Charlotte
Bwisit na Dana yun. Tinotoo nga na hindi daw muna sya magpaparamdam sakin. Baka pinagtitripan na naman nya ako. Siya? Gusto ako? Imposible ano! Binasted lang sya ni Heaven tapos sasabihin nya gusto nya ako? Hindi ako rebound! Pero nakakapag alala din kasi na hindi sya nagpaparamdam. Kahit text o tawag nga. Kahit daw kina Charity ay hindi ito nagpaparamdam. May sakit kaya sya? Pero hindi ko kasi alam kung san sya nakatira.
Ayoko naman magtanong kay Sean kasi naiinis pa ako sa kanya. Ako nalang siguro ang pupunta sa school nya. Sa St. Michael. Aba. Dahil sa pagsama-sama ko kay Sean ay nalaman ko ang St. Michael. Siya na daw kasi ang director ng school na yun eh. Grabe. Nag-aaral pa sya pero siya na may hawak ng isa sa mga negosyo nila.
Sumakay na ako ng taxi at nagpahatid sa St. Michael. May pamasahe din ako ha. Tinitipid ko kasi yung allowance ko. Nagbabaon na ako ng pagkain imbes na gumastos ng malaki sa cafeteria.
"Wow." Namamanghang pinagmasdan ko ang magarang eskwelahan. Nandito palang ako sa labas ay alam ko na mayayaman ang mga tao rito. Papasok na sana ako sa loob nang harangin ako ng guard.
"Excuse me, Miss. Anong sadya mo dito? Hindi ka kasi pwedeng pumasok dahil hindi ka dito nag-aaral."
Ay may paganon? Pinakita ko sa kanya ang I.D ko. "Hinahanap ko po si Dana.." Ay ano nga ba ang apelyido ni Dana?
Mukhang nabasa ni kuya guard ang nasa ID ko. "Scholar ka ng Ohara Empire?" Hindi ko alam na kailangan palang ilagay sa ID k ona scholar ako ng Ohara Empire. Ang sabi ni Dana, para daw alam ng marami. Eh alangan namang ipakita ko sa lahat yun noh.
"Opo."
"Sino ulit hinahanap mo? Anong year ba?"
"Senior high na po. Dana ang name.."
"Ah si Ma'am Dana Spencer hinahanap mo?"
Spencer ba ang last name ni Dana?
"Wala na sya dito, Miss. Nag-resign na siya. Si Miss Sean Ohara na ang pumalit sa kanya."
Nag-resign? Pinalitan ni Sean? Sinong Dana ba ang tinutukoy nya? Yung Dana Spencer? Tsk. Baka ibang Dana ang sinasabi ni kuya.
"Kung gusto mong makausap si Miss Dana, sa main office ng Ohara Empire mo nalang sya puntahan. Dun na kasi siya nagwowork." Nakangiti pang sabi nito.
"T-thank you kuya.." Pilit na ngumiti ako sa kanya bago ito tinalikuran. Kinuha ko ang phone ko at kinapalan ko ang mukha ko at tinawagan si Dana. Nakakailang ring na ako bago ito sumagot.
"Yes, Charlotte?" Hyper na sagot nito.
"Nasan ka, Dana?"
"Hmm.. school?"
"Nandito ako sa labas ng school mo. Ibang Dana yata ang tinutukoy ng gwardiya dito. Hintayin kita dito ha."
"No!" Mabilis na kontra nito. "M-matatagalan pa kasi ako eh. M-magkita nalang tayo mamaya.."
"Sige. Hihintayin kita sa bahay. May sasabihin din akong importante."
"Sure! Sure!"
Pagkatapos ng tawag ay napilitan ulit akong magtaxi pauwi. Ano ba yan. Sayang. Ang mahal pa naman ng pamasahe.
Nang makauwi ay naligo agad ako at nagluto ng pagkain. Si Dana kasi kapag nagpupunta dito ay mahilig kumain. Okay lang kasi sya naman ang namimili eh. Pero nakakailang oras na akong naghihintay ay wala pa rin sya. Natapos ko na lahat ng dapat kong gawin ay wala pa rin sya. Sinubukan kong tawagan pero hindi naman sumasagot.
BINABASA MO ANG
Stars For Wishes (GxG)
Romance(COMPLETED) "I can give you everything, I can take you to the most beautiful islands, I can make your dreams and ambitions come true with just a lift of a hand. Choose me Charlotte, and I promise, I will take you to the ends of the earth.." -Dana Sp...