Chapter 19
Ngayon ko balak kausapin si Warren kaya nag bihis ako para pumunta sa condo niya!
Tama si Mama kailangan ng ama nung anak nila ni Ate kahit galit ako ayokong pa ring maranasan ng magiging pamangkin ko ang naranasan namin ni Ate dati, ayokong makita siyang umiiyak dahil hinahanap niya ang Daddy niya!
Nang makarating ako sa building nang condo niya ay pumasok na agad ako dahil wala naman akong balak mag tagal dito! kailangan ko lang kausapin si Warren tungkol sa pagiging ama niya sa pamangkin ko!
Agad akong mag tungo sa unit niya at kumatok. Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa akin si Warren na sobrang gulo ng buhok at amoy alak, mukha ring hindi siya nakaka tulog ng maayos!
Ang sakit na makita siyang ganyan kasi sa loob ng anim na taon ay inalagaan ko siya kaya sobra akong masasaktan na makita siyang miserable pero wala na akong magagawa dahil kailangan siya ng kapatid ko!
"B-babe?" medyo gulat na sabi niya. "B-babe, buti bumalik ka! Ayokong mag pakasal kay Shanelle, babe! Ikaw ang mahal ko kaya sayo lang ako mag papakasal" sabi niya kasabay ng pag tulo ng luha niya!
Parang dinudurog ang puso ko sa sinabi niya! Gusto ko siyang yakapin at sabihing magiging okay din ang lahat pero hindi pwede dahil kaligayan ng pamangkin ko ang nakasalalay dito!
"Kailangan mong pakasalan si Ate, Warren!" sabi ko habang pinipigilang tumulo ang luha.
"Pero hindi ko siya mahal!" umiiyak na sabi niya.
"Pero kailangan ka niya pati ng pamangkin ko!" pigil luhang sabi ko.
"Susustentuhan ko na lang ung bata, basta ayokong mag pakasal sa kanya" sabi niya habang tumutulo pa din ang luha.
Gustong gusto kong pumasan ang mga luha niya, gustong gusto kong patahanin siya dahil kahit nasaktan niya ako ay hindi ko pa din kayang makita siyang nasasaktan.
"Kailangan mo siyang panagutan, Warren! Lumaki akong walang ama sa tabi ko, mahirap lumaki ng walang ama dahil pakiramdam ko ay may kulang sa akin at ayokong maramdaman yon ng pamangkin ko!" hindi ko na napigil ang luha kong tumulo.
"But that was just a one night mistake!" umiiyak na sabi niya.
"That mistake.... ruined the years we had together"
Tumalikod na ako dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko pero bago ako umalis ay muli akong mag salita...
"Managutan mo si Ate, kahit para sa anak niyo na lang! Wag mong hayaan na lumaki siya ng walang ama! Mahirap lumaki ng walang kinikilalang ama!" sabi ko bago tuluyang umalis.
________________________________________________________________________________________________________________________________
:):