pagkain. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko. Hay naku. Ang dami na namang lalamunin namin.

Oo nga pala, si Sean at Dana ay naging close after ng insidente noon. Si Sean na ngayon ang namamahala ng mga private schools ng mga Ohara. Wala daw itong interes sa kahit anong posisyon sa kompanya. At siya talaga ang naging bestfriend ko. Minsan nagpuphnta siya sa mansyon para manggulo lang. 

Marami na rin ang nangyari pero feeling ko parang kahapon lang ang lahat...

-----

Mula dito sa upper deck ay natatanaw ko na ang liwanag na nagmumula sa hacienda. Malamig ang hangin at dama mo na talaga ang amoy ng probinsya. Fresh. Napangiti ako nang maramdaman ang pagyakap ng mga braso sa beywang ko mula sa likod. 

Naalala ko lahat ng mga pangarap ko noon. Mula sa makasakay sa yate, makapag aral at makarating ng Maynila. Hanggang sa makarating sa mala-paraisong lugar na ito. Tinupad lahat iyon ni Dana. Napatingin ako sa langit. Napakaraming mga bituin. Katulad noong gabing nagtagpo kami ni Dana ilang taon na ang nakakaraan.

"I'm surprised you didn't make a wish, Charlotte." She said softly. Nasabi ko kasi sa kanya na noong bago ko siya makita, ay humiling ako sa mga bituin.

"I am so happy I couldn't think of anything to wish for, Dana." Humarap ako sa kanya at hinalikan siya. 

"That night, when you first saw me.. What did you wish for?" 

Iniyakap ko ang mga braso sa leeg niya. "Dana Spencer, It just came true.."

Tama. Kaya wala na akong mahihiling pa. Basta kasama ko siya, kontento na ako. Masaya na ako. Dahil siya mismo ang pangarap ko...

-----

💙💙💙Thank You💙💙💙

Stars For Wishes (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon