Chapter 15

28 5 0
                                    

Chapter 15

"I know you like my bestfriend. Be her date sa Valentine's Day." Bakas ang gulat sa mukha ni Ivan nang bigla ko na lang sabihin 'yon nang makasalubong ko siya sa hallway. "You don't have any choice."

"S-sige." Tugon niyang may pilit na ngiti. Napipilitan ba siya? As far as I know I'm doing him a favor. "Ipapagpaalam ko rin muna siya sa Papa niya."

"Okay pero bakit ganyan ang itsura mo?" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nakaka-bother kasi ang itsura niya. Hindi ba siya masaya sa ginagawa ko for him? And mukha siyang takot. Hindi naman ako nakakatakot ah.

"K-kasi ano..."

"Ano?"

"Just to be clear. I don't like her na. I like someone else now."

"But you don't have choice." Sunod-sunod siyang tumango at nag-thank you pa sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Wala na akong ibang maisip na pwedeng i-partner sa kaibigan ko na matinong lalaki kaya pinilit ko na si Ivan.

Bumalik na ako sa classroom after that. Hindi ko alam kung alam na ni Viel na hiwalay na kami. Naka-restrict siya sa mga social media accounts ko at blocked na rin ang number niya. Kung gusto niya namang ayusin pa ang relasyon namin edi sana pinuntahan na niya ako. Pero bakit pa nga ba ako aasa? Pinaglaruan lang naman niya ako para sa kotse at ginawa niya pa akong kabit. There's a part of me na pilit siyang iniintindi kasi naisip kong paglaruan din siya noong una. Karma ko na siguro 'to. Pero hindi pa rin tama na saktan niya ako.

"Joshua, do you remember na may favor pa ako sa 'yo?" I asked. May date na kasi si Annavel tapos ako wala pa.

"Oo bakit? Kukuhanin mo na?" Tumango ako. "Anong favor?"

"Just be my date sa Valentine's Day. Be sweet to me. I don't want to look bitter. Buy me flowers too, tatlong rose-"

"Teka. Tatlong favor na 'yan ah."

"I'll pay for the roses."

"Bakit? Desperate ka na?" Tumango ulit ako.

"I just don't want look bitter at hindi pa nakaka move on." Baka nandoon siya e. Pwede pa naman ang outsiders sa araw na 'yon. "I want to prove na hindi siya kawalan sa akin."

"Sige. Ako na rin ang magbabayad sa roses." Nagpasalamat ako sa kaniya. Buti na lang may kaibigan akong pogi na mabait pa.

Siya ang naging karamay ko noong araw na nakipaghiwalay ako kay Viel. I remembered that we kissed pero hindi ko na binanggit sa kaniya 'yon pagkagising ko. Alam ko naman na ginawa niya lang 'yon dahil iyon ang naisip niyang distraction. It was nothing. Ibinaon na lang namin pareho sa limot.

"Babe, get up. Nagmamadali tayo ano ba?" Ang hirap talaga gisingin ng kaibigan ko kaya hinila ko na siya paalis sa kama.

"Maaga pa," inaantok na sabi niya.

"May date tayo mamaya. Nakakaawa naman kung hindi mo sisiputin. Ipinagpaalam ka pa noong isa sa Papa mo." Hindi pa rin siya bumabangon kaya patuloy lang ang paghila ko hanggang sa tuluyan na siyang mahulog. "Bilis na. Handa na ang susuotin natin."

Mabuti na lang hindi ko na kinailangang hilahin pa siya papunta sa banyo. Ang dami kong inihinanda para lang tuparin ang batas na ipinatupad ko sa pagitan namin ni Annavel na dapat naming iwasan at kalimutan ang dalawang Dela Vega na nanakit sa amin at ipakita sa kanila na hindi sila kawalan.

Mula sa damit na kulay pula, sa mga roses na ibibigay sa amin ng ka-date namin at siyempre sa mga exciting na mangyayari pa mamaya, lahat 'yon planado ko. Walang date si Cara kasi kinuha ko siya bilang paparazzi namin. May kapalit naman 'yon. Tutulungan ko siyang magbenta ng mga paninda niya at ililibre ko siya ng lunch.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now