✘18: Sakit

171 4 0
                                    

Ngayon nalang ulit ako nakapag update. Waaah! So very sorry po ~_~v I've been busy eh. I hope you understand. Nyahaha! 

Read! ^__^

________________________________________

*Danielle's POV

Isang buwan at limang araw na ang nakalipas simula ng halikan ako ni Owy. Isang buwan at limang araw na din kaming hindi nagpapansinan. 

Aaminin ko. Sobrang nasaktan ako nung sinabi niyang umalis na ako at umuwi. Hindi ko ine-expect na sisigawan niya ako ng ganon. Pagkatapos niyang sabihin na may gusto siya sakin, gaganunin niya lang ako? Tapos aalis nalang ng basta-basta? Napaka-gago niya. Sobrang gago niya.

Alam niyo ba yung pakiramdam na magmukhang tanga? Alam niyo ba yung pakiramdam na sumaya ka at halos lumundag na ang puso mo sa tuwa? Pero pagkatapos nito, agad namang mapapalitan ng pait at sakit. Yun ang naramdaman ko nung oras na iniwan ako ni Owy. Oo! Ako na nga si tanga! Pero masisisi niyo ba ako kung inakala kong totoo pala ang sinabi niya? Masisisi niyo ba ako kung umasa ako? Halos lamunin na ako ng lupa sa kahihiyang naramdaman ko nung araw na yun. Binigay ko ang first kiss ko sa isang taong wala naman pakealam sakin! Hay... Nak ng nanay mo naman oh! Bakit kasi napaka-gago mong Owy ka! Paasa na, gago pa! 

Kung gusto mo ng dakilang gago, san ka pa?! Edi kay Owy Gagosadas! 

Putek, nakapag joke pa ako sa sitwasyon na toh.

Nasa canteen ako ngayon kasama ang tropa. Tahimik lang akong nakatulala sa isang slice ng red velvet cake na binili ko para sana sa aking dessert. Paborito ko itong cake. Dati, nakikipag agawan pa ako sa ibang estudyante makabili lang ng cake na yan. Kahit mahal yung presyo, basta makatikim na ako sobrang saya ko na! Pero ngayon... parang hindi ko man lang magawang ienjoy ang cake. Tuwing nakikita ko kasi ang pula, ang naiisip ko agad ay init o kaya naman pagmamahal. Parang yung...

Agh! Hinde! Bwiset naman kasi yung Owy na yun! Ang lakas ng tama sakin! Ano ba kasing ginawa sakin ng lokong yun? Ginayuma niya ba ako?!

Diba pag gayuma konektado sa pag-ibig?

Pag-ibig.

Pag-ibig?!

Hindi! Hindi! Bakit naman pag-ibig?! Ano ba naman tong iniisip ko!

Pinagsasampal ko ang sarili ka bago dumaing, "Aghhhhh!" Sigaw ko habang sinasabunutan ko naman ang buhok ko.

Grabe! Mukha na talaga akong tanga! Sige pa Danielle. Panindigan mo pang tanga ka. Ipakita mo pa sa ibang tao. Sige. Go lang.

"What the huh?!" Pagtatakang tanong ni CJ. Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at tumingin sakin.

"Huy teh, anyare ba sayo?" Tanong ni Piper sabay lapit sakin.

"May sapi lang? Ano toh? Acting acting pag may time ang kadramahan?" Sabat naman ni Naomi. Si Bryanna naman tahimik lang na nagbabasa na ulit sa kanyang upuan. Salamat guys ha! Nakatulong kayo ng sobra!

"Wala! Wag niyo na akong intindihin!" Sagot ko ng medyo iritado. Bakit ba ako ganto? Naiinis ng walang dahilan? Isang buwan na pero ano? Di ko parin nakakalimutan? Ughhh! Bakit ba kasi nagkakaganito ako ngayon?! Nakakainis naman ih! Nababaliw na ako! 

"Hay nako Danielle." Biglang sabi ni Naomi. Nakangiti siya habang nakatingin sakin. Mukhang may masamang balak tong babaitang toh. 

"Ano?" Walang gana kong sabi.

"Kamusta cake mo? Sarap ba?" Sabi niya sabay ngiti ulit. Bakit parang pinagpawisan ako sa tanong niya?

"O-oo naman! Ang sarap kaya!" Sambit ko pa habang pilit na nakangiti. Oo na! Ako na nga ang sinungaling sa amin. Eh kasi naman! Pano ko makakain yung cake kung sa tuwing tinitingnan ko ito, naaalala ko yung maaalab na mga halik na binigay sakin ni Owy? OA na kung OA Nakakainis na talaga tong mga pinag-iisip ko.

Ng Dahil Sa Isang Litrato (Chicser Fan Fic.) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon