C2: Weird Feelings

238 17 15
                                    

[Setting: School Library, Old Gym, Entrance Gate, SSG Council and Old Janitor's Room]

Nandito naman sa school Library ang mga study hard students or what you call "nerds".

Nandito rin ang Class Bully na si Xzech pero hindi sya nandito para mag aral or kahit mag basa nang libro, kundi nandito sya para humanap nang mapagti-tripan nya.

Dumaan naman si Hikari Kamiya na nag babasa nang libro nang biglang pinatid sya ni Xzech sa paa. Natumba si Hikari sa sahig at pinagtawanan pa sya nang mga tao sa library.

Agad naman syang tinulungan ni Lovie na kasalukuyang nasa library nung mga oras na yun.

Agad kumurba ang isang napakatamis na ngiti galing sa labi ni Hikari. At nagpasalamat sa tumulong sa kanya.

Hikari: "Thank You!"

Lovie: "You're Welcome!"

At agad naman syang hinilia nito palabas nang library. Napunta sila sa isang lumang gym na may mga lumang upuan.

Hikari: A-Anong ginagawa natin dito?"

Lovie: "I think It's Time" Misteryosong sagot nya sa kanyang kaklase na agad namang ikinataka ni Hikari.

Hikari: "Huh? Di kita maintindihan?" Pagtatakang tanong nya sa kasama.

Lovie: "Well, Did you know na may namatay daw dito sa school na babae at may chismis daw na gumaganti sya at pinapatay yung mga students sa section natin.!" Pagkukwento nang dalaga sa kanyang kaklase na si Hikari.

Hikari: "bakit section natin?" She ask with curiousity.

Lovie: "dahil seksyon daw natin noon ang pumatay sa babae!" Sagot nang dalaga with a blank expression on her face. Sasagot na sana ang dalaga nang biglang...

*BOOGGSSHH* isang malakas na pag sabog ang kanilang narinig. Agad naman silang pumunta sa pinangyarihan nang pag sabog.

Sumabog lang pala ang isang poste sa labas nang kanilang paaralan. Nagkagulo naman ang mga studyante dahil sa takot dahil nagsimula na itong magliyab nang apoy mula sa taas nang poste. Ngunit agad naman itong na resolba nang mga bumbero na kasalukuyang nasa paaralan nung mga oras na yun.

Tumunog naman ang isang malaking speaker na located dun sa may entrance gate.

Speaker: "Students, wag na kayong mag alala. Mas makakabuting bumalik na muna kayo sa inyong mga respective classrooms at ang mga nakakataas na ang gagawa nang imbestigasyon about sa nangyare!" Paliwanang nang speaker na nagpakalma sa mga studyante.

Agad naman silang pumunta sa kani-kanilang mga classrooms.

Agad namang dumating ang mag kaibigang Stephanie at Chantelle.

Chantelle: "What was happened?" Tanong nya sa isang studyante na kasalukuyang nandun parin sa may entrance gate.

Trina: "Ayy!! Wala Sis may sumabog lang na poste kanina" Sagot nya.

Stephanie: "Sis? Magkapatid kayo?" Pagtataka ni Stephanie habang nakaturo sa kanilang dalawa.

Chantelle: "Of course! Pareho kaya kaming maganda! Diba Sis?"

Trina: "Tsk, kahit anong gawin mo mas maganda parin ako sayo!" Sagot nya sabay tawa na nang aasar.

Tinarayan lang sya nang kanyang kapatid na si Chantelle at natawa nalang din si Stephanie sa kanila.

Nagdesisyon na sila na bumalik na sa kanilang classroom.

Sa kabilang side naman nandun sina Miroh at ang kanyang mga kasamahan para mag handa sa kanilang gagawin na event bukas nang gabi.

Nasa loob sila nang SSG Council nang biglang may kumatok sa pinto.

Tatayo na sana si Ivan para buksan ang pinto nang biglang pinigilan sya ni Rianne.

Rianne: "Wait!" Pagpipigil nya sa binata sabay tayo.

Talia: "Bakit? Ano na namang problema mo ha!" Maangas na pagkasabi nang dalaga. Napansin naman ni Miroh na mag aaway na naman sila.

Miroh: "Hey cut it off guys! This is not the time for fighting!" Sigaw nang binata na nagpatigil sa pag aaway nang dalawa.

Miroh: "Sige na Ivan! Buksan mo na!" Utos nya. Bubuksan na sana ni Ivan ang pinto nang biglang.

*Krriinngg* *Krriinngg*

Tumunog ang cellphone ni Jalene. Tumatawag si Hikari. Agad namang napatigil si Ivan sa pag pihit nang doorknob.

Jalene: "Oh bakit Hikari?" Tanong nang dalaga. Habang nakikinig lamang ang kanyang mga kasama sa kanyang sagot.

Hikari: "huwag nyong buksan ang pinto!" Malamig na pagkasagot nang dalaga na ikinataka naman nang kanyang mga kasamahan sa kabilang linya.

Jalene: "huh? Anong ibig mong sabihin?" She asked with curiousity.

Hikari: "Nandito ako ngayon sa labas nang office. May lalaki na kumakatok sa pinto. Di ko masyado nakita yung mukha nya. Pero sa tingin ko may gagawin syang masama!" Paliwanag nang dalaga. Ni loudspeak ni Jalene ang kanyang phone para marinig nang kanyang mga kasamahan ang sagot nang dalaga.

Ivan: Ha? Anong gagawin nya?" Malamig na pagkatanong nya sa kanyang mga kasama pero halata sa kanyang mukha ang matinding pag aalala sa mga mangyayari.

Rianne: "Oo nga! Baka naman hindi yan masama! Judgemental lang talaga kayo!" Singit nya.

Talia: "Tch" yan nalang nasabi nya.

Hikari: "Basta wag muna kayong lalabas!" Paalala nang dalaga at inend na ang call.

Miroh: "Oh, so di muna tayo lalabas para maka sigurado. Pag uusapan nalang natin ang tungkol sa gagawing event!" Sabi nang binata na nag pakalma sa kanyang mga kasama.

Habang naglalakad si Justin papunta sa kung saan sya dadalhin nang paa nya. Dinala sya nito sa isang lumang Janitor's Room.

Kita-kita ang pagkaluma nito dahil sa pinto palamang makikita mo na sira-sira na at ang dumi nang pader. May napansin din sya na parang dugo na natauyo.

Bubuksan na sana nya ang pinto nang biglang..

            :"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nang isang lalaki na matanda.

Justin: "A-Ah wala po!" Sagot nya.

              :"Alam mo bang Restricted Area yan?" Sigaw nya na ikinatakot nang binata.

Justin: "Ah so-sorry po!" Sagot nya sabay takbo sa lugar na yun.

Habang papatakbo sya may nabangga sya.

Student: "Ay so-sorry po!" Paumanhin nya.

Justin: "Okay na lang!" Sagot nya.

Student: "Diba ikaw si Justin Storm Cruz nang Pilot-A section?" Masiglang tanong nang dalaga.

Justin: "Yes." Matipid na sagot nang binata sa babaeng kausap nya.

Student: "Ahm, pwede po bang mag papicture? Crush ko po kase kayo eh."

Tumango lang si Justin at nag simula nang mag picture yung babae. Halata sa mukha ni Justin ang pag kakairita sa babae. Pero anong magagawa nya Campus Hearthrob sya eh.

(3rd Person's POV)

"Looks like new students have been enrolled in that section!" Bulong nya sa kanyang sarili habang nakatingin sa mga bagong studyante nang Pilot-A Section.

Let the game beggins!! Welcome to Hell Pilot-A Section.

==============================

[A/N]

Sorry po sa kasi ngayon lang naka UD almost 1 month na rin. Sorry po talaga kasi naging busy sa school and other matters eh..xD

BTW Leave comments and votes about this Chapter lalo na sa mga Casts!!

+-+-+-+-+-+-+-+-+

The PhobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon