"Sooo?labas tayo. " aya ni Cienne.
"Saan naman tayo pupunta?Gabi na!" Cams
"Diyan sa park ,tapos punta tayo sa 7/11" -Cienne
Hayy. Tong mga to talaga, by the way. Nag decide yung dalawa na samahan na lang ako dito, yun bang sleep over. Madalas naming gawin to nila Cienne. Okay lang naman kanila mommy eh.
"Oi, labas tayo. Inuugat na ako dito huh." Singit ko naman sa pagtatalo nilang dalawa. Tong mga to talaga, ang bababaw! >.<
"Wag na tayong lumabas. Gusto lang kasing makita ni Cienne si Kim." HAHA. Kim,who?
"Teka lang, sinong "KIM"?" air quote na pagtatanong ko sa kanilang dalawa. Sino yun? Hmm.
"Ah eh... kalimutan mo na yun ::vx. Wala yun. Hehe." Pangiti ngiting sabi ni Cienne. Hmm I smell something. Nakita ko naman ang pagngisi ni Cams kaya naman mas nagconclude pa ako lalo.
"Cams sino yun? Kim??"pagtatanong ko naman kay Camille. Tapos tumingin ako kay Cienne na namumutla na. HAHA.
"Uy never mind na yun... wag na tayong lumabas ...uhm bi-bigla akong tinamad hehe." Singit ni Cienne.
"Shhh. Di ikaw ang kausap ko. " tapos tumingin ulit ako kay Cams "so??"
"Hayy oo n—" naputol yung sasabihin ni Camille nang biglang sumingit si Cienne
"Haist!!!!oo na oo na! Si Kim, crush ko siya. Player siya ng volleyball sa UST " Sigaw ni Cienne na parang iiyak na. HAHAHA. Kawawang bata.
"Eh kung ganun paano mo naman siya makikita? Gabing gabi na oh." Muling tanong ko sa kanya. HAHA. Natameme yung bruha. Anyare?
"Kasi...si Kim ay kapitbahay mo lang teh! Andyan lang sa katabing bahay oh!" Turo ni Cams sa may bintana na makikita yung bahay ng neighbor namin. Teka, paanong?Napansin siguro ni Camille na wala talaga akong kaalam alam sa mga bagay kaya naman "Hay naku! Bagong lipat lang sila Kim diyan..hmm wala pang one week . Di mo siguro pansin kasi di ka madalas lumabas ng bahay eh."
Teka nga! Paano nila nalaman? Eh ako nga mismong kapitbahay di alam eh.
"Paano niyo naman nalaman?" Tanong ko kay Cams.
"Yan oh! Stalker!" Sabay turo niya kay Cienne.
"Oy di ahh. " yuko yukong sabi niya HAHAHA. Hiyang hiya na to , sure.
"HAHAHAHA!" Tawa lang ako ng tawa HAHAHA.
"Ano ang nakakatawa?" Tanong ni Cams .
"Eh kasi naman..."
"Kasi?" Panguusisa ni Cienne.
"Kasi naman ... HAHAHA. DALAGA KA NA CIENNE! SHIT!" HAHA. Sama ko haha. Etong si Cams nakikitawa na rin habang ito namang si Cienne, ayun di na maipinta ang mukha. Kawawang bata nabully nanaman Haha.
"Tse!" Aakmang bubuksan niya na yung pinto.
"Hep hep hep!" Pigil ko dito.
"What?!" Tanong niya naman sa akin.
" at ikaw babae, saan mo balak pumunta? Hah?!" Tanong naman ni Cams. Kaya gusto ko to eh! Alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko.
"Oo nga."segunda ko naman.
"Iinom ng tubig." Hahaha. Wtf! May tubig sa bedside table ko tapos sasabihin niyang kukuha siya ng tubig? Aba pinagloloko niya yata kami eh.
"Tubig? Yun oh! "Turo ko sa kanya
"saan?" Tanong niya sa akin.
" dun oh sa may table" turo din ni Cams
"Ahihihi" naku!! Eescape lang ang bruha eh .
"Balik dito! Di pa kami tapos sayo. " pagbubulyaw ko sa kanya. At ang dakilang dwende ngingiti ngiti lang HAHA.
" kwento ko na lang sa inyo. Sa ngayon, tara na! Baka di nanaman tayo palabasin ng dakilang guard dito sa subdivision niyo!" Pag iiba ni Cienne ng usapan.
"Tara na nga!" Aya ko na rin kay Cams. No choice, alangan namang ugatin kami ng wala sa oras dito. HAIST!
"Yehey!" Parang batang sigaw ni Cienne.
"Oy ikaw dwende! " pigil nanaman ni Cams.
"Ano nanaman?!" Iritang lumingon si Cienne.
"May kwento ka pa." Sabi ni Cams habang pababa kami ng hagdan
"Oo na!" Sagot naman ni Cienne.
"Teka! Hintayin niyo ako sa may gate huh! Papaalam lang ako kay Manang." Wala kasi sila mommeh, nasa palawan ngayon para sa business trip so , kami lang ang nandito.
" manang! Labas muna po kami nung kambal." Paalam ko kay manang nang marating ko yung kusina. Nag huhugas lang naman siya ng pinggan kasama yung ibang maid namin.
" osiya, mag iingat kayo ah.Umuwi ng maaga." Bilin ni manang sa akin.
" opo. Bye!"
____
" oh tara na?" Tanong ko dun sa kambal na busy sa pag silip sa kabilang bahay. Naku!!!!!!
"Teka , teka. Twinny di ko siya makita." Pagrereklamo ni Cienne. Nandun kasi sila sa may mga bushes , nagsisiksikan. Hay.
"Eehh! Di ko rin siya makita! Kambal naman eh. Si Carol! Huhu! Di ko makita!anak ng footspa naman oh!" Reklamo din ni Camille. Wait ...what? Tama ba yung narinig ko? CAROL? Girl? Huh?!
"Huy!" Lumapit na ako sa kanilang dalawa na siya namang ikinagulat nila.
"Mi-mika?!" utal utal nilang pagkakasabi.
"Oo ako nga! Ano bang ginagawa niyo? Pasilip nga!" sinilip ko naman ,pero ang nakita ko tatlong taong nagkwekwentuhan. Hmm.parang babae na naka boy hair cut lang silang tatlo kasi postura pa lang kita mo na. Medyo may shape ang mga katawan. Walang wala sa waist line ko HAHAHA.
"Tara na nga!" Ginaya na ako nung kambal .
"Ano ba yan ! Nakakainis kayo! Sino ba yung mga yun?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad palabas ng subdivision namin.
" wala!" Plain na sagot ni Camille.
" teka nga cams , sino ba yu---" di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla na lang kaming hinila ni cienne.
"Problema mo? Ang dilim dilim dito oh!" Reklamo ni Camille.
"Shhh. Baka marinig ka! Sumilip na lang kayo kesa magdada diyan psh." Sabat naman niya. Ayun nga sumilip kami. Nanlaki na lang yung mata ko kasi nasa tapat pala kami ng bahay nila Kiefer. Nandun si Tita Mozzy sa labas kasama si kiefer at ynna. Waitt...Ynnnaaa?? Anong ginagawa niya diyan?
--
"Oh iha! Gabi ka na, di ka ba hahanapin sa bahay niyo?" Rinig kong tanong ni tita mozzy , mama ni kief. Malapit lang kami kung nasaan sila nag uusap.
" di naman po siguro Hehe. Uhm ... mauna na rin po ako tita. Gabi na rin po kasi." Paalam ni Ynna. Huh? Bakit siya andito? Di ko namamalayan na unti unti na pa lang tumutulo yung luha ko. Mika , ano ba!
"Sige ma! Una na kami ni Ynna." alam kong si kiefer yung nagsalita.
" oh kief! " humabol pa si tita mozzy sa may gate. Nasa labas kasi car ni Kief
"Bakit ma?" Tanong naman niya.
"Ingatan mo si Ynna bilang girlfriend mo ahh.qwerttyuiasddfgjkk."
Girlfriend?
Girl
Friend?
A-ano? Tama ba yung rinig ko? Gi-girlfriend?
"Mika , tara na." Tapik sa akin ni Cienne.
"A-ano?" Utal utal kong pagkakasabi. Teka, nga . yung luha ko ayaw tumigil. Shit. Patakbo akong lumapit kay kiefer at............
——————
Hi guys ! Okay. Fanfiction po ito ahh. Hindi true story. Based on my imagination lang po kung ano ang nasa storyy. Hahaha✌
BINABASA MO ANG
Ms. Broken Meets Ms.Rebound
FanfictionAno kayang mangyayari kapag nagkakilala ang dalawang broken hearts?
