✘6: His Point of View

280 6 3
                                    

*Owy's POV*

Walangya ang babeng yun kanina ah! Kala mo kung sino yun. Maganda sana eh, kaso nakakabwisit talaga. Andami pa tuloy nakakita samin.

Ewan ko ba kung bakit muntik ko na siyang halikan kanina. Siguro naka singhot na naman ako ng katol. Hahaha! joke mga pre. Pero sa totoo lang, parang nakita ko na ang babaeng yun dati? Agh! ano ba naman Owy! Ayan ka na naman! Magiging baliw ka sa ginagawa mo eh.

"Owy! Ano na naman ba ang ginagawa mo?!" inis na sabi sa akin ni Kuya sabay cross arms

"Eh sorry kuya" napakamot ako sa batok ko "May babae kasi akong nabangga eh"

"Let me guess... Nung nabangga mo siya, pinagtripan mo siya noh?" ang sabi ni Ranz 

"Wow pre! ang galing mo talaga manghula" tinaas ko kamay ko as a sign na mag apir kami. Pero si Ranz dinedma ako. Tae bro! Pahiya ako dun ah.

"Owy naman eh. Andami tuloy nakakita sayo" tapos ginulo ni kuya ang buhok niya. Frustrated na naman tong si Kuya eh.

"Oh? ano ngayon kung nakita nila ako na may kasamang ibang babae?" Sa hindi ko magets na dahil ay nag face palm silang lahat sakin. Ano na naman ginawa ko sa mga toh?

"Dude, tanga ka rin minsan noh?" sabay akbay sa akin si Biboy

"Luh! Pinagsasabi mo dyan Bibs?" tinaggal ko ang pagkaka-akbay niya sakin at lumayo sa kanya. Si Ully naman, napansin kong kinagat ang labi niya

"Problema mo Ulleh?" Kunot noo kong tinanong. Si Ully, hindi napigilan ang sarili at tumawa ng malakas. Alah!

"Hahahahahaha! May chemistry din kayo ni Biboy eh" sabi ni Cav habang ngumunguya ng saging

"Pre, antakaw mo talaga" tapos tinuro ko si Cav habang napatingin siya sa saging niya sabay halik niya dito. Amfuts! Nababaliw na naman si Cav

"Mahal ko ata ang saging na toh" at nagbelat sa Cav. Mukha nga Cav. Mukha nga -____-

"Hoy! Ikaw Owy, hindi pa tayo tapos ha" Mukhang sesermonan ako ni Kuya ah. Shit!

"Umupo ka" mahina pero seryosong sinabi ni Kuya. Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya, kaya naman naupo ako sa sofa at humarap sa akin si Kuya ng naka cross arms. Yung iba naman, nakatingin lang sa amin. Argh! Mga problema niyo ha?!

"Alam kong ginawa mo lang yun para hindi na maulit ang nangyari dati" Napalaki ang mata ko matapos ng sinabi ni Kuya

"Kuya pwede ba?! Ayoko nang pag-usapan pa" at umiwas ako sa kanya ng tingin

"Alam kong ayaw mong pag-usapan, ang sinasabi ko lang ay wag mo tong gawin sa lahat dahil wala naman silang kinalaman dito. Basta bro, mag ingat ka. Ayoko na uulitin mo na ulit toh" pinat ako ni Kuya sa braso sabay alis. Napakunot ako ng noo matapos ng usapan naming dalawa. Napansin ng iba na na bad trip ako kaya naman nagsilapit silang lahat sakin

"Mukhang sermon na naman pala sa kuya mo ang abot mo" Ully

"Kaw naman kasi dude, basta babae ganyan ka eh" Ranz

"Pare, wag mo naman sanang gawin yun sa iba. Tandaan, hindi lahat ng babae ay pare-parehas" Biboy

"Aish! Pakealamero din kayo ano?!" inis kong sabi at tumayo para umalis sa mga tabi nila. Nakakabwiset naman oh! Busog na nga ako sa sermon ni Kuya, tapos may extra pa galing sa kanila. Nak ng.... Argh!

Pumunta ako sa dressing room namin at humarap sa salamin. Habang ka harap ko ang sarili ko ay napakunot ako ng noo. Tama nga si Kuya. Hindi lahat ay dapat kong idamay dahil nga sa wala silang kinalaman dito.

Napasuntok ako sa sa lamesa sa hindi ko alam na dahilan. Pakiramdam ko kasi parang gusto kong makasuntok ng kahit ano para mailabas ko ang galit ko.

Habang naka harap na naman ako sa salamin ay napatulala ako. Ewan ko kung bakit...

*FLASHBACK*

"Bat ka nga pala umiiyak kanina sa maze?"

"Ahhh K-kasi hindi ako makalabas ng maze"

"Buti na lang pala at nandun ako tapos nakalabas ka" tapos ngumingiti ako sa babae. Nakita kong nag bl-blush siya "Ano nga pala pangalan mo?"

"Ahh, ako si......."

*END OF FLASHBACK*

Bakit ba ganon? lagi ko yun naaalala? At sa tuwing naaalala ko yun ay hindi ko maalala ang pangalan ng babae. Madalas ko itong panaginipan pero hindi ko talaga alam ang pangalan ng babae, tapos laging blurred ang mukha niya. Sigh.... siguro pagod lang toh kaya ako nagkakaganito.

"Kung sino man ang babaeng yun, sana makita kita" ang sabi ko habang nakaharap ako sa salamin

*TOK TOK TOK

"Owy okay ka na ba?" narinig kong tanong ni Cav 

"Oo okay na ako" sigaw ko

"Owy, tara na daw, mag s-start na daw sabi ni daddy" Ranz

Lumabas na ako ng dressing room at inayos pa ng konti ang sarili ko. Mamaya ko na nga lang itutuloy ang mga kadramahan ko sa buhay ko. Right now, my fans need me.

"Ano? Ready ka na Asiong?" Biboy

"Ako pa! Asiong Salonga ata toh." tapos tumango ako sabay pogi pose. Syet! ang pogi ko talaga.

"Isang bala ka lang" tapos nag charlie's angels pose si Cav

"Tae bruu! akin dapat yun ah" 

"Kalma bro, kalma" tinaas ni Cav ang kamay niya na parang inaaresto ko siya. Hahaha! Nababakla na naman si Cav

"Pare chill lang" at ginulo ko buhok niya

"Aish! ano ba yan dude? 15 minutes kong inayos ang buhok ko tapos guguluhin mo lang? Nak ng tilapia naman pare" reklamo ni Cav na parang sinasapian na naman. Medyo vain din toh eh, laging concerned sa buhok niya. Hahaha! Wala eh, makulit ako eh. 

"Guys its time" ang sabi ni Kuya, pumwesto na kami sa may hagdan papataas sa stage

"Okay sabay sabay tayo sa pagbilang..." ang sabi ng host, ang ibang fans naman, nagtilian. Ow yeah! We deserve this kind of attention.  "Pagbilang ko ng 10 ha?! 1...2....3...4...5...6....7...8.....9......"

~Hey girl I'm waiting on ya.... I'm waiting on ya, come on and let me sneek you out....~

Lumabas kaming lahat nung nagplay ang live while we're young. Si Ranz ang unang lumabas, tapos si Cav, Kuya, ako, si Ully, at si Biboy ang huli....

Ow yeah! Dis is it pansit. its showtime...

TO BE CONTINUED...

----------------------------------------------------------------

Medyo magulo noh? I know you're a bit confused tungkol dun sa sinasabi ni Oliver na ginawa ni Owy dati. Abangan niyo na lang ang mga next chapters to find out kung ano ba talaga ang sinasabi ni Ver =)

~Ms.A

Ng Dahil Sa Isang Litrato (Chicser Fan Fic.) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon