Chapter 18

1.9K 108 2
                                    

Dana

"I was a fool!"

Halos gusto kong sundan si Charlotte nang makaalis ito. Lalo na ng habulin ito ni Sean. Gusto ko sanang sabihin na sana hindi nalang siya nagpunta dito. Naunahan lang ako ng galit ko. Ayokong isipin na si Sean ang ipinunta niya rito. 

Pero kitang kita ko ang disappointment nito nang malamang ako talaga ang nagmamay-ari ng card. Inakala talaga niya na si Sean iyon. Ganon na ba kahalaga sa kanya ang pera? Ang akala ko ay kinalimutan na nya ang ambisyon niya. 

Tinungo ko ang drawer ko at kinuha ang maliit na box ng singsing na pinagawa ko. Kaya naman hindi ako nagparamdam sa kanya ay upang pumili ng mamahaling bato na gagamitin sa singsing na ibibigay ko sa kanya. Doon ay narealize ko na ang pagkakagusto ko kay Heaven ay physical attraction lang. At iba ang kay Charlotte.

Kay Charlotte, kaya ko maging simpleng tao lang. Gusto kong ako ang kasama niya sa mga pagtupad ng mga pangarap niya. Gusto ko ako lang. Ayokong lamunin sya ng kanyang ambisyon. Gusto kong ako mismo ang maglalapit sa kanys ng tagumpay.

I am willing to give her my name, my everything. 

"Dana."

Marahas na lumingon ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto. "What are you doing here?!" Isa pa ito. Akala yata nilang mag-ama ay hindi ko pinabestigahan ang nangyari sa akin noon. Kung ako sa kanila ay mag aayos na ng mga gamit dahil hindi matatapos ang linggong ito na hindi sila napapalayas. "Get out!"

"Alam mo ba na umalis na si Charlotte?" 

"What?!" Umalis? Bakit hindi siya nagpaalam sakin?!

"She was crying and deeply hurt, Dana. Pero heto ka at walang ginagawa." Patuyang sabi niya.

"Lumayas ka sa opisina ko, Sean. Kung ayaw mong ipahila kita sa mga guards." 

Pero imbes na matakot ay sinalubong lang niya ang mga titig ko. "Inalok ko siya na ako ang maghahatid sa probinsya pero tumanggi siya. Dahil sasabay nalang daw siya sa kababata nyang mukhang siraulo."

Kababata? "Anong sinabi mo?" 

"Nung nagpunta kami sa mall ay nakita niya ang kababata niya dun. Lalaking matangkad at medyo moreno, may kaangasan sa katawan kahit puro fake naman ang suot. At higit sa lahat, hindi ko gusto ang mga tinginan niya."

Lumapit ako sa kanya. "Hinayaan mo siyang sumama sa siraulong yun?!" Si Kian siguro ang sinasabi nito. Hindi pwede! Matagal na itong may pagnanasa kay Charlotte. At ang Charlotte na iyon, talagang sumama pa!

"Dumiretso na ako dito pagkahatid ko sa kanya sa mall. Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking iyon."

"Why are you telling me this?" May pagdududang tanong ko.

"My father made a horrible mistake to you, Dana. At babawi ako sa sarili kong paraan."Tipid siyang ngumiti.

"You like her."

"I do. Pero hindi ko ugaling ipilit ang sarili ko sa taong may mahal ng iba. Let's go, Dana!"

Sa nagmamadaling kilos ay tinungo namin ang palabas ng opisina. Kotse niya ang ginamit namin. Sports car kasi ang gamit niya. Pagkarating sa mall ay dumiretso kami sa security department at tiningnan ang mga cctv. 

"Hindi dinala ni Charlotte ang phone niya. Kaya sure akong magkikita sila sa iisang lugar." Sabi nito na ang tinutukoy ay yung bagong bukas na icecream shop. At tama siya. Naka-abang sa labas ng store si Kian nang lapitan ito ni Charlotte. Pero lumabas ang mga ito at nagtungo sa parking lot para sumakay sa Montero Sport nito.

Stars For Wishes (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon