20

2K 18 2
                                    

Chapter 20

Si Ate Shanelle naman ang susunod kong kakausapin! Ayokong ikasal sila ng magka-away kami, gusto kong ibigay sa kanya ang moment na yon! Ung masaya lang, ung hindi niya iniisip na may galit sa kanya!



Ate ko pa rin siya kaya hindi ko kayang magalit ng matagal! Siya ang naka-sama ko sa lahat kaya kahit nasaktan nila ay kaya ko yong kalimutan para sa ikasasaya ng kapatid ko!



Pumunta ako sa bahay dahil alam kong nandoon si Ate.




Pag pasok ko ay si Mama ang sumalubong sa akin!



"Naka-usap mo na si Warren?" bungad na tanong niya.



"Opo!" sagot ko. "Nasaan po si Ate?"



"Nasa taas."



Umakyat ako patungo sa kwarto niya at naabutan ko siyang nag babasa ng libro habang naka sandal aa head board, tumingin siya sa gawi ko at bahagya siyang nagulat.



Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama.



"Ate, kamusta ka na? pati si baby?" agad na tanong ko.



"S-shantal, I-i'm sorry" sabi niya kasabay ng pag tulo ng luha niya.



Tinuyo ko ang luha niya. "Okay lang, naiintindihan! Basta alagaan mo ung baby mo ha? alagaan mo din si Warren! Ikaw lang ang taong kaya kong pagka-tiwalaan pag dating sa pag aalaga sa kanya" sabi ko habang tumutulo ang luha.



Sobrang sakit mag paubaya pero kailangan dahil may anak na sila.



"Lagi mo siyang pasasayahin, ha?" bilin ko sa kanya at tango lang ang sinagot niya. "Pag umaga favorite breakfast niya, bacon tapos two scoop of sugar lang ung coffee niya! Beef steak naman ang favorite na ulam niya! Green ang favorite color niya! Tas allergic siya sa lemon!" umiiyak na bilin ko dahil nagf-flashback ang lahat ng ala-ala naming dalawa.



"S-salamat, Shantal!" umiiyak na sabi ni Ate. "P-pero p-paano ka"



"Wag mo akong alalahanin, Ate! Si baby ung alagaan mo dahil gusto kong makitang lumaki ang pamangkin ko" pag tapos kong sabihin yon biglang niya akong niyakap ng mahigpit.



Magiging maayos din ako.

________________________________________________________________________________________________________________________________

:):

One Night Mistake Where stories live. Discover now