Chapter 3

2.4K 135 5
                                    

I really love their story! As in!

Charlotte

"Are you sure you're okay?"

Ilang beses na ba nyang naitanong yan? At nakakailang kamot na din ako sa ilong ko kapag nag ienglish yang Dana na yan. Day off ko ngayon sa pagtitinda kasi kailangan ko syang samahan sa center para ipatingin yung sugat niya. Kaya imbes na gulay ang sakay ko sa sidecar ko, sya ang nakasakay. Akala yata nitong bansot na to na hindi ako sanay magpaandar. Tsk. Hindi naman gaanong malayo yung bahay sa center eh. Konting pawis lang at andun na kami. Medyo namumula na din itong kasama ko dahil sa init eh. 

"Magkano ba babayaran natin dun?"

"Libre na nga yun." Kulit naman eh. Libre na nga yun kasi nagbigay na ako ng gulay kahapon. "Bakit may pangbayad ka ba kapag siningil tayo?"

Natigilan naman ito. At pagkatapos ay umiling. "Wala akong pera."

"Pareho tayong walang pera."

"Seryoso?"

"Ay naku libre na nga yun eh." Isang tanong pa at ihuhulog ko ito sa kanal. "Bakit ba ang daldal mo?"

Pero hindi ko na sya hinintay makasagot kasi nakarating na kami dito sa center. Tinabi ko lang dito sa may gilid yung sidecar at sinenyasan ko syang bumaba na. Mabuti naman at nanahimik na ito hahang papasok kami. 

"Pinalista ko na dito yung pangalan mo kahapon. Hindi ko alam ang apelyido mo kaya apelyido namin gagamitin mo okay?"

"Sige lang." 

"Charlotte!"

Napangiti ako nung makita ko si doktora, ang nag iisang doktor dito samin. Mabait naman sya, tignan mo nga at kalabasa at sigarilyas lang binayad ko sa kanya. "Doktora! Magandang umaga." Hinila ko si Dana. "Ito yung bisita namin."

"G-good morning po."

"Good morning. Sige halina kayo sa loob." Halos magkakasabay kaming pumasok sa loob ng clinic nito. Naupo lang ako sa katapat na upuan ng table nito habang pinapanood na alisin yung nakabalot na tela sa ulo ni Dana. At nang maalis ay tumambad ang hindi naman gaanong malaking sugat sa noo nito. Nilinis lang ito ng alcohol at pagkatapos ay betadine. May ipinahid dito si doktora na hindi ko alam. At pagkatapos ay nilagyan na nya ng bandage. "Take off your tshirt." 

"Okay po." Okay daw pero hindi naman ito gumagalaw. Tumingin ito sakin. 

"Bakit ka tumitingin sakin? Di mo kayang maghubad?" 

"Wag kang tumingin."

"Arte! Nakita ko na yan, ako nagbihis sayo nung wala kang malay kaya wag ka na pabebe. Sige hubad!" At gusto ko talagang matawa sa mukha nitong namumula. 

"Sige na, Dana, wala naman malisya." Sabi ni doktora. 

Walang nagawa ang bansot kundi ang maghubad ng damit. Tinulungan sya ni dok kasi hindi nito masyadong maitaas ang kaliwang braso. Dahil siguro sa sugat nito sa balikat. Kitang kita ang maputing kutis nito. Maputi din naman ako pero iba yung kutis niya, parang namumula kasi ito. At parang makinis. Tumambad ang sugat nito sa kaliwang balikat. 

"Mabuti nalang at daplis lang ito." Sabi ni dok.

Hanggang ngayon palaisipan pa sakin ang nangyari sa babaeng ito. Bakit sya tumalon sa bangin? Hakit may sugat ito sa ulo at may tama pa ng baril? May gusto bang pumatay sa kanya? Kung taga Maynila sya, bakit sya narito sa lugar kung saan sobrang layo sa lugar nila? Matapos linisan at gamutin ang sugat nito ay nagbihis na ulit ito. Nagbigay din ito ng gamot na pwedeng inumin ni Dana. Hays mabuti nalang at napakabait ni doktora. 

Stars For Wishes (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon