✘17: Hindi pwede.

229 6 0
                                    

Halu! Happy New Year mga Chicserifics! PS: MEDYO PG-13 parin tong update. Hohoho ^_^

Santa Clause ang peg? O_o HAHA xD

Again, umalis sana ang mga nagmamagandang conservative. Kung makulit talaga ang lahi niyo, edi kayo bahala :P

Start ^_^

__________________________________________

*Owy's POV

Itinulak ko si Danielle sa pader at dahan-dahang hinalikan ang labi niya. Hindi ko alam. kung bakit bigla ko nalang naramdaman na gusto ko siyang halikan. Basta ang alam ko, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Hindi ko na kayang pigilan. Parang... parang ito ang tama.

Nabigla siya sa ginawa kong paghalik at ramdam kong nanigas siya sa kinatatayuan niya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya para hindi niya ako maitulak kung sakaling magpumiglas siya. Ang lambot ng labi niya. Parang marshmallow na ang sarap-sarap kagatin. Hindi siya tumutugon sa halik ko pero hindi ko mapigilang makaramdam ng init sa katawan ko. Binuksan ko ng kaunti ang mata ko at nakita kong nakapikit na ang mata niya.

Syet! Bakit ba ang ganda mo kahit nakapikit ka?!

Unti-unti niyang tinugon ang halik ko at bahagya akong napangiti dahil doon. Patuloy ko siyang hinahalikan ng marahan na para bang siya ang babaeng mahal na mahal ko.

Mahal?! Hinde hinde! Hindi ko siya mahal! Laro lang toh. Oo! Tama... laro lang.

Halatang ito ang unang pagkakataon na humalik siya ng isang lalaki dahil ramdam kong kinakabahan siya. I moved my lips and she also moved hers. Sobrang init na ng katawan ko at pinagpapawisan ako sa ginagawa kong paghalik sa kanya. Patuloy lang kami sa pagpapalitan ng maiinit na halik at hingal na hingal na ako. I just can't get enough of her. She seems so... delicate. Hindi ko mapigilan ang sarili ko! Putek talaga... bakit ba ganito ang epekto sakin ng babaeng toh?

Kumatok ang dila ko sa labi niya ng hindi ko namamalayan. Sa hindi ko malamang dahilan, parang gusto ko siyang naramdaman.

Ang bibig niya.

Ang labi niya.

Ang init ng katawan niya.

Lahat.

Hindi ko alam pero sobrang nagugustuhan ko ang ginagawa ko. At alam ko sa sarili ko, gusto niya din ang ginagawa ko.

Napasinghap siya sa ginawa ko and I took advantage of that and entered my tongue. She tastes sweet. Parang strawberries and chocolate.

Patuloy lang ang paghalik na ginawa ko nang bigla siyang nagpumiglas at malakas akong itinulak kaya naman nawalan ako ng balanse at natumba sa sahig. Agad naman akong tumayo para hindi magmukhang lampa. Sa gwapo kong toh hahayaan ko lang mapahiya ang sarili ko?

NEVER!

Tiningnan niya ako ng masama. Hinihingal siya at hinihingal din ako. Alam kong hinihingal lang siya matapos ng hot make-out session namin kani-kanina lang. Sino ba namang hindi? Tss...

"B-bakit mo yun ginawa?!" Malakas niyang sigaw pero nauutal siya. Mukhang kinakabahan. 

Oo nga naman... Bakit ko nga ba yun nagawa?

Ng Dahil Sa Isang Litrato (Chicser Fan Fic.) [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon