Chapter 05
Hanggang magising ako ay wala pa din akong makuhang kahit anong reply mula sa kanya kaya masyado na akong nag aalala.
Sinusukan ko siyang tawagan pero ring lang ng ring ung cell phone niya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pati sa trabaho ko ay hindi ako makapag focus!
Sa sobrang gusto kong malaman ang kalagayan ni Warren ay sinubukan kong siyang itanong kay Ate Shanelle.
"Ate, alam mo ba kung nasaan si Warren?" tanong ko habang naka video call kami.
"H-huh? S-si Warren?" parang kinakabahang tanong niya, pinagsawalang bahala ko na lang.
"Oo, nakikita mo siya? okay lang ba siya? " sunod sunod na tanong ko.
"A-ah h-hindi pa eh" utal na sagot niya
"Ah ganon ba? okay, sige salamat" nanlulumong sabi ko. "by the way kamusta ung sa kasal namin?"
"A-ayos na naman i-ikaw na lang kulang! sige na Shantal may gagawin pa ako" nagmamadaling sabi niya sabay end ng video call.
She's acting weird. nabanggit ko lang si Warren parang kinakabahan na siya!
Aish baka nga busy lang siya kaya nag mamadali baka din nagtatampo pa rin si Warren kaya hindi sinasagot ung mga tawag ko.
From: Ate Shanelle.
I'm sorry, Hope!
It's weird, bakit siya nagso-sorry?
To: Ate Shanelle.
Huh? Bakit?
From: Ate Shanelle.
Wala wala. bye.
Mag rereply na sana ako ng biglang nag text sa akin si Warren kaya dali dali ko itong binuksan.
From: Babe.
Sorry babe.
It's weird, bakit sila nagso sorry sa akin? sorry day ba ngayon?
________________________________________________________________________________________________________________________________
:):