CHAPTER TWENTY SIX

750 7 0
                                    

CHAPTER TWENTY SIX .Edited

TONYANGANDA: Walanangmaynagmamahal sa akin. :"(

TONYANGANDA: Tama nga , you'redreamingthatyouandhimwillbeforevermore pero twowivesangkasunod. :'( #SAKLAP

TONYANGANDA: walanglalakingloyal!

TONYANGANDA: maghihiwalaydinkayo!

TONYANGANDA: #ForeverSingle

TONYANGANDA: #ForeverAlone :'(

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDAkasalika pala saSMB !

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRASMB???

PRETTYKENDRA: @TONYANGANDASamahanngmgamalalandingbitter!

TONYANGANDA: @PRETTYKENDRA EdiWow!

Hay naku! Panira talaga tong bakla na to. Kahit sa twitter sinusundan ako. Panira ng drama. Nakakahaggard!

Wala lang feel ko lang magdrama eh, yun bang mga ginagawa nung mga broken hearted. Ahahaha

"Forever Alone!" Sigaw ko.

"Wow naman! Single lang forever alone na agad?!" Pabiglang nagdive si Jace sa kama.

Wow! Fresh ang loko, bagong ligo. Amoy na Amoy ko ang mabango niyang Sabon. Hmmm... Sarap naman niya bwahahah Parang nang-aakit eh!

Mamaya makakascore din ako hihi :D

Syempre di ba dito ako natutulog sa room niya? Since binasag niya yung bintana ko sa room at di pa naayos kaya dito muna ako. hoho Tska buti na lang wala sila Tita at Tito ngayon kaya sa pinto ako dumaan. hahaha

Wala tong malisya huh? Dati naman nung mga bata pa kami magkatabi din naman kami natutulog eh! Di rin to friends with benefits or malanding ugnayan! Pwede din pero sa ibang bagay nga lang! hahaha

"Bakit ba? Totoo naman ah, lahat sila iniwan ako at ipinagpalit sa iba kagaya ng ginawa ni Daddy." Pabuntong hininga Kong sagot.

Tumagilid siya ng higa para magkaharap kami. "You're not still over it?"

"No, dapat siya yung nakarma pero yung karma tumalihis sa akin." Napapikit ako. Hindi ko na kayang tingnan ang mga mata niya. Mapang-akit kasi eh.

Hindi to time na maglandi, time to para magdrama. huhubels.

"Everything happens for a reason. Maybe Hindi talaga sila para sayo. Maybe there's someone na naghihintay lang ng pagkakataon and you'll never know baka siya na."

Napamulat ako sa sinabi niya at ganun na lang ang gulat ko na sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ramdam ko ang mainit at mabangong hininga niya.

Ghad! Inaakit niya ata ako eh! Pumikit na lang ako ulit! Malandi cells kalma lang.

"T-talaga? S-sino naman??" ghad! Jesus Maria Joseph! Tulungan niyo po ako, please give me the strength of mind, kasi baka di na ako makapag-isip at marape ko tong katabi ko!

"Si Mr. E." Makahulugang wika nito.

Tsss! "Yeah, right!" Kung alam mo lang ang effect mo sa akin now Jace.

"Bakit?" tanong nito habang pinatay ang ilaw.

Hindi ako sumagot. Tumalikod na lang ako at nagtulogtulugan. Hindi sa ayaw ko sagutin tanong niya but naaakit kasi ako, patay pa naman ang ilaw. Ayaw ko ng dagdagan ang kaguluhan.

Tsaka wala naman may mangyayari eh. Iniwan din naman niya ako dati eh. Pinaasa sa pangako pero wala din nangyari, ni hindi nga nagpaalam. Basta lang lumayo. Bakit pa di ba?

ANG DIARY NG MALANDITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon