Charlotte
"Ate, uwi na tayo.."
Hindi ko pinansin ang pangungulit ni Charity. Narito kami sa tabing dagat at kanina pa nya ako inaakit na umuwi. Ewan ko ba dyan, hapon pa lang naman.
"Mauna ka muna, Charity.."
"Ate, baka kasi magkasakit ka eh." Nag-aalala na naman siya.
Halos one month na akong nananatili dito sa aming bayan. Simula kasi nang mailabas ako sa ospital, dito na ako nagstay para magpagaling. Halos three weeks rin ako sa ospital noon. At sa mga panahong yun, hindi dumalaw sakin si Dana. Isang beses ko lang siyang nakita, yun yung unang beses na nagising ako. Nanghihina pa talaga ako noon at ang natatandaan ko lang ay ang pagngiti nito.
Si Sean ang madalas dumalaw sa akin dito sa probinsya. Bukod sa siya na rin daw ang inutusan ni Dana para sa kaso ni Kian. Hindi magawang ipagtanggol ng mayor namin si Kian dahil isang Ohara ang kinalaban nito. Nasabi rin ni Sean na maayos na daw ang samahan nila ni Dana. Natatandaan kong magkasama nga pala sila noong gabing nabaril ako.
Kapag tinatanong ko si Sean tungkol kay Dana ay laging iisa ang sagot nito. Busy daw. Siguro sa negosyo. Napatalsik na daw kasi ang tatay niya. Pero siya pa rin daw ang director ng St. Michael. Mabuti naman at nagka ayos na sila. Ngayon ko lang din nalaman na magpinsan pala sila. Sobrang busy nga siguro ni Dana. Hindi noya kasi magawang dalawin ako o itext man lang.
"Sige na, Charity. Susunod ako agad. Hihintayin ko lang na lumubog ang araw." At isa pa, may natatanaw akong yate sa hindi kalayuan. Naalala ko ang magarang yate na pag-aari pala ni Dana. Sana man lang kasi nagpakita siya noon sa ospital para makapag usap kami.
Sina Sky ang dumadalaw sa akin dun. Wala na kasi si Heaven dahil nasa Japan daw. Mabuti nga at matiyaga si Sky na dumalaw dun kasama ang bestfriend nitong si Ran. At pati na rin si Hana.
"Sige, basta umuwi ka agad ate ha. Ako mapapagalitan ni nanay."
Hindi ko na siya sinagot. Naramdaman ko nalang din ang paglayo nito. Ang ganda kasing pagmasdan ng malaking yate na yun sa gitna ng dagat. Aakalain mo talaga ns isa itong barko.
"Magnificent, isn't it?"
Nakaramdam ako ng kakaibang sigla nang marinig ang boses na iyon na halos dalawang buwan kong hindi narinig. Humarap ako para masilayan muli ang maliit na babae na todo ngiti sa akin ngayon. Nananaginip ba ako? Sa tingin ko ay hindi dahil sa abnormal na tibok ng puso ko. Lubos akong nstutuwa at naiiyak rin. "Dana?"
"Shiny!" Hindi yata siya napapagod sa pagngiti. "How are you, Charlotte?" Nakangiti pa ring tanong niya. Nanatili lang siya sa pwesto nito.
"O-Okay lang.." Medyo paos na sagot ko. Lalo lang akong kinabahan nang humakbang ito palapit sa akin. "Ang tagal mong hindi nagpakita.."
"Yeah.. I was busy." Sabi nito na patuloy lang sa paglapit. Tumigil ito sa tapat ko at hinawakan ang kamay ko. "Lalo ka yatang namutla at namayat, Charlotte."
Kumpleto naman ako sa pagkain. Lagi kasi may grocery na dala si Sean. "S-sobrang busy mo nga siguro.. Hindi mo ako nadalaw kahit sa ospital man lang." Nagtatampo talaga ako.
"I got so busy painting your ship." Tila nagyayabang na bigkas nito, Nagtataka man ay sinundan ko ang itinuturo nito. Ang magarang yate na kanina pa nasa dagat. "Look at the ship, Charlotte, it's all yours."
Charlotte
Halos hindi ako makahinga sa sobrang galak nang mabasa ang pangalam ko sa upper body ng kanyang yate.
"And I've been busy too, preparing for our engagement."
Naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na nang maglabas ito ng maliit na box at binuksan. Nalantad ang pinaka magandang singsing na nasilayan ko sa buong buhay ko.
BINABASA MO ANG
Stars For Wishes (GxG)
Storie d'amore(COMPLETED) "I can give you everything, I can take you to the most beautiful islands, I can make your dreams and ambitions come true with just a lift of a hand. Choose me Charlotte, and I promise, I will take you to the ends of the earth.." -Dana Sp...