Happy New Year! Kumusta putukan? Hahaha 😂
Dana
"Good morning." Masayang bati ko kay Winter na seryosong umiinom ng kape. Ito yata ang ikatlong araw namin dito. Buti nalang pumayag sya na samahan ako. Matalino naman sya, makaka graduate sya kahit one week syang hindi pumasok. Si Winter pa ba? Hahaha. Naupo ako sa katapat nyang upuan.
"Morning." Simpleng bati nya.
Alam ko naiisip nya. Na sobrang busy ko pero naisip ko pa din maglayag sa dagat. Kaya nga binitawan ko na ang St. Michael para makapag focus sa kompanya. Buti nalang naintindihan ako ni Winter. Gusto ko din naman mag enjoy. Wala na nga akong love life pati ba naman social life mawawala na din? Haha. Wala na nga akong pag-asa kay Heaven eh. Sadlife talaga.
"Anong plano mo?"
"Saan?"
"Bakit tinatago mo sa mga bisita mo na ikaw ang may-ari ng yateng ito? Bakit ayaw mong ipaalam na mayaman ka?"
"Basta."
"Magandang umaga!"
Sabay kaming lumingon sa pinagmulan ng tinig. Gising na pala si Charlotte.
"Hey good morning." Si Winter ang bumati at tumayo. "Pwede kayong mag swimming ngayon."
"Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Charlotte. "Totoo talaga?"
"Yes." Sagot ko. At pagkatapos ay tumingin kay Winter. "But is it safe? Wala bang mga pating dito?"
"Yan ang sinabi ng kapitan. Malapit na daw tayo sa Isla Verde." Seryosong sabi niya. Iyon yata ang isla sa pagitan ng Mindoro at Batangas. "Walang daungan doon but we could swim ashore."
"Hindi ako marunong lumangoy Winter." Totoo yan. Kaya laking pasasalamat ko na iniligtas ako ni Charlotte noon. "Baka malunod pa ko eh."
"See you in an hour, sa upper deck." Matapos higupin ang kape ay umalis na ulit si Winter. Naiwan kaming dalawa ni Charlotte.
"Tulog pa si Charity?" Tanong ko.
"Oo. Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?" Alok nya.
"Hindi na. Nagkape na ko kanina." Kahit hindi pa naman talaga. "Mag-almusal ka na. Mag eenjoy pa tayo mamaya."
"Sige. Maraming salamat.."
---
Sinuyod ko ng tingin ang apat na magkakalapit na isla. Isa roon ay malaki at ang tatlo ay maliliit. Ang gandang pagmasdan mula dito sa pwesto ko. Parang mga tuldok sa dagat. Muli kong ibinalik ang paningin sa karagatan. Kumikislap ang reflection ng pang umagang araw sa ibabaw ng tubig.
And now, I watched the woman who was as elemental and compelling to me as the sea and the islands. Ang gandang pagmasdan ni Charlotte habang lumalangoy. Huminto sya ng mapansin na nakatanaw lang ako. Agad na sumilay ang ngiti nito at kumaway.
"Langoy tayo, Dana!"
"Ate Dana, halika!" Sigaw din ni Charity.
"Sige lang! Nag eenjoy naman akong panoorin kayo!" Hindi ako kj pero ayokong ipahamak ang sarili ko. Baka pag tumalon ako ay hindi na ako maka ahon. Hahaha.
Natupad ko na ang isa sa mga pangarap ni Charlotte. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan na gawin ko pa to. Basta ang alam ko lang, sobra ang saya ko kapag nakikita ko syang masaya din. Hindi lahat ng tao sa mundong ito ay natutupad ang pangarap nila. At gusto kong tuparin lahat ng pangarap ni Charlotte. Kasama naman nila si Winter sa paglalangoy kaya alam kong safe sila. Gagawin ko muna ang trabaho ko habang busy pa sila..
BINABASA MO ANG
Stars For Wishes (GxG)
Romansa(COMPLETED) "I can give you everything, I can take you to the most beautiful islands, I can make your dreams and ambitions come true with just a lift of a hand. Choose me Charlotte, and I promise, I will take you to the ends of the earth.." -Dana Sp...