✘11: My Real Life

219 8 4
                                    

"San ka nanggaling ha?!" sigaw sa akin ng daddy ko. Bumaba na lang ulit ako at pumunta sa may pinto at tumayo lang doon na parang isang statwa.

From my view from here, mukhang lasing na naman si daddy. Ganyan siya lagi.

Ever since na magfail yung business niya at minsan ay kinakapos kami ng pera ay wala na siyang ginawa kundi ang maglasing, sumugal, at minsan nga ay nahuli naman siyang nag du-drugs pero buti na lang ay pinigilan namin siya.

Hindi ko alam kung hanggang kelan namin kayang mabuhay ni mama kasama siya.

"Ano?! Hindi ka sasagot?!" kita sa mata niya ang bakas ng sobrang galit. Hindi ko man lang siya matingnan sa mata. Nakakatakot talaga.

Pumunta siya sa aming center table at kinuha ang kanyang sigarilyo sabay sindi ito. 

Ibang-iba na talaga si daddy. Hindi na talaga siya tulad ng lalaking nakilala ko 8 years ago. Hindi siya yung lalaking binigyan ako ng panda bear. Hindi na siya yung daddy kong kinilala.

Pumunta ako sa isang tabi at pinagmasdan lang si daddy na naninigarilyo. Mukhang hinihintay niya lang akong sumagot.

"N-nagpunta po ako sa mall..." napatigil ako sandali dahil bigla na lang nanakit ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ay naiiyak ako na ewan. "...kasama ko po ang mga kaibigan ko"

yumuko na lang ako. Ayoko sanang makita niya ang mukha ko. Sobrang natatakot kasi ako.

Lumapit siya sakin at cinorner ako. Hinawakan niya ng mahigpit na mahigpit ang braso ko na halos mapasigaw ako sa sakit pero pinigilan ko ang sarili ko.

"D-daddy, tama na po" pagmamakaawa ko

"Bakit hindi ka nagpaalam sakin ha?!" sigaw niya. Pilit kong tinatanggal ang braso ko sa pagkakahawak niya, kaso lang mas lalo niya itong hinigpitan. 

Naramdaman ko na parang dinudurog niya ang laman sa braso ko. Napakasakit na talaga.

"Daddy please lang, tama na po!" Tumulo na ang mga luha ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakahawak niya sakin, pero hinawakan niya pa ang aking kaliwang braso ng sobrang higpit kaya napa doble ang sakit.

"Ang sabi ko diba hindi ka aalis ng hindi ka nagpapaalam sakin?! Bakit umalis ka padin ha?!" Mas lalo akong napaiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko

"P-pero *huk* nagpaalam naman po ako kay mama"

"Bakit sa kanya ka nagpaalam ha?! Ta-tanga tanga ka talagang bata ka!" Umiyak lalo ako, pero sa huli ay itinulak ko siya ng malakas papalayo sakin kaya naman ay medyo na out of balance siya pero tumayo ulit siya.

Ng Dahil Sa Isang Litrato (Chicser Fan Fic.) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon