✘12: Bagong Araw, Bagong Inis

198 8 2
                                    

Sorry at ngayon lang ako nakapag update. Alam kong nagsawa na kayong basahin toh. Hahaha! Wala eh. Busy sa school at sa lovelife si Author. Di na ako masyadang maka Chicser pero di ko sinasabi hater ako ha :P

So yeah... I co-continue ko parin toh dahil may mga indemand na. at nag rerequest na mag UD na ako. So eto na. Sorry for the long wait ^_^V

_________________________________________________

*THE NEXT DAY*

Nagising na lang ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Oo nga pala. Monday nga pala ngayon. School day.

Agad akong tumayo sa aking kama at nagstretch muna ako. Syempre, para narin wala akong muscles na mabigla at masakit, tsaka exercise ka na din para healthy ako.

Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit sa aking likod at braso. Tiningnan ko ito at nakita ko na may pasa ako na malaki.

"Oo nga pala. Nabugbog nga pala ako ni Daddy kagabi."

Pinagmasadan ko lang ito ng mabuti at tinitigan ko ito. Di parin ako makapaninwalang nagawa sakin yun ng aking ama.

Well... technically hindi naman talaga siya ang totoo kong ama, pero parang ganon narin kasi siya ang kinilala kong Daddy.

"Hay.... Tama na nga yan Danielle. Mamaya mabaliw ka pa sa mga iniisip mo na yan" Ang sabi ko sa sarili ko.

Ginulo ko muna ang buhok ko making sure na gising na talaga ako. Sinampal-sampal ko pa nga ang sarili ko eh.

Oh diba! Imba ako noh. Rak en roll mga brad! Hahaha!

"Danielle! Anak! Gumising ka na! Monday ngayon, baka malate ka pa!" Ang sigaw sa akin ng Mommy ko.

"Opo Mommy! Gising na po ako!" Ang sigaw ko naman pabalik. Inayos ko na ang kama ko para di naman ako sabihan ni Mommy ng tamad. Isa kaya akong joh-eun yeoja! [good girl]

Pagkatapos kong mag ayos ng kama ay binuksan ko ang cabinet ko at kumuha ng bath robe na color black and white tapos may design pa siya na crown sa likod. Binili kasi sakin yan ni Mommy last year. Nakakahiya naman kapag di ko siya ginamit. 

Pumasok na ako sa loob ng banyo tapos tinanggal ko muna ang damit ko bago ako maligo. 

Oy! Wag kayong dirty minded! Alam kong sexy ako pero wag kayong ganon ha? Ok? Ok! Hahaha!

Habang naliligo ako hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng nangyari kahapon. 

"Hmmm.... Una gumising ako, tapos tumawag si Naomi at sinabihan akong pumunta sa bahay niya para maka punta sa GT, tapos yun nakapunta na kami dun, tapos nung sa M&G nasa likod ko si Owy.... Putek! Pati ba naman yun naalala ko?!"

Sumigaw pa tuloy ako ng malakas. Muntikan na nga pala ako halikan ng panget na yun. Ewwww! Kadiri lang! Alam kong maraming mga babaeng pingananasaan ang lalaking yun, pero hindi ako isa sa mga yun! Lakas ng trip nun ah! Kala mo kung sinong gwapo! Buti pa si 'O-' ang gwapo  pa talaga. Haha! Eto na naman ako sa mahal ko. Makaligo na nga lang.

Pagkatapos kong maligo ay nagpunas muna ako bago magbihis. Naka underwear palang ako that time ng biglang....

"Hoy babae!" 

"Ahhhhhhhhhhhhhh! Anong ginagawa mo dito?!" Dali dali kong kinuha ang bath robe ko at tinakpan ang buong katawan ko. Bigla na lang kasing pumasok si CJ ng hindi man lang kumakatok. Kainis! 

"CJ! Ano ba?! Bat pumasok ka na lang basta?!" Sigaw ko sa kanya.

Kinamot niya lang yung ulo niya tas nag peace sign. Kahit na tomboy ang babaeng toh marunong din pala toh mag peace sign. Imba!

Ng Dahil Sa Isang Litrato (Chicser Fan Fic.) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon