Chapter 2

2.5K 142 10
                                    

Dana and Charlotte's story is my favorite next to Heaven and Heather's story. But my favorite ship is Winter and Sky! Anyways, enjoy!

Dana

Dahil sa init na tumatama sa mukha ko ay dahan dahan akong nagmulat at sumalubong sa akin ang nakasisilaw na liwanag. Nasa langit na siguro ako. Kung ganon ay hindi ako nakaligtas. Pano na si daddy? Walang mag aalaga sa kanya pagtanda niya. Namatay ako na hindi man lang nakikipag date kay Heaven? This is so sad. Mula sa liwanag ay natuon ang atensyon ko sa itaas na bahagi kung saan makikita ang bubong na yero. Eh? Teka baka wala ako sa langit? Nasa hell ba ako?! No! Sinubukan kong bumangon pero nakaramdam ako ng pananakit ng kaliwang balikat at pananakit ng ulo. Kaya nahiga ako ulit. Hinawakan ko yung ulo ko at naramdaman na may telang nakabalot dun. Dahan dahan akong bumangon at naupo sa higaan na medyo matigas. 

"I'm alive?" Inilibot ko ang paningin sa maliit na silid. Mas malaki pa ang cr ko dito. "I'm alive!" Maingat na bumaba ako ng higaan at napansin na iba na yung damit na suot ko. Isang green na tshirt at pajama. Nung makatayo ay napahawak ako sa balikat ko. Shit. Natamaan yata ako. Walang pinto ang silid na ito. Tanging kurtina lang yung tumatakip. Paglabas ko ay sinalubong ako ng isang babae na tingin ko ay 12-13 years old. 

"Nanay!" Sigaw nito. "Nanay gising na sya!" Patakbo itong pumunta sa kung saan at makalipas ang ilang sandali ay lumabas ito kasama ang isang babae na sa tingin ko ay nasa mid forties ang edad. Nakasuot ng simpleng damit at nakatali ang itim na buhok. Nakangiti itong lumapit sa akin. 

"Anak, halika maupo ka muna." Hinawakan niya ko sa braso at maingat na inalalayan hanggang sa maupo ako sa isang upuang kahoy. "Nagluluto ako ng noodles. Alam kong gutom ka." Malambing na sabi nito. I remember my mother. Sweet and thoughtful. 

"T-thank you po." Hinawakan ko yung ulo ko. "M-malaki po ba yung sugat ko?"

"Hindi naman gaano anak, nilagyan ko na ng betadine yan. Pati yung sugat sa balikat mo. Pero kailangan mo pa din magpunta sa center anak."

"A-anong araw na po?" Magalang na tanong ko. 

"Huwebes na anak." 

"P-pano po ako.."

"Namamangka kami ni ate nung isang gabi tapos nakita ko na tumalon ka sa bangin. Si ate nagligtas sayo." Sabi nung batang babae na nakaupo sa sahig paharap sakin.

"Isang araw kang nakatulog anak, bukas ay pasasamahan kita kay Charlotte sa center para matignan yung mga sugat mo." Tumayo ito. "Charity, tulungan mo sya papunta sa kusina at maghahain ako. Tanghali na baka pauwi na yung ate mo." Utos nito at umalis na para magpunta sa kusina. 

"Dalawang araw akong hindi pumasok kasi binabantayan kita." Sabi sakin nung bata.

"Sorry baka bumagsak ka." Ano ba yan kasalanan ko pa kapag bumagsak yung bata. 

"Okay lang. Wala din naman akong pamasahe at baon kaya di din ako nakapasok." Natatawang sabi nito. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at hinawakan ako sa braso. "Tara kumain na tayo yummy ng ulam natin ngayon. Noodles!" Masayang sabi nito. 

Pati ako ay natatawa sa reaksyon niya. Tumayo ako at hinayaan syang hilahin ako papunta sa kusina. Naaamoy ko na din yung noodles na niluto ng nanay niya. May lamesang kahoy at mga upuan. 

"Upo ka anak." 

"Salamat po."

"Carla ang pangalan ko." Nakangiting sabi nito na nilagyan ako ng kanin sa pinggan na plastic din at nilagyan ng noodles ang maliit na bowl. "Sya naman si Charity, bunsong anak ko. Yung asawa ko nasa barangay hall at nagtitinda naman si Charlotte, pauwi na siguro yun. Anong pangalan mo?"

Stars For Wishes (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon