✘19: Hapunan adventures

199 6 0
                                    

Hello my dear readers! I know, ang tagal na simula nung huli kong update. Naging busy ako sa exams and term paper namin. Huhuhu! Ang hirap kaya T___T

Anyways, Sorry ngayon lang. I hope you still read this and everytheng :3 

_____________________________

*Danielle's POV*

"Ughhhh! Onin, teka lang! Pagod na si Ate Denden!" Sigaw ko kay Onin na ngayon ay tumatakbo sa buong apartment ko. Pinabantay siya sakin ng Mommy ni Owy dahil aalis sila habang si Owy at ang Chicser naman ay may GT. Hapong-hapo na ako dahil kanina pa kami naglalaro ng habul-habulan!

Dalawang buwan na ako nakikitira sa bakanteng apartment ni Owy. Sa parents niya daw ito dati at binigay niya nalang sakin dahil nga sa wala akong matitirhan kasi pinalayas ako ng daddy ko. Nung una tumanggi ako sa alok niya kasi bukod sa nahihiya ako, wala akong pambayad sa kuryente, tubig, at wala akong pambayad sa apartment mismo! Pero sabi niya siya na daw ang bahala sa lahat. Nakakahiya pero, tatanggi pa ba ako?

"Ate Denden, laro pa tayo! Tara pa!" Tuwang-tuwang hinila ni Onin ang dulo ng damit ko. Pilit ko siyang nginitian at sinundan siya sa paghihila niya. Pagod na pagod na talaga ako! Buti pa mga bata, ang lalakas ng metabolism! Hyper na hyper parin hanggang ngayon. Hay...

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Owy na may mga dalang plastic bag. Napatigil ako at napatingin sa kanya. Si Onin naman tumigil sa paghihila sa akin at tumakbo papunta sa kanya.

"Kuya Oelejiiiim!" Sigaw ni Onin sa kapatid at hinug ito. Dahan-dahan namang nilapag ni Owy ang mga plastic bag at niyakap din ang kapatid.  

"How's my little man? High five!" Sabi niya at nag-high five sila ni Onin. Ang cute nilang tingnan sa totoo lang.

"Kuya, play tayo ni ate Denden! Habul-habulan! Please?!"  Yaya sakanya ni Onin at tumakbo pabalik sakin tapos hinila nanaman ako senyas na gusto niya pang maglaro.

Ngitian lang siya ni Owy sabay sabing, "Onin, hayaan mo na yan si Ate Danielle mo. Pagod na yan" ani Owy. Nag-pout naman si Onin at patampong lumayo sa akin. Sobrang cute talaga ng batang to kahit kelan!

"Daddy has a gift for you Onin." Biglang sabi ni Owy at agad namang umaliwalas ang mukha ni Onin. "Kuya Oliver has it. He's down at the parking with mommy and daddy." aniya pa.

"Yey! I'm going to get it!" Masiglang tumakbo si Onin palabas. Hinayaan naman ito ni Owy. Seriously? Nasa baba pa ang parking tapos hahayaan niya lang kapatid niya?

"Onin, wait for ate!" Sigaw ko sa kanya ng medyo makalayo-layo na siya. Agad naman akong tumakbo papunta sa hagdan pero bigla akong hinarangan ni Owy. 

"Kaya na niyang bumaba mag-isa. Malaki na si Onin." Sabi niya ng walang emosyon. Seryoso? Wala ba siyang pakialam sa kapatid niya?

"Baka mapano yun." Palusot ko. Ayoko kasing matirang mag-isa sa apartment kasama si Owy. Napaka-awkward!

"Kaya niya na yan." Walang emosyon niyang ulit sabi. 

"Ok." Sabi ko naman at pagkatapos ay nanahimik na. Kinuha ni Owy ang mga plastic bag niyang dala at nagtungo sa kitchen ng apartment. Tahimik ko siyang sinundan ng tingin. Ilang buwan nang ganito ang trato niya sakin. Matapos ng nangyari sa park, bigla nalang nag iba ang pakikitungo niya sakin. Bigla siyang... bumait? 

Ewan ko lang. Basta ganon! Hindi niya ako inaasar, hindi niya ako ginugulo. Tahimik lang siya tuwing magkasama kami at parehas kaming naiilang sa isa't-isa. Siguro yun ay dahil sa pag amin niya sakin. Speaking of pag amin... Naalala ko nung hinalikan niya ako sa....

Ng Dahil Sa Isang Litrato (Chicser Fan Fic.) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon