Chapter 18
Palapit ng palapit ang araw ng kasal nila at habang tumatagal mas lalo akong nasasaktan pero hanggang kaya ko titiisin ko para sa magiging pamangkin ko!
Wala namam kasing kasalanan ung bata eh kaya hindi niya deserve na agawan ng ama dahil walang kahit na sinong bata ang deserve na mawalan ng ama.
Habang tahimik akong umiiyak ay biglang nag ring ang cell phone ko... Tumatawag si Mama!
"Hello, Ma?" bati ko.
[Shantal, kausapin mo si Warren dahil ayaw niyang panagutan ang kapatid mo!] problemadong ngunit may bahid mg inis na sabi ni Mama.
Kausapin ko? Grabe naman, wala ba talaga siyang pakielam sa nararamdaman ko? kakausapin ko si Warren tapos pipilitin kong mag pakasal! Sana pinatay niyo na lang ako kesa ung ganto!
"Ma, ayokong mangialam sa problema nila!" mahinahong sabi ko.
[Pilitin mo siya, Shantal dahil sabi niya ikaw ang mahal niya! Ayokong lumaki ang apo ko ng walang ama, naranasan mo yon kaya kakayanin ba ng konsensya mong makita ang pamangkin mong lumalaki ng walang ama?!] pagalit na sabi ni Mama.
Tama si Mama, naranasan namin ang lumaking walang ama kaya hindi kakayanin ng konsensya kong makitang lumalaking walang ama ang pamangkin ko!
"Sige, Ma kakausapin ko siya!" Sabi ko bago ibaba ang tawag.
________________________________________________________________________________________________________________________________
:):